Way back 2017. I was pregnant sa first baby ko. Since first baby ko, maselan yung pagbubuntis ko. Grabe din ang paglilihi ko that time. Sobrang sensitive nang pang-amoy ko, kahit malayo nga na niluluto or ginigisang bawang nasusuka na ako. Hindi pa ako masyadong aware sa mga pamahiin or mga bawal pagbuntis ka.Mga nasa 7 months pa lang yata ang tiyan ko nun, pero grabe laki at bilog ng tiyan ko. Lalo pag naka-fit akong damit, kitang-kita ang hulma nang tiyan ko. Nakasanayan ko nang maligo sa gabi, saka lumabas-labas kahit nga 7pm or 8pm na ng gabi. Hanggang sa minsan, lumabas ako at may bibilhin sana. Malayo pa lang nakita ko na yung babae na nakatingin sakin, tas ang creepy nung ngiti nya.
Nung dadaan na ako sa harap nya (wala kasing choice).
Ale: Ang laki-laki naman ng tiyan mo! Habang naka-smile pa ang gago.
Me: Oo nga po (Sabay madali nang lakad).**Madami namang tao nung mga oras na yun kaya alam kong hindi ako mapapaano pero habang nasa tindahan ako at nabili, hindi nalubay ang titig nya sakin at hindi nawawala ang ngiti nya na para bang gusto nyang sabihin sakin na "Mamaya ka sakin, babalikan ko yang baby mo".
Pagbalik sa bahay sinabi ko sa asawa ko, pati sa biyenan ko. Sabi nila "Sino? Halika ituro mo!" Sabi ko naman, "Hindi ko kilala yung babae". Now ko lang napansin yun. Tapos sabi sakin ng asawa ko, huwag kang papayag na binabati-bati ang baby natin at baka Aswang na yan. Kasi ilan na sa kapitbahay namin ang namatayan nang anak habang nagbubuntis.
Kinagabihan, hindj ako makatulog, hindi ako mapakali. Malikot ang baby ko. Tulog na ang lahat ng kasama namin sa bahay. Ako na lang ang gising. Nang biglang may naamoy ako na sobrang lansa na ang baho talaga. Ginising ko ang asawa ko! Mga ilang segundo lang, may biglang bumagsak sa bubong na akala mo mabigat na bagay or malaking tao.
Sabi ng asawa ko "Diyan ka lang, huwag kang lalabas. Aswang yan!" Sabay kuha sya ng itak. Nagsisigaw sya dun sa baba habang nakasipat sa bubong, sabi nya "Gago ka, subukan mo lang aswangin ang mag-ina ko, papatayin muna kita! Talagang binalikan mo pa ang asawa ko ah!"
Pag-akyat nya sa bubong, pusa lang ang nandon. Nakahiga, nakatapat kung saan nakapwesto ang kama namin. Sabay talon. Nang tignan ng asawa ko, nawala kaagad.
Totoo talagang may aswang ano?Minsan hindi mo alam nakakahalubilo mo na pala sila.
Ka esming
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree