21st Floor

260 6 0
                                    


Hi mga ka-spookify! Silent reader po ako dito and sana ma-post po ito admin. I just want to share my story here last 3 months ago. Pls hide my identity dahil real account ko po ito thanks. so here it is...

I'm Shane (not my real name) working as Telemarketer somewhere in Ortigas, then yung building ng office namin is hanggang 26th floor sya and dun kami naka-assigned sa 21st which is kami lang ang nag-o-office doon every Sunday (flexible kasi ang off namin). Sunday yon after ng breaktime namin and magyosi, pinatawag na kami ni Manager para mag-meeting and start na sa calls since it's already 1pm. Yung itsura ng office namin bago ka makapasok if hindi ka employee need mo mag-doorbell since biometrics sya tapos receiving area, conferrence room then may isa pang door which is dun kami mismo nagko-calls and all girls kami dahil ayaw ng management na may Tele na lalaki dahil matigas daw ang ulo at every Sunday walang ibang employee sa mismong office namin mismong mga Tele at Manager lang (day off ng ibang Manager sa ibang Department) So eto na nga, around 2pm may nag-doorbell sa front door pero dahil busy kaming lahat na may mga client over the phone napatingin lang kami sa pinto pakiramdaman sino ang tatayo para pagbuksan ung nag-doorbell and although may kausap, si Michelle na pinakamasipag samin lang ang nagpindot ng button sa loob para makapasok yung nag-doorbell sa front door kahit dala nya yung phone then pagpasok nung nag-doorbell nag-smile sya sa girl tapos balik ulit sya sa table nya tapos back to normal na lang ulit kami pero nagtaka ako sino ang pupunta ng office na employee bukod sa mga Telemarketers kahit Sunday? Off ng lahat sa office namin nun maliban samin pero dedma lang. Tumayo na ko sa table ko para i-forward ang client ko sa Manager namin para magpa-confirm since may deal na ako. Maya-mayang kaunti, yung isa naming officemate si Miss Jay "Diba may nag-doorbell at pinapasok nyo? Nasaan na?" So kaming lahat natigil then sinilip namin yung receiving area which is wala namang mapapala kahit sino na papasok doon and then pagtayo namin walang katao-tao or bakas na may pumasok kaya tinanong namin si Michelle kung ano ang itsura ng pinapasok nya nakapalda daw na white at backpack then long hair nag-smile pa nga daw sya dun nung pinapasok nya sa office pero dedma lang daw sya nun kasi mukhang masungit daw. So lahat kami nag-panic if nalooban kami or may unexpected visitor (multo) ginawa ng Manager namin para matapos na ang lahat ng takot namin kinontak nya yung Operations Manager namin na naka-day off na may access sa lahat ng CCTV sa office para makita ng Manager namin at pati na din kami yung CCTV sa receiving area then woooosh! Nakita namin si Michelle na nagbukas ng pintuan at ngumiti sa harap nya ng wala namang katao-tao doon. Then lahat kami nagsipagtalunan sa Manager namin na babae din sa sobrang takot namin kahit nagkandagulo-gulo na mga chairs at sa mismong table ng Manager namin. Pero sabi ng Manager namin huwag kaming matakot dahil wala namang ginawang masama samin, ipag-pray na lang daw namin. Kinabukasan napagkwentuhan namin yun at narinig ng mga seniors sa office at sinabing hindi daw ayun yung unang beses nangyari yun, ilang beses na daw nangyayari yung ganon na scenario every Sunday sa office.

Doon namin napag-alaman na baka isa yun sa dating employee na sumakabilang buhay na at nakasanayan na lang ang pagpasok sa office. May mga nagpaparamdam na kaluluwa sa paligid natin pero hindi lahat ay nananakit dahil yung iba dasal lang ang kailangan o inuulit lang nila mga nakasanayan nilang gawin nung sila ay nabubuhay pa. Thanks for reading my experience.

/Shane62

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon