Hello Admin and readers! 3rd time na ito hahaha. I just want to share the creepy experience of my officemates in our office.Nagtatrabaho ako sa isang company dito sa Cebu which is ang main office ay nasa ibang bansa. Secret nalang yung name ng company. Office hours ng company namin 5am-11pm. Pag 5am yung duty mo mag-expect ka na, na ikaw lang o kaya dalawa lang kayo sa office. Pag 2pm-11pm marami kami, yun kasi ang working hours sa main office namin sa ibang bansa.
I
5am ang duty ng officemate ko, syempre day off ng kasama nya na 5am din ang schedule so sya lang talaga mag-isa. Marami kaming office staff kaya marami ding computers, pag morning shift ka dapat pati yung ibang PC dapat i-open mo din para kung sakaling may mga emails na darating ma-handle agad. Ayon na nga, busy na sya kaka-encode, di naman sya takot kahit sya lang mag-isa until she heard something. Tunog ng keyboard, eh sya lang naman mag-isa doon. Sya lang naman ang nagta-type pero may narinig pa syang may gumagamit din sa kabilang PC.II
Sa pantry naman nangyari ito, yung dingding ng pantry sa office namin ay glass kitang-kita talaga yung buong office mula doon. Kaunti lang din yung nag-duty nung araw na yun. Sabay-sabay silang kumain, syempre pag friends mo yung kasama mo maingay talaga kayo, kwentuhan tsaka tawanan. Natigil lang yung tawanan nila nung biglang may kumatok sa labas ng pantry sa likod mismo ng officemate ko. Pero noong tiningnan nila wala namang tao.III
Nag-overtime yung officemates ko. Ang palaging naiiwan sa office ay mga team leaders namin. 11pm uwian na dapat, since sobrang daming gawain no'ng isa kong officemate, so sya decided na mag-overtime para matapos nya lahat. Tatlo nalang silang naiwan sa office, dalawang team leader tsaka sya. 1am na di pa sila nakakauwi, sobrang tahimik na talaga sa buong office until biglaan nalang tumunog yung sound box tapos indian music ang tugtog. Lumapit yung isang team leader sa PC kung saan naka-connect ang soundbox pero bigla syang namutla no'ng nalaman nya na disconnected pala. Nagpe-play kami ng music sa office but until 11pm lang pag uwian na naka-off na.IV
Nangyari to noong nag-CR ang isa naming kasama. Habang nasa loob sya may sumisitsit daw sa kanya. Di nya pinansin pero kalaunan patuloy pa rin sa pagsitsit, lumabas sya para sitahin kung sinuman yun pero wala namang tao doon maliban sa kanya.Thanks for reading. Thanks din sa Admin. Lumingon po kayo sa likod nyo. May babae pong nakaputi.
-💠-
AlexisD
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree