Scary Experiences in Japan

262 6 0
                                    


Mula 2011-2017 nangyari ang mga ito.

Sa unang natirahan ko.
Habang may kausap akong lalaki sa phone, may sumingit ng moshi moshi (means hello) na lalaki din na galing sa tabi ko yung boses. Gulat na gulat kami ng kamag-anakan kong babae dahil wala naman kaming kasama sa bahay. Dalawa lang kami. Kasabay nun yung paghampas ng kwintas ko na cross ang palawit sa lagayan ko ng accessories. Sa takot namin lumabas kami ng bahay nagpunta ng supermarket, home center at kung saan-saan mawala lang yung takot namin at gabi na umuwi haha.

Pangalawang pangyayari sa tinutuluyan ng mga naging kaibigan ko.
Dalawang palapag yun. Yung itaas bakante matagal nang sarado. May 2 bata, babae at lalaki na nakasilip mula sa bintana. Nagtataka mga naging kaibigan ko (puro babae) kasi aalis sila at sasama ako dahil natulala ako kako kasi may mga batang nakasilip may nakatira ba sa itaas nyp? Nung sumagot silang wala, lalo silang natakot kasi sino nga naman yung mga nakita ko na hindi nila nakikita.

Pangatlong pangyayari.
Sa ibaba naman na tinutuluyan ng mga naging kaibigan ko. Ilan sa kanila sa stage sa pinapasukan nilang club mismo nagsasampay dahil maliit lang ang space ng sampayan nila sa labas plus tag-nyebe kaya mahirap makatuyo ng damit. Eh sa club nila bukas pati ang heater kaya madaling makatuyo ng damit. Nagpasama ang isang kaibigan ko na kunin sa stage nila mga sinampay niya. Parehas bumungad samin sadako look-a-like na babae, mahaba ang buhok na nakatakip sa mukha at nakaputing damit. Kitang-kita namin ang reflection at hindi kami namamalikmata dahil may salamin sa harap at likod ng stage at kita iyong babae sa harap at likod na salamin ng stage nila. Hinablot lang niya ang mahahablot niyang damit. Karipas kami ng takbo habang nagsisisigaw sa takot.

Pang apat na pangyayari.
Sa dressing room club na pinagtatrabahuhan ng mga naging kaibigan ko. Dahil sa laging nanlilibre ang manager nila dahil nililigawan anh isa sa naging close ko sa club na iyon kaya palagi din akong naroon. Aba sayang ang palibre diba? One time sa sobrang kalasingan ko sa diretso na ako sa kanila at nakatulog sa dressing room. May itim na tela silang ginagamit sa showtime nila at malamang nasa dressing room pagkatapos ng work. Napanaginipan ko yung itim na tela na itinataklob sa mukha ko ng isang babaeng nakaputi. Buti may isang kasamahan nila na nag-stay sa dressing room at hindi ako iniwan hanggang sa magising ako dahil sa takot na mangyari sakin ang nagyari sa kanila, yun ay mapanaginipan ang isang babae na nakaputi na tinataklob sa mukha nila yung itim na telang ginagamit nila sa showtime. Nangyari na nga. Hindi na ako muli pa nagpalipas ng  madaling araw doon.

Pang-apat na natirahan ko at pang limang experience sa mumu.
Maraming kwarto ang bakante bago mapunta ng kusina sa tinutuluyan ko. Nasa kusina pa ko lumalamon. Yes lamon dami kong gutom dahil pagoda sa werk. May kasama ako, bata sakin ng 5 taon. Mommy tawag sakin. Nauna na sa kwarto namin. Nang biglang may narinig akong mahabang mahinang boses na tumatawag ng mommy. So akala ko siya at dali-dali akong sumigaw ng "teka lang anak hindi pa ako tapos matulog ka na diyan" pero nagpatuloy ang pagtawag sa loob ng isang minuto kaya minadali ko na matapos pagkain ko. Tiningnan ko ang 3 kwarto na bakante baka naroon kasama ko at pinagtitripan lang ako, pero wala. Lumakas ng lumakas yung pagtawag ng mommy at pakiramdam ko nasa likuran ko na yung tumatawag. Karipas ako ng takbo papunta sa kwarto na tinutulugan namin nang makita kong napakahimbing ng tulog ng kasama ko. Sinubukan kong yugyugin nagalit pa kasi tulog na siya bakit ko daw siya iniistorbo. Hindi na ako lumabas ng kwarto 'nun at yung pagtawag saka lang tumigil pagkalipas pa ng 5 minuto.

Huling pangyayari at 'in Jesus name' sana last na.
Sa dati naming inuupahang mag-asawa. Nakaupo ako sa sala hawak ang panganay kong anak nang mapatingin ako sa mga mata niya. May nakita akong repleksyon ng babae na papalapit sa amin. Bigla akong napalingon sa likod. Kusina ang likuran. Lababo at lutuan to be exact. Walang tao at malamang walang tao dahil 3 lang kami sa bahay noon at nasa trabaho ang kabiyak ko. Hindi ko na sinubukang tumingin pa sa mata ng anak ko baka makita ko na naman kasi yung babae. Hindi ko alam kung ano o sino yun. Ramdam ko na hindi tao. Maaaring multo. Nagdasal nalang ako.

"In Jesus name, Sana huwag nang masundan ang mga pangyayaring ito."

Madasalin akong tao pero aminado ako mula ng nakapangibang bansa ako at dito na nanirahan, hindi na ako nakakapagsimba. Ayoko namang isipin at sabihin na nagagalit si Lord sakin dahil hindi na ako nakakapagsimba. Alam kong hindi Niya ito magagawa.

NIKA

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon