Japan Horror Story

217 5 0
                                    


Hi spookify nawa ma-post ito sa wall ninyo.

True to life story ng aking mama sa Japan ang karanasang ito sa bansang kanyang matagal ng tinutuluyan.

Matagal nang naninirahan ang aking ina sa Japan, 20 years na hanggang ngayon. Nagwo-work siya sa supermarket at sa gabi nag-eextra siya sa club para magkaroon ng extra income. Bale inom lang yun kapag may customer depende sa dami ng alak na inoorder. Ang mama ko ang nagpaaral saming magkapatid sa kolehiyo.

Hanggang sa nagkausap kami sa chat sa facebook at naikwento ang kanyang karanasan na kababalaghan sa Japan. Gabi daw ng siya'y papunta ng trabaho. Bale nagpunta muna siya sa dressing room para magpalit ng damit hanggang sa may isa daw na nakapansin sa kanya sa labas ng dressing room. Nakayuko at dinaanan ang kaibigan ng mama na katrabaho niya nung oras na iyon. Tawagin na lang natin ang nanay ko sa pangalang sally.

"Hi! Sally kamusta? Saan ka pupunta?" bati ng kanyang katrabaho, hindi daw ito nagsasalita nakayuko at parang walang narinig. Agad siyang napailing dahil ka-close siya ng mama ko.

Hanggang sa makarating siya sa dressing room at laking gulat na nandon ang aking mama na nag-aayos sa loob sabay bati niya. "Hi! Sally kanina binati kita, bakit hindi ka lumingon? Inisip ko tuloy na baka hindi mo ako narinig". Nagtaka ang aking mama sa narinig niya, ang sabi niya sa kanyang katrabaho na kadarating lang niya at agad siyang dumiretso sa dressing room. Nagulat sila at sabay sabing "Sino yung binati ko sa hallway kanina?" hanggang sa binalewala na lang nila.

At bago pa man makaalis ang aking mama sa dressing room, isang katrabaho ulit ang nakapansin sa kanya at siya'y agad na binati "Uy! Sally ang ganda mo naman ngayon" sabay bati ng hello ng aking mama. Biglang nagtanong ang kanyang kasama "Sally, sino yung katabi mo malapit sa salamin?" Sabay sabing "Ha? Wala naman akong kasama dito mag-isa lang ako". Sabi niya "Ayan oh! Nakatayo sa salamin, nakaputi siya at nakatingin sayo". Sa takot ng mama ko bigla siyang napaisip at lumabas ng dressing room.

Kinilabutan daw siya ng sobra dahil sa karanasan na iyon. Dalawang katrabaho niya ang nakakita ng kaluluwa at yung isa may nakita na kamukhang-kamukha siya. At sa panaginip niya palagi daw may lalaking tinatalukbungan siya ng itim na kumot na para daw nasa morgue at hindi siya makagalaw. Sa tuwing nagdarasal siya, palagi niyang inaalay sa Diyos na araw-araw buhay pa siya. Ang mama ko po ay mayroon ding third eye.

Ito po ay nangyari sa Fukuoka, Japan nung May 2013. Marami pong salamat.

merixoxo

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon