Bahay ng mga Madre

249 9 0
                                    


Last year lang ito nangyari. Sinamahan ko yung kaibigan kong pari sa isang Convent sa Tagaytay dahil na-invite sya na magmisa sa foundation day nung convent nga. E di excited ako, ang aga kong nagising yessss roadtrip.

Yung kaibigan ko na pari na yun tahimik sya sa ibang tao, sakin lang medyo madaldal sya kasi introvert kami pareho kaya palagay ang loob nya sakin, medyo vibes-vibes kami ganern. E di biyahe na. Sya nagda-drive. Nagbibiro pa, sabi "naku masaya ka na naman may kainan pagkatapos." hahaha e di tawa kami.

Pagdating namin dun winelcome na kami ng mga madre sa pangunguna si Sr. Regina. Binigay na nila kay padre yung isusuot na chasuble, inayos na nila mga kailangan sa Mass ako naman tingin-tingin sa paligid. Napapansin ko si padre habang naggagala ako masama ang tingin sakin. Akala ko galit kasi panay lakad ko.

Fast Forward.
Tapos na ang Mass, lumapit sya sakin. Sabi nya "halika umuwi na tayo baka tayo gabihin sa biyahe. maaga pa appointment ko bukas." Iba yung mukha nya, parang naiba ang mood nya. Nagtataka ako, kasi dinayo pa namin Tagaytay tas uwi agad? Nye.

Nasa kotse na kami. Lingon sya ng lingon sa likod. Di ko ma matiis tinanong ko na kung okay lang sya. Sabi nya oo daw magdasal daw ako. may suot syang St. Benedict Medal hinubad nya pinasuot nya sakin. Naiiyak na ko nakaka-frustrate, ano ba ang nangyayari?.

Ang ginawa nya bago umuwi dumaan kaming simbahan dun nya in-explain nya sakin. May sumunod daw samin. Babae. Nakasuot pang madre pero hindi daw yun madre. Bad spirit daw yun. Habang nasa convent kami at naggagala-gala ako nakasunod na daw sakin yung babae nakangisi at parang nang-aasar yung ngiti at habang sinusundan daw ako nung babae, nakatingin sa kanya na parang nang-aasar. Tapos habang nagmimisa sya, nasa likod ko lang yung babae parang dini-distract sya sa misa. Di ko makalimutan sinabi sakin ni padre "This is a test of faith."  Sundin ko lang daw lahat ng sasabihin nya. Sa tatlong taon palang siyang pari at yun ang unang experience nya ng ganun. Hindi naman daw sya exorcist priest para masanay sa ganun. Pero alam nyang mas malakas ang Diyos sa kahit ano. Nung nasa kotse kami kaya panay tingin nya sa backseat nandun daw yung babae. Sa isip-isip nya sinasabi nya "layuan mo sya, sa ngalan ni Jesus. Layuan mo sya, layuan mo sya." Di daw umalis kaya nag-decide na sya na dalhin ako sa malapit na simbahan at dun nga sinabi nya sakin at nagdasal na kami. Pagbalik namin sa kotse wala na yung babae. Hindi na nagpakita sa likod ko. Nakauwi naman kami ng maayos.

Hay buti nalang mahina pakiramdam ko sa mga multo at si padre lang nakaramdam. Hahaha salamat sa Diyos. Patunay lang na sa bawat pagsubok sa buhay natin, kumapit lang tayo sa kanya at hinding-hindi nya tayo pababayaan dahil Sya ang may gawa ng lahat Walang bagay na mas hihigit sa Kanya.

-CourtneyLove-

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon