Bagong Silang

233 5 0
                                    


Magandang gabi Admin Chai at sa mga mambabasa. Nais ko sanang magbahagi ng aking karanasan. Di ko alam kung paano 'to sisimulan. Pero sana ma-post ito, kasi wala talaga akong mapaglabasan. Pakitago po ang identity ko kasi real account po ito.

Note: Lahat po ng ibinahagi ko ay totoo, nasa sa inyo pa rin po yan kung maniniwala kayo o hindi, di ko po kayo pipilitin.

-------------------

Papunta kami kina Pepoy noon, successful yung pagpunta namin pero yung pauwi ang hindi. Napaglaruan kami at pabalik-balik nalang yung daan na nilalakbay namin. Yung lugar nila Pepoy ay liblib. Matatayog ang kahoy, maraming taniman ng palay atbp. Sobrang nagsisi ako that time dahil tumakas lang ako sa bahay para maka-try gumala, sad to say ang pangit ng gala. Tatlo kami, dalawang babae at isang lalaki too late na nung na-realized namin na napaglaruan kami (lamat samin) mas pinili namin ni Bang na huwag baliktarin ang damit kasi may kasama kaming lalaki at pinagsisihan namin yun.

Sa tanang buhay ko medyo nasanay akong makakita ng di katulad natin. Akala ko manananggal lang yung pinakanakakatakot na na-encounter ko, meron pa pala. That time, nagpakita sakin ang isang Manlayugay (katulad ni Dimples Romana sa Pamana - Shake, Rattle n' Roll) nanlilisik ang mata pero nakangisi sakin, lumulutang, mahaba at sobrang itim at kintab ng buhok na siyang ginagamit niya sa mga biktima niya. Paano ko nalaman? Napanood ko sa Shake, Rattle n' Roll, na di ko inaasahang mangyayari sa totoong buhay. Nagkatitigan lang kami't wala akong nagawa kundi umiyak kasi di ko alam ang gagawin ko naestatwa lang ako't naputol pa ang rosary bracelet ko that time. Nabalik lang ako sa huwesyo ng hablutin ako ni Bang at pinatingin sa gawi niya kung saan may babaeng nagbigti, sabi ni Bang estudyante siya sa isang unibersidad sa lugar namin, graduating na sana kaso nabuntis at di pinanindigan, itinakwil ng ama kaya't nagbigti nalang. Si Bang ay totally open ang third eye habang bahagya lang ang sakin, tsaka lang ako nakakakita pag may masama akong nararamdaman sa paligid. Nagdasal si Bang, at agad akong napasabay habang dahan-dahan ko siyang hinawakan at naglakad paalis. Yung kwintas niyang rosary ay naputol rin gaya ng sakin, walang flashlight kasi biglang nag-off ang cellphone namin kaya tanging sinag lang galing sa buwan ang nagsisilbi naming ilaw.

Akala ko mamamatay na ako that time, kasi paglingon ko sa likod yung Manlayugay, distansya nalang ang pagitan sakin at yung buhok niyang dahan-dahang papunta sakin. Nakita rin yun ni Bang at agad akong hinablot at kumaripas kami ng takbo hanggang sa nakalabas kami doon.

Sabi pa ni Bang, buti at di namin naabutan yung kabaong na bumaba bigla galing sa taas na sementeryo pala kaya may malaking itim na krus nakalagay. Kasi, pag naabutan namin yun kailangan naming tumalon na di man lang nasasagi yung kabaong kahit konti. Palagi kasi yung bumubuka kaya dapat timing ang pagtalon, di rin pwedeng sa gilid ka dadaan kasi dadaganan ka ng kabaong at ikaw yung papalit sa loob.

Masyado na pong mahaba, ibabahagi ko pa po ang iba kong karanasan sa susunod, dito lang po ako magbabasa sa comments.
Salamat po.

Sang of Mindanao

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon