Hello Admin Chai,
Isa po ako sa kalaban ng mga basher sa page hahaha skl. Skl rin tong karanasan ko nung GF ko palang tong asawa ko umpisahan ko na po.
Hi, ako nga pala si Don P (di ko tunay na pangalan) 28 years old tubong Cavite. nakilala ko ang asawa ko March 2008. Isa akong driver ng pampasaherong sasakyan at may suki akong pasahero na hinahatid ko lagi sa canteen at dun ko na rin nakilala si Bonniebeth (di tunay na pangalan). Bago lang siya sa canteen noong niligawan ko, halos tatlong buwan ay sinagot nya rin ako.
Apat na buwan na kami ng biglang nagkaroon ng emergency sa bahay ng asawa ko. Naospital ung mama nya dahil sa ulcer. Kailangan naming umalis papunta sa kanila kaya naman lumuwas kami ng madaling araw sa Cavite at nakarating kami sa bahay nila sa Malabon-Navotas ng 9AM. Diretso kami sa pagamutang bayan sa malabon kung saan nag pa checkup ang mama niya at ng hapon din pinauwi na kame ng doctor. Nag decide kami na wag muna umuwi ng Cavite at mag stay sa bahay nila. Nang makarating kami sa bahay, kami ay agad na naghapunan. Matapos naming kumain, nagpaalam ako sa asawa ko na magsi-cr ako kasi sakit ko yun pag tapos kumain ay CR agad hanap ko. Sa 2nd floor naka-locate ang CR nila kaya umakyat pa ako upang magbanyo. Nang natapos na ako at bababa na sana may nakasalubong akong matanda sa hagdan na nakatingin ito at nakangiti sa akin.
Syempre bigay galang ako at pinaunang umakyat ang matanda, inalalayan ko ito at hinawakan sa braso. Since bago lang ako sa bahay ng asawa ko, hindi pa ako familiar sa mga nakatira dito bilang pati pinsan at kapatid ng mama niya ay nakatira din sa iisang bahay.
Nung nakaakyat na ung matanda dun na ako bumaba. Bago pa man ako tuluyang makababa ng hagdan, naalala ko ang aking pera sa loob ng CR, bumalik ulit ako sa taas. Pag-akyat ko, walang tao at nakasara ang pinto ng cr. Kaya naman nagtao po ako upang ipaabot ang pera sa loob dahil alam kung andun yung matanda. Naka-tatlo o apat na beses na akong tumawag upang kunin ang aking pera ngunit wala paring sumasagot na matanda. Tinulak ko ang pinto ng dahan-dahan, bumukas ito at walang tao sa loob. Nagsimulang lumamig ang aking buong katawan, pakiramdam ko'y lumalaki ang ulo ko dahil walang tao sa loob ng CR. Walang tao sa ikalawang palapag. Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Nagtaka ang asawa ko bakit daw ako tumatakbo galing sa taas at namumutla. Hindi ko na nakwento sa kanya kasi nga GF ko pa nga lang sya at ayokong ipakitang duwag ako pero sa totoo lang, sobrang kilabot ang aking naramdaman.
Tambay muna kami sa labas dahil pinakilala nya sakin lahat ng pinsan at kaibigan nya. Bumalik kami sa loob ng bahay 11PM ng gabi. Nag-decide ang asawa ko na sa 2nd floor kami matutulog kasi sa baba naman daw ung magulang at kapatid niya. Matutulog na sana kami ng aking asawa ng mapatingin ako sa salamin. Nakita ko sa reflection ng salamin na may paakyat na matanda galing sa hagdan. Kamukha ito ng matanda na aking inalalayan paakyat kaya sabi ko sa asawa ko may aakyat. Sinilip naman nya sa hagdan kung may tao, sabi nya wala pero sa salamin kitang-kita ko at nakatingin pa ito sa akin habang umaakyat. Sumilip din ako sa hagdan at dun ko napatunayan na wala ngang tao. Napansin siguro ng aking asawa na hindi ako kumportable matulog sa 2nd floor kaya dun na kami natulog sa baba.
Kinabukasan habang nag-aalmusal, doon ko na nakita ang kabuuan ng bahay. Napansin ko sa may altar nila ang isang larawan ng matanda. Tinitigan kong maigi ang matandang babae sa larawan dahil pamilyar ang itsura nito sa akin. Doon ko na napagtanto na ang matanda sa larawan ay ang matanda na nakita ko kagabi. Tinanong ko sa asawa ko kung sino ito at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Hindi ito makapaniwala sa aking kwento dahil ang babae daw sa larawan ay ang kanyang lola na pumanaw na noong 7 years old pa lang siya.
Kinilabutan ako sa sinabi nyang ito sa akin. Halos isang buong araw kong inisip ang pangyayaring iyon dahil malinaw sa akin ang lahat ng nakita ko kagabi. Siguro nga ay may mga mahal tayo sa buhay na pumanaw na at binabantayan pa tayo dahil sa pagmamahal nila sa atin. Ang aking karanasan ay patunay na hindi lang tayo ang naninirahan sa mundong ito.
Hanggang dito nalang muna di naman ito nakakatakot pero isa ito sa hinding-hindi ko malilimutan. Admin chai, kung sisipagin ulit ako mag-share ulit ako ng karanasan ko sa Cavite ung sa kapitbahay naming aswang. Salamat po
Don P.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree