Hi spookify. medyo desperada na ako kaya nag-message na ako sa inyo. alam ko mahaba ito pero sana pagtiyagaan nyong basahin. sobrang kailangan ko lang ng tulong. ngayon pa lang sinasabi ko na, na may nagawa akong mali. alam ko na yun. wala nalang sanang masasamang comments dahil di namn nakakatulong. kahit di nyo sabihin alam ko namang wala akong kwenta. hindi nyo na kailangan ipamukha.Ako po si Maris. bata pa lang ako ang lungkot-lungkot na ng mundo ko. maagang namatay ang tatay ko at nag-asawa ulit ang mama ko na walang amor sakin. madalas sakin binubunton ang galit nya kahit wala naman akong kinalaman. may dalawa akong kapatid sa ina. bale anak sila ng stepfather ko.
Mahirap lang po kami. yung bahay namin maninipis na kahoy at yero lang, lupa ang sahig saka papag ang higaan. hindi kami nakatira sa probinsya pero ganito ang buhay namin. Isang kahig, isang tuka.
Bukod sa napakawalang kwentang pamilya, mahirap na nga kami, hindi na nga ako kagandahan, wala pang binigay saking talino. napakamiserable ko.
Grade 3 na ako non pero wala pa din akong kaibigan. sino ba kasing may gusto sa pangit na repeater at mukhang basahan pa ang uniform. hanggang sa nakilala ko sya. si Xy, transferee galing ibang bansa. kung ba't sya nasa public? malay ko. pero halata na mayaman sila. maganda sya saka naging top 1 ng klase. naging magkaibigan kami. medyo malapit lang ang bahay namin sa kanila eh. kaya madalas dinadala nya ako sa bahay nila, pinapakain at binibigyan ako ng mga gamit ng magulang nya. siguro ay naaawa.
Hanggang sa grade 4 hindi na kami magkaklase. nasa section 1 na sya at maganda pa din ang takbo ng pag-aaral nya. ako naman huminto nalang. sabi kasi ng nanay ko bobo naman ako kaya walang mangyayri kahit mag-aral pa ako. namasukan nalang ako sa isang maliit na karinderya. pero kahit ganon, regular kaming nagkikita ni Xy. hindi sya nakakalimot kahit din naman ako. hindi naman kasi sya mahirap pakisamahan dahil maganda talaga ang personality nya. lagi kang tatawa o ngingiti. magaan kausap, in short madaling mahalin.
/Fast Forward/
Nagdadalaga na kami non. nakapasok sya sa isang science high school dito. ako ganon pa din. pero doon nagsimula lahat ng tanong na "bakit" kapag mamamasyal kami, talagang napapatingin yung mga tao lalo mga lalaki sa kanya. tisay kasi sya, maalon yung buhok tapos sobrang ganda ng mata. may lahi kasing foreigner. samantalang ako, eto, negra, mataba at pango. madalas nanliliit ako kapag kasama ko sya. lalo akong nagmumukhang basura kasi. nagkaroon naman na ako ng mga kaibigan. ganon din si Xy, pero sya naging one of the boys. kasama sya nagba-basketball at mag-dota. dahil don lalong dumami nagkakagusto sa kanya. naiinis ako kasi para syang prinsesa na maraming prince charming.Bakit may mga taong ginawa na maganda? matalino at masaya sa buhay. samantalang yung iba kagaya ko. lumalim yung inis ko non. parang lahat nalang kasi ng tao nagugustuhan sya. simula non natuto ako na siraan sya ng palihim. kapag nasa bahay nila ako. napapasimangot ako kasi ang rangya-rangya ng buhay nya. doon ako natutong manguha ng gamit nya. lotion, pabango, damit at kung anu-ano pa dahil sa paniniwalang deserve ko din yun. alam ko mali. pero naranasan nyo ba yung sobrang nakakapagod ng maawa sa sarili at nakakagalit na lahat ng pangarap ko sa sarili ko nasa kanya. na lahat ng gusto ko sa buhay nasa kanya samantalang wala syang Diyos. oo. sabi nya sakin di sya naniniwala. di ko ginawang big deal yon kasi latina sya at di naman pinay talaga di naman talaga sya taga Pinas. naisip ko na baka ganon kasi ang mga tao sa bansang pinanggalingan nya.
Valentine's day noon nang bumisita ako sa bahay nila. ang sabi ng mama nya naliligo pa daw sya kaya umakyat muna ako sa kwarto nya. marami syang natanggap na chocolates, flowers, bear at kung anu-anong pang regalo. doon sa nakita ko nainis ako. kaya kagaya ng dating gawi. kumuha ako ng gusto ko doon. imported na chocolate at isang kwintas na napansin ko kaagad kasi ang ganda ng design. mukhang mamahalin pa nga dahil kimikinang pa. typical na butterfly lang ang design non pero mamahalin ang dating. nilagay ko yun sa bag ko ng patago.
Kinagabihan noon, namatay ang nanay ko. natagpuan ang bangkay nya na may bakat ng lubid sa leeg. bugbog at madaming pasa na parang pinaghahampas ng tubo sa ulo at katawan. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko non. di naman sya mabuti sakin pero nakita ko pa din yung sarili ko na iniiyakan sya.
Dahil don, kinuha kami ng mga kamag anak ni mama sa probinsya. dahil don. ang tagal kong di nakausap si Xy. August 14, namatay naman ang kapatid ko. pero bago yon ay sinapian pa sya. iyak ako ng iyak non dahil mahal na mahal ko sila. at di ko makaya yung pagpapahirap sa kanya habang sinasapian sya. bumubula ang bibig nya ng dugo at nalalagas ang ngipin nya. kitang-kita ko kung pano sya nahihirapang huminga. pastor ang tinawag namin para mapaalis ang sumapi sa kanya pero pagkaalis non ay saka din binawian ng buhay ang kapatid ko. marami syang latay at parang paso sa katawan pagkatapos.di naman galing sa pastor iyon dahil di sya sinaktan physically ng pastor.
Dahil don. nagpunta kami sa magaling na albularyo. kilala sya sa probinsya namin at pagpasok ko palang ng pinto ay agad na sinabi nya.
"Hija, may karga ka"
Kabadong-kabado ako non. ang iniisip ko, baka may nakasunod sa akin. kahit natatakot ako, tumuloy ako. pinaupo ako at kahit wala pa akong sinasabi sa albularyo ay binigyan ako agad ng libro.
"Alin diyan?" tanong sakin nung albularyo. nung binuksan ko. litrato ng mga alahas. sunod-sunod kung nilipat yun. at dun nahagip ang isang larawan.
Isang butterfly na pendant na aakalain monh normal lang pero may nakaukit na mata sa gitna. don kumabog ng husto yung dibdib ko. suot ko non yung kwintas kaya tiningnan ko mabuti. may nakaukit nga ding mata. hindi na ko nakapagsalita non kaparehong-kapareho ng nasa lumang libro.
Bumuntong hininga non yung albularyo bago sinabi sakin.
"Anim na buwan na ang nakakaraan noong may namatay sa inyo hindi ba? pagkatapos ng anim na linggo ay may panibagong kukunin. pagkatapos ng anim na araw, ikaw na ang susunod. saan mo nakuha ang kwintas?".
Doon na ako humagulgol ng iyak. doon ko kinuwento ang lahat. ang paliwanag sakin ng albularyo, ang nanay ko ang pinakaginawang alay kaya ito pinatay at matapos ang anim na buwan mula ng mamatay ito ay susundan ito ng isa pang malapit na kamag-anak. parehas din daw ang dadanasing hirap. doon ko naalala ang itsura ng nanay ko noong kinuha ang bangkay ay kaparehas na kaparehas sa nangyari sa kapatid ko kahit wala namang bumugbog dito. pagkatapos ng anim na linggo mula ng mamatay ang kapatid ko ay malamang na ang natitira ko nalang na kapatid ang kukunin at ako na ang susunod matapos ang anim na araw.
Ang sabi sakin ng albularyo. ibalik ko ang kwintas. naisip ko na iwan ko nalang sa kwarto ni Xy kung saan ko iyon nakita pero hindi daw doon mapuputol ang nangyayari. dapat daw ay ibalik ko ng personal sa may-ari at dapat ay kusang loob daw tanggapin ng mga kamay nya iyon.
Wala akong pera kaya hindi ako nakabalik agad sa dati naming bahay kung saan malapit si Xy. inabot ng 3 linggo matapos ang pagkamatay ng kapatid ko bago ako nakabalik.
Hindi ko magawang aminin kay xy Xy na ninakawan ko sya kaya sinabi ko na may nakita akong kwintas malapit sa kwarto nya at tingin ko ay nahulog galing sa kanya yun.
Pero ang nakakabahala don ay hindi nya tinanggap. ang sabi pa nya hindi daw sa kanya ang kwintas at kung napulot ko man daw iyon. sa akin nalang daw. bagay lang daw na sa katulad ko mapunta iyon. iba ang tono ng pananalita nya non. halatang may ibig sabihin ang ngiti nya bago sya umalis. pagkatapos non ay naging mailap na sya. lagi syang busy daw at di na madaling ma-contact at makita. hindi ko na po alam ang gagawin ko. unti-unti na akong napipiga bawat araw na nababawas. hindi ko na alam kung paano ba...
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree