Hello Spookify Readers! Nandito ulit ako upang kayo'y aking kwentuhan ng aking samu't saring karanasan. samahan nyo akong muli sa aking mga kwento at naranasan/karanasan.
(-Spaide)Lumipas ang araw at kami nga'y nagpahinga muna, sa pagha-hunt ng "Tuko" dahil na rin sa aming mga naranasan sa gubat. May kaunti kaming pera na napagbentahan ng "Tuko" na aming nahuli ngunit, ito'y hindi sapat para sustentuhan ang aming paghuhukay ng kayamanan.
Lumipas ang isang linggo at muli kaming nagkita-kita sa bahay nila Kuya Tor (tagpuan namin).
nagkumustahan at kwentuhan. Mga ilang oras pa ay nagyaya si Kuya Bert sa binabantayan nyang bahay sa Tagaytay (happy-happy since may perang kaunti at makalanghap na rin daw kami ng sariwang hangin).Gamit ang sasakyan na owner ni Kuya Ar ay tumungo na kami papuntang Tagaytay, hindi naman ganun kasi kalayo ito samin.
FF.
Narating namin ang bahay nila Kuya Bert mga bandang alas dos na ng hapon. Katulad ng dati malamig dito dahil marami ding tanim na puno sa loob ng bakuran na pine trees.Pagpasok pa lang sa gate ay nakaramdam na ako ng kakaiba, malaki ang bahay at detalyado ang bawat parte nito. Itsurang bahay ng hapon dahil sa may patulis sa bubungan nito.
FF.
Dumiretso kami sa likod ng malaking bahay dahil nandito ang kwarto ni Kuya Bert (hiwalay sya sa malaking bahay). May kalakihan ang kwarto nya kumpleto din ito sa gamit.
may kubo-kubo sa labas ng bahay at may hagdan, na papunta sa baba sa may taniman nya ng Lettuce.Malawak rin ang bakuran sa likod bahay. napansin namin ni Tacker ang isa pang bahay mga limampung hakbang sa kinatatayuan ng kwarto ni Kuya Bert, halos matakpan na ang bahay ng mga talahib at mga sari-saring damo wala na itong bubong, Kita namin iyon dahil mas mataas ang pwesto namin.
FF.
Umalis sila Kuya Bert, Kuya Tor at driver naman nila si Kuya Ar para bumili ng ulam at pagkain. Nagpaiwan si Kuya Tas at ganun din kami ni Tacker, since matagal na magkasama sina Kuya Bert at Kuya Tas ay alam na nito ang pasikot-sikot ng lugar. Nagpaalam kami ni Tacker na libutin ang labas ng malaking bahay, pumayag naman si Kuya Tas.FF.
Nilibot namin ang gilid ng bahay, may pinto ito sa likod katapat ng kwarto ni Kuya Bert. Puro alikabok na ang mga salamin nito, patuloy kami sa paglakad-lakad ng marating namin ang harapan ng bahay. Niyaya ko si Tacker na sumilip sa pinto nito, (pintuan nya ay sinaunang kahoy at may mga disenyong salamin na kwadrado).Naka-lock ang pinto pero makikita mo ang loob dahil na rin sa mga salamin na disenyo ng pinto nito. Sumilip kami ni Tacker at normal naman ang loob, medyo madilim pero aninag mo ang mga puting kumot na marahil ito ang nagsisilbing balot sa mga gamit sa loob gaya ng mga upuan. Hanggang sa kami'y biglang mapaatras ni Tacker sa aming nakita. May kung anong nilalang ang mabilis na tumakbo sa loob ng bahay, "Nakita mo yun?" tanong ni Tacker sa akin "Oo nakita ko", sagot ko. "Parang isang malaking pusa" sagot naman ni Tacker. Ako'y nagtaka at tinanong ko si Tacker "Paanong magkakapusa sa loob eh saradong-sarado ang buong bahay, maging mga bintana nito?".
Dahil na rin sa pagtataka namin ay naglakas loob kami na silipin muli ang loob ng bahay. Sa muli naming pagsilip dito ay nabalot kami ng takot, nginig, kaba, nanlaki ang ulo ko tumayo lahat ng balahibo. Kitang-kita namin na dalawa ang nilalang. Nakapwesto ito sa ibabaw ng kumot na nakabalot sa gamit ng bahay. itsura syang bata na dalawang taon, maitim sya at mahaba ang tenga (pero hindi po ako sigurado kung tenga ba iyon oh sungay) nakatingin ito samin. Na-stun kami sa aming nakita parehas kami ni Tacker na hindi makapagsalita, nanlaki ang mata ko at parang sasabog ang aking ulo, nangingig ako sa takot. Buti na lang at dumating si Kuya Tas.
FF.
Hindi pa rin kami makapaniwala sa aming nakita, agad kaming bumalik sa kwarto ni Kuya Bert, kasama si Kuya Tas. tinanong nya kami kung nakita namin ang nilalang. Sabay kami ni Tacker na tumingin kay Kuya Tas. Doon na sya nag-umpisang magkwento.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree