Operating Room

581 17 0
                                    


Hi spookify! This incident happened last August 2016. I am an OR nurse working in this private hospital (NCR, South part).

Syempre, kapag hospital madami ding ghost stories. I don't have a third eye pero yung iba kong kasamahan sa work meron kaya pag sila ang kasama mo sa duty, ang creepy lalo na pag night shift. Dami kasi nilang nararamdaman.

Pinaka-creepy part ng hospital samin is yung OR.

One time, benign ang duty. Walang case. As in tahimik. Night shift ako nun. Nagkataon kasama ko as OR duty si Ma'am Jess (not her real name).

We decided to take a nap sa OR (ilang araw na kasi kaming pagod at puyat, saglit lang naman. pambawi lang) Inalis ko muna ang takot ko kasi puyat at antok na antok na pakiramdam ko nun. Sinabihan ko pa si Ma'am Jess na huwag na lang syang magkwento if may nakikita or nararamdaman sya.

Bale sa Recovery Room kami natulog. Tig-isang bed. Nagising ako bandang 12mn kasi naririnig ko kasi yung doorknob. parang may nagpipilit magbukas, pero wala namang tao besides us. dinisregard ko na lang pero that time iba na yung lamig sa loob at parang gusto ko na ngang gisingin si Ma'am Jess.

Maya-maya, bigla syang nagsalita.
Siya : "Psst, Diane baba na tayo sa ER. Doon na lang tayo tumambay."
Me : "Sige Ate. Tara na. May sasabihin ako."
Siya : "Ako din. Bilis!"

Nung nasa ER na kami, kinuwento ko yung about sa doorknob na parang may gustong magbukas.

Sabi naman ni Ma'am Jess : "May nakatayo kasing lalaki sa tapat ng Recovery Room. Sya yung nagalaw ng doorknob. Niyaya na kitang lumabas nung wala na sya at baka bigla pang bumalik. Grabe na din takot ko nun Diane."

Ayun, sa ER na kami nag-stay hanggang umaga.

Actually, madami pa akong naranasan sa hospital na ito. Yung mga nasitsit or sa peripheral vision mo may nadaan. Hinahayaan ko lang. Yung sa OR lang talaga ako natakot ng sobra. Meron pa akong isang creepy experience pero next time na lang.

Thank you sa pagbabasa! Thank you Spookify!

Ate RN
Las Piñas

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon