Hi admin sana ma-post ito. Please hide my identity. Thank you.Share ko lang ang kwento ng kaibigan ko kasi nabasa ko yung Massage Theraphy. Naalala ko lang yung kwento niyang nakakakilabot para sakin. So here we go.
I'm Zen from Cebu. At Oo yung kaibigan ko magaling mag-ventosa, nagtatrabaho sya somewhere in Cebu, tawagin nalang natin syang Ana. Nakapasok sya dun sa trabaho niya dahil sa kanyang ate. Ate nya rin ang nagturo sa kanya kung paano mag-ventosa at mag-massage. Sa trabaho nya, anim sila lahat, isang lalaki at limang babae kabilang na ang ate nya. Pero doon mag-stay in ang dalawa, yung lalaki at isa lng babae. Sila si Ben at Abet. Magkasintahan sila.
Describe ko kung ano itsura sa loob ng pinagtatrabahuhan nila. pagpasok mo pa lang, may maliit na lobby tapos sa gitna sa tapat ng entrance may hallway na, dun mo makikita yung mga rooms. sa gusto magpa-ventosa at magpa-massage na rin. Sa hallway tag-3 rooms each side. Sa dulo ng hallway makikita mo yung maliit na parang altar na nasa floor, Pag nakita mo yun maraming pagkain tulad ng gummy bears, fries, burgers, etc. bsta ang dami. Tapos may isang katamtamang laki ng baso ng tubig. At may mga laruanng panglalaki, helicopter, fire truck na de baterya, etc. Nung nakita ko yun nagtanong agad ako kay Ana.
Ako: Ate Ana, para saan yung parang altar?
Ana: Shhhh! Baka marinig ka.
Ako: Ha? Tinatakot mo naman ako.
Ana: Alay yan ng amo ko dito sa naninirahan na batang lalaki. Wag kang mag-alala mabait yun.
Ako: Pero ang daming pagkain. At ang laki nung baso tas ang tubig puno. Natatakam ako dun sa gummy bears. At yung burger, ngayon lang ba yun binili parang bagong luto?.
Ana: (Tumawa) Kainin mo yan at susundan ka nung bata. At yung baso na yan dapat hindi yan nauubusan ng tubig sabi ng amo ko. Tignan mo ngayon puno yan? Balik ka dito araw-araw at makikita mo paubos ang tubig sa loob. Ang burger? Next week isang buwan na yan. Yan ang weird dito. Hindi yan nilalanggam at wala ding molds.Hanggang sa hinintay ko syang umuwi at kinuwento nya sa akin lahat ng nakakatakot dun.
Encounter 1: Yung magkasintahan daw na si Ben at si Abet doon matutulog sa isang kwarto. Alam naman nila na gusto makipaglaro nung bata pero pagod silang intindihin. At immune naman sila sa presensya nung bata. May ilang gabi daw na niyuyugyog yung kama nila. Meron ding ilang gabi na magigising nalang yung isa sa kanila at makikita nila yung bata sa ibabaw ng kama nila nakatanaw at naka-smile sa kanila. Dahil sa pagod makakatulog sila ulit.
Encounter 2: Yung amo nila na-notice na ang tumal ng customer. Walang reservation, walang kabuhay-buhay yung loob. Isang araw nagdesisyon ang amo nila na agahan ang pagdating. Dun nakita na hubo't hubad sina Ben at Abet. At maraming alak sa gilid. Sa galit nito ay pinalayas silang dalawa pero hindi tinanggal. Pinalipat sila. Ang amo pa nila ang naghanap ng malilipatan nila. So wala ng tao doon. Kapag uuwi sila off na lahat (as in lahat) kahit ang main switch. Nung magbubukas na ang kanilang amo, nabigla kasi sino mag-o-on ng aircon tapos may ilaw sa loob. Nung una binalewala nalang baka nakalimutan lang daw. Pero araw-araw na. At take note, yung main switch kailangan pa ng mapapatungan para maabot mo yun. Ang ilaw sa labas kapag uuwi off lahat. Pag mag-oopen na may ilaw na sa labas pati sa loob. At halos tumutumal na ang negosyo. Sabi nung amo baka daw nagalit ang bata kasi wala syang makakasama at wala ding ilaw. So ang ginawa. Pinabalik sina Ben at Abet.
Encounter 3: Ito na yung natakot si Ate ate Ana. May pamangkin siya 4 yrs old. Anak nung ate niya. Dinala nila sa shop kasi walang magbabantay. Special child kasi. Nung nandon na sa shop. Nalingat sila. Pagtingin nila kinakain na yung gummy bears, nagulat sila kasi may kausap at tumatawa yung pamangkin niya. Dali-dali nilang kinuha. At humingi sila ng paumanhin sa multong bata. Pagdating nila sa bahay. Kinuha agad sa kanyang ate ang bag ng kanyang pamangkin na dala-dala. Biglang sumigaw ang ate niya sabay tawag sa kanya.
Ate: Ana! Halika dito! Tignan mo 'to! Nandito yung gummy bears, yung fire truck (yung de baterya).
Ana: Hala Ate, isasauli natin yan bukas!Matutulog na sana sila, magkatabi sila kasi natakot sila sa kinuha ng pamangkin nya. Nang biglang tumunog yung fire truck na nakapatong sa TV. Yun kumaripas sila ng takbo. Yung kapatid nila na lalaki yung pinag-off sa laruan.
Kinabukasan, dinala nila ulit yung pamangkin niya at humingi ng kapatawaran yung ate niya sa ginawa ng anak niya. Pagdating sa bahay. Biglang nilagnat yung pamangkin niya. Lumipas ang ilang araw ganun pa din. Pina-check-up na nila pero sabi ng doctor normal lang na lagnat, at walang makitang kahit ano. Isa lang ang duda nila yung bata sa shop nila. At yun, araw-araw na nilang dinadala yung pamangkin at humihingi ng tawad at dinadasalan nila. Salit-salitan sila pagbabantay para hindi na pumunta yung anak ng ate niya dun. Ngayon ok na yung bata.
-marami pa akong kwento dito na mas nakakakilabot. Sa susunod kapag na-post na 'to ni admin.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree