Hi Spookify! I'm an avid reader of this page and hope na ma-post ito.
Thanks in advancezI'm Whita (not my real name) tubong Bacolod ako. Pero last year lang, 2017 lumipat kami ng school ng ate ko sa Iloilo because of family problems. Nung una okay naman yung lugar, maaliwalas at ang ganda tignan ng mga palayan sa tapat ng bahay ni tita (sa kanya kami nakikituloy ng ate ko). Kaso minsan nakakalungkot pa rin kasi malayo kami sa family namin, kaming dalawa lang kasi ni ate yung nagpaiwan kay tita. So yun na nga sa sobrang lungkot dala na rin minsan ng pagka-bored ko, pumupunta ako sa palayan tuwing gabi kasi di naman pwedeng Umaga kasi may pasok at nagbabantay ako sa negosyo ni tita kaya sa gabi lang ako may free time . Kapag pumupunta ako sa palayan mahilig akong tumambay sa madilim na part. Yung tipong di ako makikita ni ate (para iwas utos haha) at saka mahilig talaga akong kumanta pag nag-iisa ako. So that time pumwesto na ako sa palagi kong tinataguan/ tinatambayan, umupo na ako sa kahon (yung parang line na dinadaan ng magsasaka, basta yun na yon) at sinimulan ko nang kumanta kahit sintunado mga pre. Pangiti-ngiti pa ako nun, ewan ko ba feeling ko kasi singer talaga ako that time tsk.
So back to the story. Habang kinakanta ko yung 'Dying inside' parang lumamig yung ihip ng hangin na parang may aircon sa tabi ko at talagang sa lyrics pa na, "I was dying inside to hold you" Inisip ko nalang na syempre gabi kaya talagang malamig yung hangin o baka naman may paparating na bagyo diba.
Pagkatapos kong kantahin yun kinanta ko yung 'sundo', nang kinakanta ko na yung chorus, naagaw ng atensyon ko yung pigura ng tao sa di kalayuan sakin. Isang matandang babae at nakatalikod siya at may sinasabi na di ko maintindihan parang Latin? Don't know! Habang nakataas yung dalawang kamay niya, naka-black po siya. At dahil dun parang nawalan ako ng boses ewan ko pero sobrang kinabahan ako, hindi ko rin maihakbang yung mga paa ko paalis dun parang na magnet mga pre. patuloy pa rin siya sa pagbanggit ng mga words na di ko maintindihan at Ang lalong nagpatindog ng balahibo ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko ng humarap siya sakin. walang mukha! Gusto kong sumigaw lalo na ng parang humahakbang na siya palapit sakin huhuhu gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sakin. Papalapit na siya sakin habang nagsasalita pa rin, palakas ito ng palakas. Kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko sabay banggit ng pangalan ng may kapal. Napatalon at napaiyak na talaga ako ng may maramdaman akong may kumalabit at humawak sa balikat ko! Pagmulat ko ng mga mata ko si ate lang pala, Tang*na pagtingin ko sa harap ko wala na yung babae. Bigla kong niyakap si ate at umiyak sa balikat niya. Mabuti nalang at nakita niya ako huhu tinanong ko si ate kung paano niya ako nahanap. Sabi niya may naririnig Kasi siyang parang nagsasalita kaya pinuntahan niya kasi hinahanap niya daw ako kasi huhugasan ko na daw yung mga pinggan at isa pa, ako lang naman daw ang merong trip na tumambay sa palayan tsk, pero alam kong nagulat si ate sa naging reaksyon ko pero hindi ko pa rin sinabi sa kanya yung nakita ko dahil alam kong mas matatakutin yun kesa sakin, sinabi ko lang na namimiss ko na sila mama kaya ako umiyak at may nakita akong ahas kaya ako napatalon at sinabayan pa ng pag-iyak. Simula non Hindi na ako tumatambay dun. dun na ako sa banyo, parang umeecho yung boses ko.HR
Bacolod
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree