Last year lang yata ito nangyari. Siguro di gaanong nakakatakot para sa ibang makakabasa pero para sakin ito talaga ang isa sa mga pinakanakakakilabot na 'kababalaghan' na experience ko.Team building namin nun sa Matabungkay Batangas. May resort kasi yung family don ng ka-work ko, Si Kuya Mek (not his real name). Everything went well during our stay don except nung pauwi na kami. 6pm na kami umalis sa resort tapos yung means of transpo namin is jeep (nag-arkila lang kami). Sa tabi ng driver nakaupo si Kuya Mek kasi sya ang nakakaalam ng way. The rest sa likod na (10 or 11 yata kami non kabilang na yung driver). Karamihan samin tulog na dahil sa pagod tas ako nagche-check ng photos sa phone ko. Napansin nung isa naming kasama na parang ang tagal ng byahe namin kasi yung oras na biniyahe namin nasa bandang Tagaytay na dapat. Tinignan ko yung kalsada wala ni isang bahay o ilaw para kaming nasa bundok. Dun palang kinabahan na ako. Tas sabi nung driver parang naliligaw na nga kami kasi nakatulog pala si Kuya Mek so di nya naturo kung san dadaan. Shunga nung driver kasi dapat ginising nya. Tas yun, nagtatalo na kami kung san kami napadpad kasi kahit si Kuya Mek di nya alam yung lugar na yon. Chineck namin si waze kaso lahat kami walang signal. Halos 30mins dirediretso lang daan namin kasi wala namang lilikuan. Walang pinagbago puro puno tsaka sobrang dilim tas parang rough road na dinadaan namin. Hanggang sa dumaan kami sa maikling tunnel. Paglagpas namin don after 5mins ayaw ng umandar nung jeep di makahatak parang ganon. Hirap umabante. Sabi nung driver baba lahat kasi parang bumigat. Bumaba sila lahat sabi ng BF ko huwag na kong bumaba naramdaman nya siguro yung takot ko so ang naiwan ay ako, yung driver tsaka yung mga gamit namin na damit lang ang laman. Pagbaba nila hirap pa din umabante yung jeep pero kahit papaano umuusad na. Tas yung mga bumaba, naglakad sila sa dilim gamit nila yung flashlight ng phone. mabagal lang yung lakad nila kaya di ko na sila naaninag. Huminto na yung jeep sabi nung driver aantayin na namin yung iba baka kaya na daw nung jeep umandar ng sakay sila. Siguro 5-10mins kami nag-antay pero parang yun na ang pinakamatagal na 10mins ng buhay ko. Sobrang lakas ng hangin ako lang ang nasa jeep kasi yung driver chineck yung makina. Alam mo yung pakiramdam na may nakatingin sayo na pakiramdam ko ang lapit nya lang sakin. Hanggang sa dumating sila tas sumakay na sila sabi nung isa naming kasama sobrang masama yung vibes nya sa lugar na ito pakiramdam nya may zombie na lalabas nalang bigla sa gitna ng daan. Sabi nya magtanong nalang kami kahit kanino. Umandar na yung jeep, diretso lang kami tahimik lahat nakikiramdam sa paligid. Same lang yung daan puro puno na parang gubat tapos walang kailaw-ilaw. Wala kaming nakita ni isang sasakyan simula nung napadpad kami don. Tapos sabi nung driver may tao so hininto nya sa gilid yung jeep pero pagtingin namin sa paligid walang tao kahit isa. "Manong wala namang tao e" tas Nagsigawan yung iba samin, ako pumikit nalang sabay pinaandar nya yung jeep ng mabilis. sabei ng Tl ko magdasal kami. Nagdasal kami. salamat sa Diyos kasi after ilang minuto may nakita kaming lahat na matandang lalaki na nasa gilid nakatingin sya samin tas tinuro nya yung daan.
Nakarating kami agad sa bayan after 15mins.Yung iba samin nakiihi sa may bakery tas kinuwento nila yung nangyari samin sa mga taga don. Sabi nung may-ari wala daw dumadaan don sa lugar na yon kasi matarik at madaming bangin don sabi din nila may nagpapakita daw na white lady sa lugar na yon. Di lang nagpapakita, nakikisabit din sa mga naliligaw na taga ibang lugar. Kinilabutan ako kasi naglakad pa yung mga kasama ko don haha. T*ngina.
GrlGamer|163936241
Sta. Mesa
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree