February, 03, 2016 - WednesdayAko si Jay, isang simpleng third year high school student na ang tanging pangarap ay makapagtapos. Wala akong ibang iniisip kundi ang pamilya ko at ang magiging kinabukasan ko.
5:30am nang tumunog ang alarm ng aking cellphone, agad akong tumayo mula sa pagkakahiga, dali-dali kong binuksan ang ilaw at kinuha ang twalya kong nakasabit sa pintuan ng aking kabinet.
Hinanda ko na rin ang uniporme kong susuotin at tsaka ako pumasok ng banyo. Pagkapasok ko pa lang ng banyo ay sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lamang akong kinilabutan, malamig sa banyo at daig pa nito ang de-aircon na kwarto. Hindi ko na ito pinansin at naligo na lamang.
Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagligo, nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto, mabagal, malakas, nakakatakot. Hindi pangkaraniwan. Sigurado akong hindi si mama 'yun dahil mabilis kumatok si mama at sinasabayan niya ito ng sigaw. Hindi 'rin pwedeng si papa dahil kung si papa iyon ay malakas at mabilis dapat ang katok.
"S-sino 'yan?" aking sigaw, walang sumagot. Mas lalo akong kinilabutan nang maramdaman kong may dumaan sa aking likod, napalingon ako ngunit wala akong nakita. Tanging ang pader lamang ang aking nakita.
Walang hinto ang pagkatok, mabagal pa rin ito at malakas. Doon ko naramdaman na parang may humihila sa'kin ngunit nilabanan ko iyon. Pumikit ako ng mariin at nanalig sa Diyos. Pagkadilat ko ng aking mata ay ang siyang paghinto ng katok.
Dali-dali kong hinablot ang twalya at binalot ito sa ibabang parte ng aking katawan. Halos madapa pa ako ng lumabas ako ng banyo, nakita ko si mama na naghahanda ng almusal.
"Jay, anak? Anong problema?" Agad niyang tanong sa'kin. Halos mangilid ang luha ko dahil sa takot. "Ma, hindi niyo ba 'yun narinig? M-may kumakatok sa pintuan ng banyo ma!" Taranta kong sigaw. Tumawa lang ng mahina si mama at hinaplos ang pisngi ko. "Anak, pagod ka lang siguro, magbihis ka na at kakain na tayo" sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
Baka nga pagod lang ako. Hindi ko na yun inisip at dumiretso sa kwarto para magbihis. Ngunit pagpasok ko pa lamang ng kwarto ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Takot. Matinding takot ang aking naramdaman ngunit nanalig ako sa Diyos. Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos.
Nawala ang takot ko at huminga ng malalim. Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto, nakita ko si papa na kumakain na, habang si mama naman ay nagbabasa ng dyaryo.
Kumain na ako at pumasok sa eskwelahan. Pagdating ko pa lamang doon ay sinalubong na ako ng kababata kong si Keith. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari pero tinawanan lang ako ng hayop kong kaibigan.
Pagsapit ng chemistry class namin ay tsaka ako nakaramdam ng kakaiba, bigla akong nakaramdam ng matinding pagod, sakit ng ulo, antok, takot at pagsisisi. Hindi ko alam kung bakit.
Nakatulog ako at pagkagising ko ay wala na sila. "Keith? Nasan na kayo?!" ang aking sigaw, maliwanag pa sa labas ngunit parang at the same time madilim. Binuksan ko ang bintana ng classroom at agad kong pinagsisihan iyon.
May dalawang lalaki at isang babae sa di kalayuan sa classroom, nakita ko kung paano nila pwersahang hinubaran ang babae, dinig na dinig ko ang hinagpis at iyak ng babae, nagmamakaawa ito at pilit na kumakawala sa hawak ng dalawang lalaki.
Those men penetrated her, laughing their as* off every time na dinudugo yung babae. And I'm just here, standing, watching. The bright light I saw earlier is not the sun shining, meron doong isang drum, may apoy ang drum at hindi ko alam kung para saan yun.
Napaigtad ako nang makita kong may kinuhang lubid yung lalaki, binihisan nila yung babae and tinakpan nila ng panyo sa mukha yung babae hanggang sa nakatulog na yung babae. Tinali nila yung lubid sa leeg ng babae, it looked like a suicide, then pinatay nila yung apoy sa drum, they turned into my direction and in that moment, nagising ako.
It was a dream within a dream. Pagtingala ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Keith, he's asking me if I was okay but I didn't respond, wala ako sa sarili.
The next day, I don't know why pero may nag-udyok sa'kin na pumunta sa library, I don't know kung bakit humingi ako ng copy ng class picture. Class picture ng mga Grade 9 section 2 of year 2001. Pero kinilabutan ako, I saw the girl I saw in my dreams, nasa picture siya.
Dali-dali akong nagpaalam sa librarian at nagtungo sa guard, I asked the guard kung kilala niya yung babae and he said yes.
Sabi niya that girl was raped and made her death looked like a suicide, the suspects are already arrested and he even asked me kung bakit ako nagtanong tungkol sa girl na yun.
Sinabii ko na wala lang. I returned the photo to the librarian.
I still don't know why did I saw that.
©Karin
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree