Part 1Magandang gabi Spookify, at lalo na sa mga masugid na mambabasa dito. Hindi po ako magaling magkwento pero I will try my best. Siguro familiar na kayo sa title pa lang ng story ko lalo na sa mga naging crew dyan. So ayun po, hello muna sa mga crew na nakaranas nang ganitong pakiramdam. This was my first confession mga kapatids. I was a former Jollibee Crew since 2015 pero ngayon hindi na. Hindi ko na ime-mention kung anong store pero alam ko yung iba alam ang store na ito.
Here it goes.Opening shift ako nung mga oras na yun. Syempre una muna gawain as a crew nga mag-aayos ka muna ng mga dapat gawin (SRC kasi ako) syempre sakin nakaatas ayusin lahat ng products sa loob. Inutusan ako ng manager ko na umakyat sa pangalawang storage namin. Ako naman sumunod ako, Acknowledge! Papunta na ako ng storage ng makita ko yung isa sa mga nag-iikot na security guard. Sambit niya, "oh! Hijo saan ka pupunta?" Sabi ko naman, "sa 2nd storage po ng Jollibee." Sabi niya sakin, "ah! Ganun ba? sige mag-ingat ka." E kasi mga oras na yun wala pang gaanong tao kasi close pa nga talaga ang mall. At isa pa nagtaka ako sa sinabi niyang "Ingat ka". So hindi ko naman pinansin yun. Nag-elevator ako nun and sarili mong operate syempre. So ito, sabi ko nga na sarado pa yung mall ibig sabihin patay lahat ng ilaw dun at ang nagsisilbing ilaw lang e yung mga nasa kanto ng mall ganun konting liwanag lang. Imagine mga kaps? Naglalakad ako mag-isa sa walang katao-taong mall at sa 4th floor. Nakarating na ako sa storage namin. Kinuha ko yung mga dapat kunin like table napkin at cups. Nung isasarado ko na yung pintuan ng storage biglang may tumahol na aso. Ako naman nagtaka kasi sa mall 6am may aso sa loob? So ako dedma lang tuloy lang sa ginagawa ko. Nang paalis na ako tinignan ko muna yung mga salamin na nakapaligid sakin kasi sarili ko lang nakikita ko nun as in ako lang. Then, biglang may tumawang maliit na boses ng bata sa likuran ko. Shocks! Nanlaki ang ulo ko nung mga oras na yun na parang nagkaroon ng hangin sa sobrang takot at nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan nun. As in hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko e, napako na yung paa ko nung narinig ko yun. Tanging sinabi ko na lang. "Lord, amen". Tapos naglakad na ako ng mabilis pero akala ko dun na matatapos yung kalbaryo ng takot ko. Nag-elevator na ako since nasa 4th floor nga ako. Pinindot ko yung LG ako naman nasa sulok lang ng elevator at nagdadasal. Laking gulat ko pagbukas ng elevator nasa 6th floor ako ng mall. Sobrang takot ko na nun hindi ko na alam ang gagawin ko. Ask ko lang, diba kung magbubukas man yung elevator meaning may nagpindot sa labas para mapunta sa 6th floor? Diba? So meaning may nagpindot. Nagdasal lang ako nang nagdasal. Tapos pinindot ko ulit sa LG para makabababa na. Sa sobrang takot ko yumuko na lang ako. Pero mas lalo akong natakot nung pagtingin ko. Umakyat pa ng isang floor 7th floor naman e as in wala talagang tao dun at kahit siguro security hindi na umiikot dun e kasi abandonado na. Napasigaw na ako ng "mama" nun ng makita kong nasa 7th floor ako. Chineck ko pa yung labas ng elevator mula sa kaliwa at kanan kung may tao sa labas. And ayun, nakapikit na lang ako nung pinindot ko yung LG. At sa wakas nakababa na din ako. Pero hinding-hindi ko makakalimutan yung nangyari sakin kasi yung pula ng labi ko nawala biglang naging puti e. At ayun, gaya ng sabi ko kanina may security na kumausap sakin. Sambit niya ulit, "oh? Hijo ano nakita mo?" So ako as in hindi pa maka move on sa nangyari. At nagtaka pa din ako sa kanya na parang may alam siya dun. At alam niyang may mangyayari sakin. Pero ang tanging sagot ko lang. "Bakit nyo po alam?". Ito pa yung tanong niya sakin. "Nakita mo ba?" Sabi ko na lang "hindi ko po nakita e, naramdaman ko lang. pMay tumahol po na aso sakin pero wala namang aso. Tapos po may batang babae na tinawanan ako. Dun siya nag-focus sa pangalawang sinabi ko. "Hindi sayo nagpakita? Hala, ang swerte mo pa hijo. Buti na lang hindi sayo nagpakita." Tanong ko na lang sa kanya. Ano po ba itsura niya? Sabi niya, "duguan ang mukha ng batang yun. Kalahati ng mukha niya kita na bungo na nababalutan ng dugo. Marami sila hindi lang siya. Buti nga hindi pa kasama yung nanay nung bata e." Ako naman napalunok na lang sa sinabi niya at umalis. Pagpasok ko ng store namin. Napansin ako ng isa kong manager, "ano nakita mo? Namutla ka ha." Sabay tawa. Naisip ko na lang na alam nila yung mangyayari kapag mag-isa ka lang na umakyat dun sa storage. So ayun, mula noon hindi na ako umakyat mag-isa sa storage sa taas. At hanggang dito na lang muna ang kwento ko. Maraming salamat sa nagbasa, God bless!
Sa admin please hide my identity kasi orig account ko po ginamit ko. Sana ma post po salamat in advance.
--------
Part 2
After po ng nangyari sakin sa storage, ito naman po yung sumunod na katatakutan.
Magandang gabi spookify at sa mga mambabasa dito. Muli, ito na naman po ako nagbabalik upang magbahagi ng karanasan ko sa store na yun. Anyways, binasa ko lahat ng comments niyo. Natatawa ako sa lahat ng nagcocomments pilit niyong hinuhulaan yung store. Kaya nyo yan! And isa pa, huwag po kayo magalit sa manager ko. Dati kasi siyang regular crew kaya nararanasan niya din yun. Nakalimutan niya kasing sabihin sakin bago ako umakyat sa storage pero ngayon manager na siya. Here it goes, Closing shift naman ako that time. Bilang (SRC) dapat kong ayusin yung stockroom ko. Inaayos ko yung mga dry product syempre ako naman busy. Alam nyo yung lagayan ng buns yung may gulong na liner, patung-patong yun at mataas. So bale nasa gilid ko lang yun. Wala pa naman akong na-e-encounter dun sa stockroom namin as in wala pero sa kasagsagan ng pagka-busy ko gaya nga ng sinabi ko, yung liner nasa gilid ko lang. Una hindi ko pinapansin yung liner kasi nga may ginagawa ako. E, nagtataka ako kasi lumalapit siya as in pagtitingin ako nag-iiba ng pwesto. Hindi ko muna pinansin yun kasi wala lang. Minuto yung lumipas napapansin ko sa peripheral vision ko dahan-dahan siyang lumalapit e wala namang tao dun or hangin na makakapagpagalaw para gumulong siya. So ako, nilapitan ko binalik sa kinalalagyan. E butas-butas yun ng biglang may pumukaw ng pansin ko. Napatingin ako sa butas na at pagtitig ko may mata na nakatitig sakin as in eye to eye contact. Yung walang reaksyon na mata as in titig lang siya. Ako naman nanigas sa kinatatayuan ko at nagsimulang lumaki ang ulo ko na tila ba merong hangin na pumasok at nagtaasan lahat ng balahibo ko. Ilang minuto ang lumipas ng bumalik yung wisyo ko. Sobrang takot na takot ako dun. So ayun, breaktime ko na. Hindi ko kinuwento sa mga katrabaho ko kasi alam kong matatakot sila sa sasabihin ko at wala ng pumunta sa stockroom. Kahit naman ako hindi na muna bumalik dun para hindi ko na maalala yung nakita ko. Hapon pa yun partida ha! Fast forward, sinabi sakin ng manager ko na extend daw ako kasi may babantayan daw kami na gagawa ng pangalan ni Jollibee sa store mismo. Welding kasi kaya matagal din po yun. So ayun, nag-uwian na mga kasama ko. Ang naiwan na lang ay ako, manager ko at yung gagawa. Sambit sakin ng manager ko. "Maglinis ka na muna ng kitchen para may magawa ka tapos i-dry mo yung floor kasi basa pa para hindi madulas. Sabi ko lang, "E Sir malinis naman po yung kitchen diba?" Sabi niya, "Basta maglinis ka na muna baka kasi tignan yung CCTV ng RM natin tapos makita nanonood ka lang samin." Sabi ko lang, "Okay po acknowledge." Sinimulan ko sa crew room patuyuin. So ako busy pero may pumukaw na naman ng atensyon ko. Tanaw na tanaw ko at laking gulat ko ng may makita akong isang anino na hugis tao. Dun mismo sa pintuan ng stockroom namin. So ako natakot na naman nanlaki na naman yung ulo ko at tila ba may dumiin sa mga paa ko para hindi ako makatakbo at makasigaw. Yung feeling na niyakap ka ng hangin sa kaba. Mga 5 minutes akong nakatayo, ang nakapagpabalik lang ng wisyo ko yung pagtapik sakin ng manager ko. Sabi niya, "Huy! Bakit nakatayo ka lang dyan? Pinaglilinis kita diba? Tapos tumingin siya sa tinitignan ko. Oh? Ano tinitignan mo don? Wala namang dapat tignan diba?" Tanging nasabi ko na lang, "Siiir aaaaaa may an.. ano po." Hindi ko na tinuloy kasi natatakot talaga ako. Speechless ako nun. Utos niya pa sakin. Pati sa stockroom mo ha i-dry mo ulit kasi basa yung mop mo. Sabi ko na lang sir tapos na sa stockroom which is hindi pa talaga. Takot ako e! Akala ko makakaligtas na ako pero sa kamalas-malasan talaga. May dumating na dry goods meaning may receive na naman ako at sa stockroom talaga ang bagsak ko. Dun pa din ako papasok. So ayun mga kaps kahit na takot na takot ako pilit kong nilakasan yung loob ko para matapos ko agad yung ginagawa ko. Dinedma ko na lang talaga yung takot. Iniwasan kong mag-isip ng kung anu-ano habang nasa loob ako. Pero hindi pa tapos ang pananakot nila. Yung liner na sinabi ko nandun na naman yung mata na nakita ko at may kasama ng babae mahaba ang buhok at nakatirik yung mata na nanlilisik. Sobrang bigat ng nararamdaman ko nun. Yung feeling na gustong-gusto mong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig mo pero kahit alam mo sa sarili mong nagsasalita ka. At ayun. Natapos ko naman pero naiwan kong magulo yung stockroom sa kamamadali at sa sobrang takot. 3am na kami natapos, at hindi ko na in-open sa manager ko baka kasi matakot din at sabihin sa iba matakot pa sila hahaha. Pero ako pa lang yata ang nakakaranas nun sa mismong store namin wala pa kasi akong naririnig na kwento about dun pero sa storage meron talaga. So ayun muli, maraming salamat mga kapatid. Pasensya na kung medyo magulo ha? Intindihin niyo na lang hahaha! Pero habang kinukwento ko ito feeling ko nandun ulit ako sa scenario na yun.
Sa admin salamat po in advance. Sana ma-post. God bless you all.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree