Inosente (Parts 1-3)

299 7 0
                                    


PART 1

Magandang umaga sa inyo mga ka-spookify kahit ano mang oras ninyo ngayon binabasa itong kuwento ko. Si Blackhat pala ulit ito, nagbabalik para magkuwento ng isa na namang karanasan. Salamat sa mga nagsasabi na lagi nyong binabasa yung story ko kahit ang totoo nilalangaw hahaha. Sana nagustuhan nyo kahit hindi laging nakakatakot ang mga ishini-share ko dito. Sabi ko nga, nagkukuwento lang naman ako ng mga paranormal experiences ko. Di ko na need pang dagdagan o sobrang gawing exaggerated ang kuwento ko gaya ng ginagawa ng ilan dyan. Basta alam ko sa sarili ko na totoo kong na-experience ang mga shini-share ko dito. Salamat din sa mga nagbasa ng part 1 hanggang part 3 ng story ko na 'TV Guesting' ang title.

Tungkol ito sa karanasan ko sa probinsya noong mag-ministry ako doon at sa isang lalaking itago na lang natin sa pangalang "Brian." Galing Maynila at Batangas si Brian dahil nagtrabaho sya doon. May mga kakaiba sa kanyang pagkilos simula noong bumalik sya sa Quezon Province kung saan din ako nag-ministry. Pero bago ko umpisahan ang lahat sasabihin ko muna sa inyo ang dahilan kung bakit ako napadpad ng Quezon Province.

April 2014 ay nagkaroon kami ng Youth Camp sa Quezon Province (sabi ko nga, isa akong Christian na dating spirit questor at paranormal investigator.) Masaya ang Youth Camp at yun ang pinaka-memorable na Youth Camp na naranasan ko. Buhay pa noon ang Pastor na nanghikayat sa akin magsimba and at that time, isa ako sa mga song at youth leader sa event na yun. Ang nakakatawa lang, biniro ako ng mga pastors na iiwan daw ako doon para humawak na ng simbahan (gaya nga ng na-share ko na noon, nag-aaral na ako nito sa seminaryo.) Wala kasi silang pastor at dahil nasa 3rd year na ako sa seminaryo, napag-usapan nila na mag-intern na daw ako sa lugar. Ako naman todo tanggi. Ang dahilan ko hindi ako nakapagpaalam sa nanay ko baka mabigla iyon. At isa pa, hindi din ako handa. Wala naman akong experience pa sa pagiging pastor. Kaya noong bumalik ng Maynila ay kasama pa rin nila akong nakauwi.

Mga bandang June 2014, kinausap muli ako ng management ng samahan ng mga church namin. This time, hindi na daw biro-- totoong ipapadala nila ako sa Quezon Province. Sa lugar na wala akong kamag-anak o kakilala kahit na isa. Dahil ako ung tipo ng servant na hindi tumatanggi sa mga ministry na binibigay sa akin ay tinanggap ko ito, kahit na pakiramdam ko para akong isang sundalo na sasabak sa giyera ng walang sandata. Noong nasa bus na ako, isang patak ng luha na lang ang aking isinagot sa biglaang pangyayari. Goodbye na sa makasarili kong buhay. Binuhat ko na ang Krus ni Kristo kaya wala ng atras-atras pa.

Dumating ako sa Quezon Province mga bandang July 2014. Marami akong naranasan sa ministry doon dahil literal na naging pastor ako noon sa isang maliit na simbahan. Sampung tao na lang ang dumadalo sa kanilang mga gawain pero dahil para sa gawain at para sa Diyos ay nagsumikap ako. In-adapt ko lang ung mga nakikita kong ginagawa ng pastor namin sa Bulacan. Madami akong naranasan doon na iba't iba: nakakatawa, nakakaluha, nakakainis, nakakatakot at nakakabigla. Isa na doon ang isa sa mga biglaang pagkamatay ng isang matandang lalaki na dating nagsisimba sa aming iglesya. Hindi ko naman sya naabutang nagsisimba kasi noong dumating ako doon ay wala na siya sa simbahan. Dahil datihan ng umaattend sa aming simbahan ay naatasan ako na mag-funeral service sa lamay ng matanda na itago na lang natin sa pangalang "Lolo Juan." Sa makatuwid, nagbahagi ako ng Mabuting Balita. At lalo akong nakilala ng mga tao sa barangay doon dahil napakabata ko pa daw na pastor. Hindi na ako nagulat sa usap-usapan ng mga tao na si Lolo Juan ay nagpakamatay. Nabulag na daw kasi ito at isang beses ng sinubukang uminom ng lason pero na-i-revive lang. Siguro nawalan na ng pag-asa kaya nagawa niya iyon. Isa pa, matagal na din siyang di binibisita ng karamihan sa mga anak niya. Nitong huli nga lang talagang natuluyan na ang pagpapakamatay nya gamit ang itak na matalas ang dulo. Isinaksak daw nito ang itak sa kanyang lalamunan. Ngunit dahil sa pagkamatay na ito ni Lolo Juan umusbong ang mga sumunod na mga pangyayaring hindi naman pangkaraniwan at ang mga haka-haka na si Lolo Juan ay hindi talaga nagpakamatay kundi pinatay!

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon