Third Timer - The AccidentSalamat sa pagbabasa at sa pagse-share din ng mga kwento ninyo sa Japan. Sana kahit nagse-share ako ng karanasan ni Mama huwag nyong isipin na pangit ang Japan, mas madami pa din namang naging magandang karanasan ang Mama ko dun, also kung duda man po kayo sa mga kwento ko dahil sobrang detailed niya pasensya na din po kayo, simula pa po kasi bata ako kinukwento na sakin ni Mama ito at kahit duwag ako mahilig pa din akong magpakwento sa kanya kahit paulit-ulit na hahaha. Also, alam ko namang mareklamo yung iba dito kapag hindi detailed at magulo ang pagkakakwento kaya hangga't maaari inaayos ko ang pagkakakwento para di kayo matanong at mareklamo at sigurado akong pag nanay ko nagkwento sa inyo for sure may acting at gestures pa yun kaya mas mabuting ako na lang.
Year 1988 bumalik si Mama sa Japan para magtrabaho ulit same agency at same work pero iba na ang lugar at mga katrabaho. From 1988 to 1989, Sa pinakahuling resto bar na napasukan ni Mama niya nakasama ang mga naging super close niyang kaibigan at katrabaho, ito na din daw ang pinakamalaking resto bar na napasukan niya noon at malaki talaga ang kinita ni Mama dahil halos karamihan sa customer na nila ay Doctor, Businessmen at mga malalaking grupo ng Yakuza na hindi naman daw nakakatakot dahil hindi naman sila binabastos.
Dahil na din sa galante ang mga naging Japanese customers nila karamihan din dito ay naging malapit na nilang kaibigan. Isa dito ay ang nasa mid 30's na sina Tanaka at Mitoshi. Kapag day-off sila mama bumibisita pa din ang mga Japanese na ito sa kanilang tinutuluyan na pag-aari din ng owner ng bar. Palaging may dalang pagkain ang mga ito na kung minsan nagiging dahilan para makaipon ng malaki sila mama dahil di na nila kinailangan pang mamili ng pagkain.
Madalas na kapag day-off sila mama nagkakayayaan ang mga hapon at silang magkakatrabaho na mamasyal sa Tokyo Disneyland at mamili ng souvenirs. Naging masaya ang trabaho ni mama sa Japan dahil karamihan sa taong nakasalamuha niya ay mabait.
FF.
Naging kaibigan at suki din nila mama ang ilan sa mga Yakuza na nagtanggol sa kanya ng minsang may isang pinoy na nag-amok sa bar nila at binato si mama ng ashtray. Nagkayayaan silang mamasyal dala ang sasakyan ng dalawa nilang hapon na kaibigan na sina Tanaka at Mitoshi. Maliit lang ang Van na dala ni Tanaka nung sinundo sila mama, bale ang sasakyan nila ay isang Maliit na Van (kay Tanaka) at isang Pajero na pag-aari nung Yakuza nilang kaibigan na si Bondoc.Paalis na sana sila mama nung makaramdam siya ng kaba kaya sa Pajero na lang siya sumakay. Hindi niya din daw alam kung bakit siya kinakabahan kaya yung ilan sa mga kaibigan niya pinilit niyang sa Pajero na lang daw sumakay, ayaw ng ibang kasamahan ni mama na sumakay sa Pajero dahil masikip na daw pero ipinipilit ni mama na magsiksikan o magkandungan na lang daw sila sa loob para magkasya. Syempre nagmatigas yung iba kaya di na niya napilit.
On the way na sila papunta doon sa pasyalan ng mag-aya yung Yakuza na dumaan sa isang bilihan ng pagkain para mabilhan silang magkakaibigan dahil mahaba daw ang biyahe, yung Van naman daw na sinasakyan ng ibang katrabaho nila mama nauna na sa kanila at di na nag-stopover.
After makabili tumuloy na sila mama. Ilang oras makalipas habang binabaybay nila ang isang malaking expressway sa unahan may nakita silang mga pulis na nakakalat sa daan, bumilis daw ang tibok ng puso ni mama dahil kinutuban na siya sa nangyari. Pagdaan nila sa tapat ng mga pulis nag-iyakan na mga katrabaho ni mama dahil di nga sila nagkamali naaksidente nga ang Van na sinasakyan ng mga katrabaho nila mama.
Parang popcorn daw na sinaboy sa daan ang mga sakay ng Van na yun. Halos hindi na makilala yung Van sa sobrang laki ng sira. Nagkalat sa daan ang piraso ng sasakyan, bumaba sila mama at dali-daling tinakbo ang mga katrabaho niya nakita niya yung kaibigan nilang hapon na isinasakay na sa loob ng ambulance. Yung mga katrabaho naman ni mama na nakasakay sa Van kung saan-saang parte ng kalsada nakahiga.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree