Late Night Passenger

278 11 0
                                    


Siguro ito na ang isa sa mga di ko makakalimutang experience ng buhay ko. So, here it goes. Di po ako student, I'm actually working na. Isa akong Brand Ambassador and weekends lang ang pasok ko. This time sa Puregold Zabarte ako na-assigned.

Sa Bagong Silang, Caloocan. Sunday and last day ko na sa outlet ko, so nagkayayaan uminom and mag-bonding ang mga friendship kong Promodizer and Cashiers. Past 1am na kami natapos. Nagsiuwian na kami at dahil sa pagkahilo ko, imbis na kanan Ph5/Ph1 sakyan ko, nasakyan ko ay kaliwa Ph9/10.

Di ko na napansin yung placard nung jeep. Hilo na ang lola nyo. Then, After some paalams and besohan. Nakasakay na ako. Konti lang ang pasahero sa jeep nun. Sa unahan si mamang driver, sa bandang kaliwa ay 2 lovers, sa bandang kanang gitna, isang nursing student and ako, sa dulong kanan. Then, binaybay namin ang kahabaan nang Camarin. Nakarating na kami sa may boundary na naghahati sa Ph5 kanan and Ph9 kaliwa. Medyo natauhan ako, kasi dun ko lang nalaman na mali pala ang nasakyan ko, so pakaliwa na kami sa may Mental Hospital katabi ng Police Station. Ang nakakapagtaka lang is halos lahat ng poste ng ilaw dito sa Bagong Silang meron, maliban lang dito sa may bandang Mental Hospital. Pababa na kami dahil parang bundok style yung way, sobrang dilim. As in, ilaw lang ng jeep namin ang liwanag nun, bukod sa mapuno, sobrang liblib at tahimik ng road. And the unexpected happened. Sa dulo ng Mental Hospital, sa gilid may pumapara, matangkad na kalbo. Akala ko lalaki pero matatanaw mong naka-dress sya. Pero imbis na ihinto nung driver Iniharurot nya ang sasakyan, halos lahat kami muntik nang bumaliktad!

NV.
Me: Kuya! May sasakay po!
LoverBoy1: Manong may pumapara po, Bakit di nyo pinasakay?!

Di umiimik si manong at ang bilis pa rin ng pagpapatakbo nya. Nakalagpas na kami sa lalaking kalbong yun. Nang biglang...

NursingStudent: T@#$%^! Humahabol sya!

Halos mapabalikwas ako pagkatingin sa likod, yung kaninang pumapara at nilagpasan na namin ay humahabol sa jeep! T@#$%^! mga bes! Mas mabilis pa sya kay Usain Bolt! Lalong pinabilis ni manong ang pagda-drive pero mas bumilis din sya, nang makakaabot na sya samin tsaka ko nakita yung mukha nya, kalbo. Sobrang lalim ng mata nya halos wala ng puti. Para syang naglalaway. K@#$^! Napakahaba ng dila nya at sobrang putla. May sugat yung ulo nya na parang sinunog na ewan. At mas lalo pang dumagdag yung tensyon nang nahawakan nya na yung dulo ng jeep! Tumatawa sya at sumisigaw nang "Pasakay! Pasakay!" P@#$! Kulang nalang malaglag puso ko sa takot! Nagtitilian, nagsisigawan na kaming lahat nang biglang ipreno ni manong yung jeep. Natumba kami at ang nakakakilabot ay wala sa loob o labas ng jeep yung kalbo. Nasaan na sya?! Natataranta na kaming lahat. Nawala pagkalasing ko naiiyak na ko! Mama! Gusto ko na talagang umuwi! Saglit pang katahimikan ang naganap. Lahat kami nagpapakiramdaman. nang may isang malakas na tawa at sigaw ang narinig namin. Pinaandar na ni manong yung jeep. Di pa rin naaalis samin yung takot at tensyon. Sa nangyari at nang nakarating na kami sa Ph9. Sa mga paradahan ng mga tricycle at jeep. Dun lahat kami nagsibabaan. Di pa rin nagsi-sink-in sa utak ko lahat nang naganap. Nag-uusap-usap sila, yung mga ibang driver pati ibang pasahero. Sabi nung driver ng tricycle, "Napaglaruan na naman kayo? Dapat kasi di kayo dumadaan dun bago mag-alas tres eh." At base na rin sa mga sinabi nila. Pasyente daw ng Mental Hospital ang gustong makisabay samin. Mga namatay na pasyente. Yung sugat nya sa ulo, yun pala yung pag kinukuryente sila sa ulo. Yung dress na suot nya, ang hospital gown. At ang nakakakilabot pa dun. Babae pala siya, di sya lalaki. Kaya siya kalbo dahil pag mental patient ka daw kakalbuhin ka talaga. Nanlumo ako sa nangyari. Nakakaawa sila pero, sh*t! Nakakatakot din! Putsa! Konti nalang mako-confine na rin ako dun. Nag-special tricycle na ko pauwi. Kahit 40 makauwi lang! Pag-abot ko kay kuya ng bayad, Halos mapasigaw ako sa takot.

Kalbo rin sya. T@#$%^!

Primera

EivedK.
2016

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon