Hi! it's me again Zen from cebu.Ang ise-share ko naman ay itong nangyari sa pinsan kong bata. (short story lang ito). Tawagin nalang natin siyang Nica. Nangyari ito nung 2 yrs old pa lang sya. Itong si Nica ay mahilig na magbutingting sa cellphone. At ang paborito nya ay ang camera. Kasi mahilig siyang mag-selfie.
Nung gabi na yun sila lang dalawa ng tita (na tawagin nalang natin na Flor) at yung bata na si Nica sa bahay. Malaki ang bahay pero walang second floor. pinahiram ni Tita Flor si Nica ng cellphone dahil may gagawin sya at marunong naman mag-youtube si Nica. Nang biglang nakarinig ng sumabog yung tita nya sa labas. At dahil "chismosa", lumabas na at naiwan si baby Nica na mag-isa. After ilang minuto. Umiyak si baby Nica. Lahat ng nasa labas ay nabigla sa sumabog. Pinuntahan si baby Nica. Yung iyak na wala ng boses na nilalabas, yung akala mo mawawalan na nang hangin yung bata sa kakaiyak na ang pula-pula na ng mukha. (imagine nyo yun? yung sobrang iyak?) basta yun na yun. Kahit anong yugyog hindi mapatahan. Biglang dumating yung ina ni baby Nica. (translate ko nalang sa tagalog, 'matic na 'to!).
I: Anong nangyari kay Nica?!
T: Hindi ko alam. Bigla nalang umiyak. Lumabas ako dahil dun sa malakas na sumabog akala ko may gasul na pumutok. Iniwan ko pinapanood ng youtube
I: E nasaan ang cellphone mo?At yun, nakita nila na nasa malayo. Naitapon ni baby Nica. Yung pag-on sa cellphone may nakuha pala si baby Nica na mukha. Hindi naman si baby Nica yun dahil wala yung buhok. I mean baby pa sya at hindi makapal ang buhok niya.
Sa pic makikita mong half face na parang sunog at parang naka-bun na messy. At yung damit pang sinauna. Kayo na humusga.
PS. 3 days to 1 week kami hindi makatulog sa buong compound dahil sa pic. Natakot kami lahat.
PPS. Sa hindi na naman makaintindi, kayo ang mag-adjust. Hahahaha.Zen sugbo
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree