Istorya

277 11 0
                                    


Bata palang ay mahilig na akong gumawa ng kwento kahit mga maliliit na bagay gaya ng ballpen ay nagagawan ko nang kwento dahil sa lawak na rin ng imahinasyon ko.

Madalas akong dumadalaw sa lolo ko. Isa syang kolektor ng luma at iba't ibang libro. Minsan akong nagkainteres sa isang libro nya na latin kaya tinanong ko kung anong title nito at ano ang istorya.

Ang pamagat ng libro ay "Limang Demonyo" at kinuwento nya sakin ang mga katangian ng mga karakter lang sa tauhan at hindi ang buong kwento dahil di rin naman sya bihasa sa salitang ito. Na sya namang ginawan ko din ng kwento.

High school na ako at kasama ko sa klase ang bestfriend kong si Zen (di nya tunay na pangalan). Classmate ko na sya since elementary at 1st year. nagpalipat sya ng section nung 2nd year para nga magkasama na kami. Makulit sya pero mabait naman. May kaya ang pamilya nila dahil nasa abroad ang papa nya. Hilig nyang basahin ang mga ginagawa kong istorya na kadalasan katarantaduhan kaya laughtrip kaming dalawa. Kaya Lunes pagkatapos kong gawan ng istorya ang aklat ni lolo agad-agad din nyang kinuha.

Pero kakaiba ang isang ito dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin habang ginagawa ang istorya.

Martes pagpasok ko naghihintay sa bleacher si Zen kaya hinampas ko sya ng bag habang tumatawa pero tinitigan nya lang ako nang masama at saka umalis papunta sa room kahit di pa nagpa-flag ceremony. Sa isip ko baka badtrip lang sa bahay nila.

3rd class pinababa kami para sa P.E. namin. Lumabas na ako pero nakalimutan ko pala yung jogging pants ko kaya bumalik ako sa room. Nakita ko si Zen nagkakalkal ng gamit.

"Zen ano yan?" Sambit ko.

Tinitigan nya lang ako nang masama. Napalunok ako saka umalis na lang. Sinabi kong nakalimutan ko na lang ang jogging pants ko. Hindi malikot ang kamay ni Zen alam ko dahil matagal ko na syang kilala kaya nagtataka ako.

Miyerkules tambay ako sa bleacher habang kumakain ng biskwit nang makita ko si Zen dire-diretso ang lakad papunta sa kabilang bleacher tapos sinapak nya yung nakaupo ng walang sabi-sabi agad ding inawat. Si Roger pala yung sinapak nya bully sa klase namin pero ba't naman gagawin ni Zen yun eh ni minsan di naman sya nakipag-away.

Huwebes di pa rin kami nagpapansinan. pero wala rin akong balak. Tinitingnan ko si Zen sa klase baka may gawin na naman pero napansin kong nangingitim ang likod ng tenga nya at kakaiba ang anino nya samantalang iba naman ang repleksyon ng sakin.

Uwian nakita kong sinusundan nya ang isang kaklase namin si Nica (di tunay na pangalan) at pagsapit sa dilim niyakap nya ito at at aktong hahalikan saka sya sinampal.

"Hoy, Zen! ano bayan?" sigaw ko sa kanya.

Dali-daling umalis si Nica paglapit ko sa kanila.

"Ikaw ang may kasalanan nito!" sabi ni Zen sakin bago sya umalis. 'Anong kasalanan?' Sa isip-isip ko.

Biyernes hindi pumasok si Zen nag-aalala na ako. Binalikan ko ang ginawa kong istorya.

Pakiusap : kung mahina ang pananampalataya nyo wag nyo nang basahin. Ang kwento ay tungkol sa "Limang Demonyo".

Ang unang demonyo ay magnanakaw na ginawan ko nang karakter na nagnanakaw hindi lang ng gamit kundi laman loob ng mga tao at bababuyin ang mga ito. Ikalawang demonyo ay ang mapaghiganti na pinatay ang buong pamilya pagkatapos nyang sumanib dito. Ang ikatlo ay ang mapusok na demonyo na pagkatapos nyang paglaruan ang mga tao ay giniling hinalo sa lupa at ginawang kawangis nya. Ang ikaapat ay ang arsonista na sumunog at pumatay sa mamamayang mahimbing na natutulog at ang huli ang demonyong kumikitil sa buhay ang kanyang sinapian.

Nag-alala ako kaya tumawag ako sa bahay nila gamit ang telepono namin hindi pa kasi uso ang cellphone noon. Nakasagot ang katulong nila.

"Hello! kaklase po ito ni Zen. nandiyan po ba sya? hindi po kasi sya pumasok kanina."

"Naku! nandito si Zen. kanina pa nagwawala muntik na ngang sunugin ang bahay!" Tarantang sabi ng katulong.

"Huwag nyong sabihin ang nangyayari dito sa bahay." narinig kong boses yata ng nanay ni Zen saka binababa ang telepono.

Sabado pumunta ako sa bahay nila para bisitahin sya. Ayaw pa akong papasukin nung una dahil first time lang din nila akong nakita nakakapunta na ako dati pero hanggang labas lang nahihiya kasi akong pumasok. Sinabi ko na lang sa kanila na bestfriend nya ako kaya nakatuloy din.

Napansin kong kinakabahan ang mga katulong habang nakaupo ako sa sofa nila kaya nagtanong ako.

"Ok lang po ba kayo?".

"Si Zen kasi nagwawala kanina hawak yung kutsilyo nahiwa tuloy yung mommy nya kaya nasa ospital."

"Ganun po ba?" Gulat kong sabi. "Pwede ko po ba syang puntahan sa kwarto nya?".

Sinamahan ako ng katulong sa taas kung saan ang kwarto nya pero naka-locked at kahit katukin namin walang sumasagot kaya kinuha na nung yaya ang susi.

Pagbukas namin, sabay kaming napasigaw!

Dahil nakita namin si Zen nakabitin gamit ang nylon cord nakalabas ang dila at wala ng buhay. napansin ko rin ang mga latin na nakasulat sa dingding pero hindi naman sya marunong sa lenggwaheng yun.

Nilibing din agad sya pero di na dinaan sa simbahan dahil siguro sa ginawa nya.

Tinanong ko si lolo tungkol dito at ang tanging sinabi nya lang ay madaling kapitan ng masamang elemento ang mga taong kulang sa pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Mag-ingat tayo dahil sabi ng lolo ko lagi silang nasa paligid hinihintay lang ang mga panahong mahina tayo para magawa ang kanilang gusto.

BLOOD

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon