Salakot

304 9 0
                                    


Hi admin and to all readers! I'm an avid reader here, kaya sana naman ma-post ito, nag-send na ako before pero hindi na-post haha, kaya I'm hoping on this one. Si Lola kasi ay laking Samar so gaya ng Antique at Siquijor uso rin dati don yung mga Supernatural thingy like Aswang ganon. Pero this story is about my lola's brother na si Lolo Pido (not his real name) sa experience nya sa Aswang. Actually, nasa waray na dialect ang pagkakakwento ni lola sa amin pero ni-translate lang ni mama sa tagalog haha. And pakitago nalang po ng identity ko Admin (slightsmile emoticon). Thank you in advance. So here it goes...

Uso kasi yung sayawang bayan noon sa probinsya, yung may isang bahay o lugar na malaki tas may tugtugan na pwedeng daluhan ng kahit sino doon sa probinsya kung saan magsisipaghatawan, kembutan at gilingan sila. Kadalasan kasi gabi yon nagaganap so expected late midnight na natatapos yung sayawan. E si Lolo Pido active don kaya one time na dumalo sya don natapos madaling araw na. May sakit daw kasi si lola non kaya 'di nya nasamahan sa sayawan si Lolo Pido, in short, mag-isa siyang uuwi. E sa gitna pa ng bukid yung bahay nila kaya babaybayin nya yon kahit may limitadong ilaw lang sa mga poste. Wala na kasing bumibiyaheng tricycle kapag 10pm na. So habang naglalakad si Lolo Pido, may sumisitsit sa kanya, so nilingon nya paglingon nya nakita nya may salakot sa lapag na siguro mga tatlong dipa daw ang layo sa kanya. Hindi nalang daw nito pinansin kaya ipinagpatuloy nito ang paglalakad. Sa paglakad ulit ni lolo maya-maya'y may sumisitsit na naman sa kanya, pero nung nilingon nya ulit may salakot pa rin na nasa lapag kaso mas malapit ang distansya nito kaysa kanina. Medyo naiinis na si Lolo Pido kasi iniisip nya na baka pinagtitripan sya ng ibang tao kaya nagmadali na itong maglakad. Nung naglalakad na sya biglang lumakas lalo yung sitsit na para bang ang lapit na, kaya napuno na si lolo. Tumigil sya sa paglakad, nilabas nya yung balisong nya sabay sambit ng, "Y*wa ka! Magpakita ka nang makita mo hinahanap mo!" Tas nung paglingon nya nakita nya yung salakot na umiikot na parang gulong palapit sa kanya, kaya sa galit nya, kinuha nya yung salakot saka niya sinaksak ng balisong na kapit nya. Nagulat si Lolo Pido dahil may biglang sumigaw na boses babae na parang nasaktan. Initsa nya palayo yung salakot saka ito muling gumulong.

Pagkauwi ni lolo, sinabi nya ang tungkol sa salakot sa ate nya na si Lola Tinay (not her real name) at nagalit ito sa kanya.

Non-verbatim:
Lola Tinay: Susmaryosep ka Pido! Hindi mo ba alam na aswang yon?! Kaya may umaray yon kasi aswang yon na nag-anyong salakot! Dapat di mo hinayaang makatakas at dapat pinutulan mo ng dila para di makapagsumbong sa mga kamag-anak nya. Naku Pido maghihiganti ang mga yon!
Pido: E nagulat din ako mana e

*Mana - waray term sa lugar nila ng Ate o nakatatandang babae. Mano naman sa lalaki.

Dun ko lang na-realized na hindi lang pala nagse-shapeshift ang mga aswang into some kind of animal, pati pala bagay pwede din. Kaya after non, hindi na lumabas ng bahay si Lolo Pido. Para daw nababaliw na hindi mapakali at hindi na daw gaanong natutulog. Sa tuwing tinatanong nila Lola Tinay at nung lola ko, sinasabi ni lolo na may nakikita daw sya sa labas ng bahay na mga lalaki at sinasabihan sya na wag daw siyanh lalabas kasi papatayin daw sya ng mga ito. Pero nung sinilip naman nila wala naman daw tao. Sabi ni lolo nagtatago lang daw sa mga talahiban kaya di nila makita. Dahil sa mga nangyayari kay lolo nagkasakit na siya at nung dumating na yung araw na naghihingalo na si lolo, habang naghahabilin siya, nagulat yung mga kapatid nila na may naririnig silang parang may sumisipsip sa ilalim (uso kasing bahay sa probinsya noon yung may silong sa ilalim at doon kadalasan nilalagay yung mga hayop na alaga). Sabi nung isang kapatid ni Lolo Pido na lalaki na si Lolo Igtan (not his real name) baka raw aswang yon kaya kumuha sya ng kawayan at lumabas sya ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas niya biglang may tumakbong itim na baboy. ang bilis daw e at yun napagtanto nila na baka yung isa sa mga kapatid nung babaeng aswang na yon na nasaksak ni Lolo Pido ay nakapaghiganti na.

Nasa tao kung maniniwala sila sa mga supernatural happenings or creatures pero ako naniniwala kasi laking Samar din si mama at siya mismo ang muntik nang mamatay dahil sa mga yon. Sa susunod ko na ikukwento yung iba like yung itim na barko na papunta sa dalampasigan nila kapag na-post na 'to hehe. Thank you.

Sit
Manila City

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon