Knowing Past. Future. (Parts 1 & 2)

243 7 0
                                    


PART 1

Mahaba po itong confession ko, kung di nyo po kaya okay lang. Actually lahat ng convo bisaya pero tinagalog ko nalang para hindi mas mahaba. Gumagawa ako ng dummy account kaso hinaharang ni FB akala siguro alien ako kaya nawawala din naka-3 accounts na yata ako kaso wala e basta andyan lang ako.

Knowing Past. Future.

Kumusta spookifiers? Matagal na din pala ang last post ko nasa Cebu ako now for vacation, nasa Hong kong din kasi ang Cheng Family kaya nagagawa ko ito now tsaka libre naman ni Father Ambo kaya grab na ng makapag-unwind man lang.
July nang umuwi si Father Ambo para sa mga hindi nakakaalam pinsan ko po sya. Ako ang sumundo sa kanya sa NAIA at sa bahay namin sya sa Caloocan nag-stay, 4 days lang ang tinagal niya tapos umuwi na syang pa-Cebu sinama ako at si mama ko para makapagpahinga si Mama gawa din na bagong opera sya.

Kadarating palang namin ng Cebu madami ng kamag-anak ang sumalubong pero hindi kami ang star of attraction, kami pa nga tampulan ng tsismis dahil naoperahan si mama dahil sa cancer. Si Ambo ang star of all kamag-anak kasi galing ibang bansa. Hapon ng nagsabi ako kay Ambo na biyahe na kami pauwi kila mama tapos nagsabi sya "Sama ako mas gusto ko pa sa skwater kesa dito puro hingi". Hinayaan ko sya sumama wala namang problema. Ilang days ang lumipas nakaka-recover na si mama sa surgery nya katuwang ko din si Lola Cora (mama ni mama) ang laking tulong ng malunggay tea para mabilis ang pag-recover nya.
Sunday, Aug 4 may bisitang dumating, kapatid ni Lola Cora, si Lola Goring kasama ang anak nya na si Ate Regine, nakita ako ni Ate Gine natuwa at sumigaw, nagulat ako sumigaw eh sabay yakap tapos typical na bati ng kamag-anak "Ang laki mo na, dati ganito ka pa kaliit 7 yrs old ka palang noon bago kayo umuwi ng Rizal ngayon ANG TABA MO NA". Ate Gine. Like ang diin ng *ANG TABA MO NA* feeling ko tinusok ako ng maraming karayom sa buong katawan at mukha parang hellraiser para sumirit nalang lahat ng mantika. Sa isip-isip ko akala mo naman ang ganda nito. Nakikinig ako ng kwento nila, actually para talaga sa maruya na niluto ni Lola Cora ang pakay ko kaya nakiupo ako dun sa sala, biglang nabaling sakin ang usapan. Nagtatanong si Lola Goring kung bukas pa ang Third Eye ko *Like whuttt? syempre nagulat at nagtataka ako eh. Hindi naman ako nakakakita ng multo, tikbalang, white lady, duwende o ano pa man. Nagtanong ako kay mama.

Ako : Ma may third eye ako dati?
Mama : Bata ka pa kasi noon baka napagkatuwaan ka lang ng engkanto diyan sa likod ng bahay kaya nakikita mo sila pero bata ka pa nga kasi tsaka maldita ka noon wala kang friends eh kaya baka imaginary friends mo lang yun.
Ako : Ayy weh. Tapos? ano nangyari sakin? bakit wala na?
Mama : Wala naman nangyari sayo. Dinala ka ni Lola mo sa albularyo eh pinasarado ng lola mo yung third eye mo.
Ako : Mabuti nalang baka pag makakita ako bigla na lang ako himatayin dahil sa takot.
Ambo : "Actually, nakakakita ka pa rin." bulong nya
Ako : Huh?
Ambo : Mamaya sasabihin ko sayo. Eh Lola Goring, bakit nyo pala naaitanong kung bukas pa ang third eye ni Rica?
Lola Goring : Yung bahay kasi namin na nabili may kung anong nakatira eh.
Ako : Naku Lola mamaya demonyo yan, Ayy out ako dyan ayoko nyan. Si Ambo nalang ipa-bless mo bahay nyo pati kayo.

Natawa si Ambo, Ate Gine, Lola Cora at Mama kasi may attitude talaga si tanda. Nag-set sila ng araw, bale Tuesday, Aug 6 yung kinuha nilang day para nandun din si Ate Gine. Hindi talaga ako sumama that time, naiwan lang kami ni mama, nakalimutan pa ni Ambo sabihin yung dapat nyang sabihin busy din kasi sya kaya di ko nalang ginulo. Nang makauwi sila may kasamang matanda si Lola Cora kaibigan nya sa association ng mga old ages sa simbahan name (Lola Faustina *Inang) mabait siya super tsaka halatang nabuhay ng marangya kasi yung pustura nya iba, parang kastila sya basta ganun. Kinausap nya si mama ewan ko bigla syang lumapit sa kanya eh tapos sinabi nyang "May sumabay sayong kulam nung nasa Maynila ka, kapatid naman nya nang-aaswang sayo kaya mahina ka bago ka pa magpa-chemo buti sinabay ng anak mo ipagamot ka ng Albularyo at Doctor". Habang ako lumalantak ng nilupak bigla syang napatingin sakin yung pakiramdam ko noon napako ako sa kinauupuan ko di ako makatingin sa ibang lugar kundi sa kanya lang tsaka iniisip ko
PANO NYA NALAMAN LAHAT YUN?
Bigla nagsabi si Lola Inang "Kalimutan mo na sya lalo kang tumataba pag iniisip mo pa sya bigyan mo ng tsansa si Gab yung Supervisor sa tindahan ng Amo mo nakikita ko ang future mo sa kanya". Natahimik ako hindi ako nakasagot tapos si Mama nakangiting nakatingin sakin yung tipong nakakaloko. **Actually sinagot ko na si Gab bago kami umuwi ng Cebu. Baka naman malito kayo sa Cebu at Davao, 0 - 7 yrs old sa Cebu ako lumaki kay Lola Cora naghiwalay kasi si mama at papa nung buntis si mama pero sumunod si Papa ng Cebu kasi taga Cebu din si Papa parehas sila taga Cebu tinanggap ako at kinasal sila habang baby pa ako. Si mama ayaw umuwi ng Rizal kaya dun muna kami nag-stay sa Cebu, si Papa naman sa Makati nag-work kaya bumalik ng pa-Rizal. Edad 13 hanggang 24 sa Davao na kami tumira dahil about sa Rizal mystery.**

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon