Sumasakay ka ba mag-isa sa Elevator?Last Friday nasa ospital kami. Si Melissa po ang na-ospital. 12:30mn nakaramdam ako ng uhaw. Pagkapunta ko sa water gallon ng Wilkins naka-2 baso lang ako at naubos na. Need ko now lumabas para bumili ng bagong tubig. Para may mainom din si Melissa if mauuhaw siya. Nagpaalam ako kay Ate Mayet na sya muna ang magbantay kay Melissa at ako'y pupuntang 7-11 para bumili. Ako lang mag-isa ang umalis ng room at Ako lang mag-isa ang nag-aantay sa elevator. Nasa 3rd floor ako kaya ayoko mag-stairs di kakayanin ng bilbil ko. Dumating na ang elevator at pumasok na ako sa loob. Wala naman akong ibang nararamdaman. Pinindot ko ang "G" for Ground Floor at close control para mag-close na ang pinto ng elevator, nag-close na yung door kaya akala ko aandar na. Then biglang tumunog at nag-open yung pinto meaning may sasakay pa pero wala namang tao. Sa isip ko sh*t alam ko na ito, bakit sakin pa tumapat?. Close ko ulit yung elevator at nag-close naman ulit. 2nd time tumunog na naman at nag-open still the same floor pa rin. Hindi pa rin ako nakakababa. Iniisip ko baka sira lang yung elevator. Then out of nowhere napasabi akong "sumakay na ang gustong sumakay". Kahit takot na takot na ako at ayoko ring makita kung anuman yun. Maya-maya ramdam ko na may mga pumapasok sa loob ng elevator at sumara na yung pinto ng Elevator. Chill lang ako kahit butil-butil na pawis ko natatakot ako baka kasi sa ibang lugar pa ako mapunta at sobrang lumamig sa loob ng elevator. Ramdam kong may mga kasama ako. Nararamdaman ko ng gumagana na ang elevator at pababa na ito, nakikita ko kasi sa display floor number. Nakita kong "G" Floor na.
Bago ako umalis nagsabi akong "Dito na ako. Wag na kayong sumama sakin. Maglakbay na kayo". Pagkasabi ko nun nagbukas na ang pinto at nakalabas na ako. Wala ng lingon-lingon dumiretso na ako sa 7-11 at pabalik sa 3rd floor nag-stairs nalang ako kahit may bitbit akong 2 gallons ng 6 liters. *If ever na pakiramdam nyo ay may sumunod sa inyo kayo mismo magsabing "Wag ka ng sumama". And not all the time nakakakita ang may mga 3rd eye, may spirits din kasing hindi nagpapakita but nagpaparamdam*.Bigay lang ako ng trivia based on my experience magmula magbukas ang 3rd eye ko. At sa mga nakakasama kong healers, mga legit healers.
I know maraming mga against dito.*Halos lahat ng Tikbalang nasa mga gubat, bundok at malalayong lugar na. Yung tipikal ang tao o kaunti lang.
Isa ang mga tikbalang sa pinakamapaminsalang unseen entity. At ang palatandaan nila ay mapapanghi sila. At mahilig silang manggulo sa panaginip. Kumpare sila ng Kapre, mga mababaho.*Pwede kang makapagkulam kahit hindi ka nag-aaral ng witchcraft o anumang witch learnings. Ang tawag dito ay Bulong Kulam o Palipad Hangun, pero kung tutuusin sumpa.
Dahil sa bugso ng damdamin mo nakakapagsalita ka ng di maganda at may mga spirits/demons/elements na makakarinig nyan at dahil sa energy na na-i-exert mo. Matutulungan ka pang mangyari yung di kanais-nais.*Law of Attraction. Eto yung tinuro sakin ng kakilala ko. If you want something, really wanting it. Isipin mo muna ang bagay na ito, BE SPECIFIC. Tipong pati kulay, itsura or amoy. Then bigkasin mo sa hangin "Makukuha ko ito". Mag-save ka ng picture na mag-remind sayo na gusto mong makuha itong gamit na ito. And visualize yourself na nasa iyo na yung bagay tipong naamoy, nahahawakan kumbaga in-a-affirm mo sa universe na gustong-gusto mo ito. And the universe will give it to you kumbaga na-attract mo ang universe or tadhana, or si God na ibigay sayo yung gusto mo and the universe, tadhana or God will give you a way kung paano mo ito makukuha. Dito naman papasok minsan ang coincidence. *Sorry kung di nyo masyadong gets.*
*Never ever curse out pag galit ka. Lalo na rin kung nasa bahay ka ninyo kasi nagtatawag ka lang ng mga bisitang bwisita. And maigi mag-cleanse kayo ng bahay nyo. Pwede mag-insenso at kamangyan and the suka and asin na nasa baso.
*Tapikin mo ang taong may galit sayo and makakaramdam sila ng pagsisisi.
*May segundo sa buhay at kamatayan na pwedeng ibang kaluluwa na ang gumamit ng katawan mo. Mga kaluluwang nais pang mabuhay.
*Wag na kayong magpabukas ng 3rd eye kung para lang naman sa pagyayabang ninyo gagamitin. Karma is always there, and if your spiritual power is hindi naman malakas.
Baka matulad lang kayo sakin laging nakakawawa hahaha.Yan lang muna sa ngayon.
Thank you sa mga nagbabasa.A. Rica
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree