Backride

254 6 0
                                    


Hi sobrang avid reader ako dito hihi. Sana ma-post, hindi ko alam kung nakakatakot ito sa inyo pero for me kasi oo hahaha. So yung ise-share ko recent lang nangyari. Btw, I'm from Muntinlupa haha kaway-kaway mga ka lupa char haha. Umm di ako magaling magkwento but please bear with me.

Working student ako, somewhere in Makati ung school ko and yung work ko sa Ayala. Start ng class namin 7:30am-2pm then ung sa work ko 4pm-11pm so bogsa-bogsa ako everyday haha. So, ayun na nga na-late ako ng uwi from work kasi Saturday, maraming tao (semi-restaurant kasi yon di ko na ime-mention ung name) so from Ayala magba-bus ako papuntang Muntinlupa, then pagdating don sa Muntinlupa mag-iisang sakay pa uli ako ng tricycle. So, ayun na nga pasakay na ako ng trike, ung trike dalawang pasahero nalang ang kulang tas lalarga na, yung isa sa baby sit then sa likod ng driver. Don sana ako sasakay sa may backride sa may likod ng driver kaso naunahan ako ng bakla so nag-baby sit nalang ako, kailangan pa kasi punuin ung isang trike kaya don nalang ako sa baby sit. From sakayan to bahay namin dati mga 5 mins lang nandon na kaso dahil sa ginagawang kalsada (na 4 months or more ng ginagawa tapos na yung election di parin tapos) 10-15 mins bago makarating sa bahay. So ayun na nga umandar na yung trike dahil sobrang antok na ko nakapikit na ako non pero di ako tulog and aware ako sa kaganapan sa paligid ko. So ayun pagpasok namin sa may bilibid (NBP Area) smooth lang yung takbo nung trike, ako nakapikit pa rin tapos biglang huminto ung trike pero di pa rin ako dumidilat kasi alam ko wala pa sa babaan. Ayun narinig ko si manong driver pinapadyakan ung pang-start ng motor di ko alam tawag dun basta yun, medyo matagal ng naka-stop so dumilat na ako. Padyak pa rin si manong ng padyak tas di pa rin talaga nag-i-start yung mga kasama ko sa loob medyo nagrereklamo na e wala din naman kaming magagawa tapos nakakatakot pa don kasi walang streetlights tapos kami lang talaga yung nasa daanan kasi nga mag-1am na non. Biglang umuga ung trike ng very light so akala ko naman malikot lang kami kasi nga naiinip na plus ung pagpadyak ni manong, di naman nagtagal umandar din kaso ang bagal nung pag-andar di katulad nung bago mag-stop ung trike. Hindi na ako pumikit non kasi di ko din alam kung bakit haha, nung nasa may paliko na kami biglang nagsisigaw ung bakla sa backride "whaaawhaaaa whaaaa" ganun e di kaming nasa loob nagulat tas ung katabi nung bakla na lalaki ung sa may bakal na upuan (sana ma-imagine nyo) sumigaw din "manong, manong may babae sa likod" (sa likod nung trike yung parang lagayan ng mga bagahe) kaming nasa loob tinignan ung likod tapos nakita namin meron ngang babae! Nagsigawan kaming lahat, ung babae na kasama ko sa loob ng trike sumigaw kay manong na bilisan ung andar kaso kitang-kita naman kay manong na mabilis ang andar nya kaso ang bagal talaga ng trike. Ang ingay namin lahat sigaw ng sigaw kaso parang walang nakakarinig sa amin, hanggang sa sumigaw ung lalaki na nakaupo sa bakal na upuan "ung ulo ng babae umiikot!" Ako takot na takot na talaga. Lahat kami takot na, si manong tinodo na nya talaga tas bigla kaming bumilis. Yung tric nawalan ng control nagpagewang-gewang ung trike tas sumubsob sa damuhan na hindi naman kataasan. Nung nahinto uli ung trike lahat kami syempre subsob din ewan ko nalang yung nasa backride na pasahero tas biglang sumigaw ung bakla "Nawala yung babae!" Kingina talaga ung puso ko, nagsalita si manong sabi ayaw daw mag-start ng trike takot na takot na kaming lahat non binuksan namin yung mga flaslight sa phone namin kasi nga kumikislap-kislap lang yung ilaw ng motor, mga ilang minutes ayaw pa rin talaga mag-start tapos wala pang dumadaan na kahit anong sasakyan. Nagsalita uli si manong magdasal daw kami, ayun nagdasal kami ng tahimik si manong din after magdasal sabi ni manong "Pauwiin mo na kami pagod na yung mga pasahero ko galing trabaho." Bigla kaming may narinig na wang-wang, may patrol na paparating tas ayun pinara namin sinakay kami lahat don tapos ung trike tinalian tapos hinatak nalang. Habang nasa patrol car kami kinuwento namin sa mga police yung nangyari tahimik lang sila, then pagdating namin sa babaan talaga nagdasal kami ulit lahat. Doon kasi sa lugar na yon wala talagang kalsada, dati bundok at puro damuhan yon tapunan din kasi yon dati nung mga nire-rape, mga pinapatay ganun. So ayun. Hanggang dito nalang sana hindi kayo na bored haha.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon