Iloilo

314 11 0
                                    


Sorry sa mga taga Iloilo huh. Hindi ko ito ipinost para sirain yung lugar nyo. Actually, sobrang ganda at nag-enjoy ako. Bakit ang daming tisay na ilongga? Dinaig ang kutis ko. sila kutis mayaman, ako kutis ewan. Naturingang nakatira sa baryo pero mamula-mula yung mga pisngi. May mga Morena pero ang kikinis tapos yung mga mata ang pupungay na maaliwalas lalo pag ngumingiti. hahaha yung mga lalaki naman. Ok balik tayo sa story ko. nagpunta kami dito para um-attend ng seminar.

Taga dito din kasi nakatira at lumaki yung may-ari ng company na pinapasukan ko ngayon. Parang treat na din nya samin kasi maganda yung kita ngayong taon sunod-sunod mga projects. sabi ko nga baka after 3 months bago ako mag-post ulit kaso nangangati yung kamay ko hangga't di ko naikukwento yung mga naranasan ko saka may mga ilan din kasi akong tanong at alam kong mga taga Iloilo lang ang makakasagot. Isa pa, sa sobrang dami kong ginagawa baka makalimutan ko na naman sayang.

10pm ng July 22, 2019. After ng seminar namin. Kain tapos may konting inuman. naisipan kong maglakad-lakad tapos yosi pampaalis ng lasing saka umay na din, sa may likod ng bahay ng boss ko. napakaganda ng lugar mapuno. Mas dumagdag pa yung sinag ng buwan para ma-appreciate mo yung ganda ng paligid. Anino ng bundok at puno kasabay ng mabangong amoy ng talahib saka tae ng baka na sumabay sa hangin. Uy pag ganon ang amoy meaning fresh yung lugar. Excuse me sa mga kumakain pero mabango talaga para sakin yung ganyan. Eto yung kahinaan ko eh yung nature. Para akong paru-parong pink na may headband na bulaklak. Pakiramdam ko isa akong diwata na tinago sa katawan ng isang tall dark and handsome with animalistic appeal and Greek God's body na tagalupa. Siguro dahil laking Maynila din ako kaya iba ang dating sakin ng lugar na ito. yung pakiramdam na minsan na kong tumira dito as in sobrang at ease ka. kahit unang araw palang pakiramdam ko papakasalan ko na yung isang puno na nakita ko paldahan mo lang. nahihiwagahan ako sa lugar. kakalakad ko di ko napansin na napalayo na pala ako. Paglingon ko wala na kong nakitang bahay. Puro puno na yung nakapalibot sakin. Pero hindi ko din maipaliwanag yung saya ng pakiramdam hindi ko din kayang ipaliwanag na imbis na takot kahit madilim dagdag pa yung hindi ko kabisado yung lugar mas ramdam ko na hindi ako mapapahamak ramdam kong safe ako. kahit parang pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Diretso lang ako nung may nakasalubong akong matangkad na lalaki galing sa may kanan. Siguro mga nasa 6 feet yung height. Balbas sarado na malapad yung katawan. Yung itsura nya medyo singkit tapos yung kilay akala mo inahit kasi kahit makapal pataas yung kurba. Pamilyar ba kayo sa mga Mongolian? Parang ganon datingan ng mukha. Hahaha. mukhang Chinese pero matatas magtagalog. "Kaibigan! Huhulaan ko, hindi ka taga dito. bisita ka ba ni (insert pangalan ni boss). Kasi parang naliligaw ka na. kanina ka pa palinga-linga. kanina pa kita tinitignan kaya lumabas na ako. di ka ba natatakot, madilim na dito sa parteng ito madami ding ahas?" Umiling lang ako habang nakatitig. Kasi pinapakiramdaman ko kung mapagkakatiwalaan ba siya. Pero magiliw pa din syang nagsasalita. "Huwag kang mag-alala di ako kumakain ng tao. taga dito lang din ako, si (Insert pangalan ni boss) matagal ko ng kilala yan pati yung buong angkan nila." Kala ko nga taga Maynila din. kampante ako kasi kilala si boss. Ayun hanggang sa sinabi ko "Opo kuya taga Maynila po ako. Dinala lang kami dito ni boss for job purposes na din po. Ano ginagawa nyo diyan?" tanong ko. sabi nya gabi daw kasi sila nangha-hunting. Dahil karamihan ng bayawak sa gabi lumalabas. Sabi nya pa "mag-ingat ka dahil madami kaming nilagay na patibong diyan sa mga sulok-sulok." Humingi pa siya ng sigarilyo sakin saka ako pinaupo sa gilid nya. Tapos may lumabas pang isa sa kabila gaya nya malaking lalaki din malaki yung tiyan saka may hawak na tatlong bayawak tuwang-tuwa kasi may handaan daw sa kanila ngayon. Sabi nya "sumama ka muna. Ako na maghahatid sayo mamaya." Hesitant ako kasi di ko naman kilala itong taong ito kaso para akong nahihipnotismo kasi oo na lang ako ng oo. Sa isip ko gusto kong tumanggi pero hindi ko masabing hindi parang may pumipigil sa loob ko na magsalita.

Tahimik kaming naglalakad. Hanggang sa dumating kami sa lugar kung saan parang nasa pelikula ka. maliwanag yung paligid, may mga bombilyang dilaw na nakasabit sa mga sanga ng maninipis na kawayan. Mga alitaptap na lumilipad sa ibabaw ng tubig yung iba imiikot-ikot sa mga puno ng akasya, kawayan maging sa mga tao. Ramdam mo din yung dampi ng basang hangin na nanggagaling sa pressure ng falls na bumabagsak galing sa bundok. ngayon lang ako nakakita ng ganitong lugar hindi ko masasabing may kakaiba kasi hindi ko din alam kung ano ang kakaiba sa normal dito sa lugar na ito kasi nga hindi ako pamilyar. Bukod don wala naman akong napapansin maliban sa tema ng pananamit ng mga tao. makaluma pero meron din namang mangilan-ngilan na nakapangmoderno. mga abala lahat ng tao kahit gabi na. maaliwalas yung lugar. May mga babae saka lalaking nakaupo sa mga kahoy na upuan kumakain habang masayang nagkukwentuhan. Mga baging na dinekorasyon para magmukhang enchanted yung lugar. may fiesta nga siguro kinabukasan kaya siguro inimbita din kami ni boss na magpunta dito sa kanila. Gustong-gusto kong magtanong kasi tungkol sa mga suot nila. Yung mga malalaking lalaki na kasama ko knina akala mo mga warrior kasi mga nakabalat na makapal mula bota hanggang gwantes na may mga balahibo pa ng hayop pero parang nahihiya akong magsabi kasi baka maspoil ko yung mood ni kuya. Saka nya ako pinaupo katabi ng mga binata at dalaga na alam kong may gusto sakin kahit di sila magsalita. habang pinapaayos nya yung loob ng bahay nya. Kahoy pero elegante yung dating, napansin ko din na walang ginawa itong mga kabataang ito kundi maglandian. hahaha. tinawag ako ni kuya papasok sa bahay nila. lahat gawa sa kahoy pero masasabi mong makabago lahat ng mga design. Magaling yung nag-uukit kasi kahoy na inuka para maging mug, magandang carpet, center table, sofa na nilagyan ng foam lahat ukit, kumpleto din yung mga gamit mula sa sofa hanggang sa mga tv. Saka ako kinausap.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon