Hi. I hope na ma-post po ito. Avid reader ninyo ako kahit may trabaho na ako, kaya nung naranasan ko ito, I immediately sent my story here. Sorry kung hindi ako magaling maglahad, I'm a vet and not a creative writer. I'm working inside my vet clinic weekdays, except Wednesday. Nabili ko lang ang space dito sa Katipunan for maybe wala pang 700k kaya kinuha ko na, enough na kasi para sa nabi-visualize kong ideal workplace kaya dito ko na tinayo ang aking clinic. Medyo maayos na ang loob kaya di ko na masyadong ini-adjust. May dalawang mini-room agad kaya okay talaga.Yung isang mini-room, tinanggal ko ang pintuan, so doorway na lang. Dito ko kino-conduct ang surgeries, pati dental prophylaxis kasi kasya naman ang equipment. Yung isang mini-room, ginawa ko na lang na comfort room dahil mas maliit. Kaya hindi ko na tinanggal ang pinto. Sa pinaka-entradang space ng clinic, obviously dito ko ginagawa ang normal check ups. I've always hated doors with doorknobs. Kaya ang door ng vet clinic ko ay transparent na may push-pull function. Pero yung sa CR, may doorknob. Ewan ko ba, hindi ko na rin napapalitan. Bihira ko lang din namang gamitin ang CR.
So ito po. Last year lang when things started to get weird, and it gotten worse.
Unang beses yatang nangyari yung bagay na yon noong may lalaking nagpa-vaccine ng isang boxer dog na may rabies. Habang tinuturukan ko yung animal patient, nakatingin lang siya sa pinto ng CR. Syempre at first I thought na 'fly biting' ito. "Fly biting" is what we refer to as a "Stereotypic behavior" ng mga aso. Nakatingin sa kawalan. Paulit-ulit nilang ginagawa ito kahit na walang purpose. Pero maaaring may causes. Hindi ko na lang muna pinansin dahil may iba pa akong commitments pagkatapos nun kaya nga mabilis ko na lang sinabi sa owner ang mga kailangang treatment sa aso. Kaso hindi, nakatingin pa rin siya sa CR kahit nag-uusap na kami ng owner niya. Kinalimutan ko na lang iyon kahit medyo na-creep out ako. Kaso hindi pa pala nagtatapos du'n. Dahil simula ng araw na 'yun, karamihan sa chine-check up kong animal patients, laging tumitingin sa CR ng clinic ko, hindi naman as in always pero madalas.
One night, sa clinic ko ako nakatulog, I woke up mga madaling araw na. Hindi talaga ako natutulog sa clinic dahil may bahay naman ako at malapit lang ito, walking distance lang. Nagtaka ako kasi nakabukas yung pinto ng CR, hindi ko talaga yun binubuksan kung hindi gagamitin. Ni-try kong isara pero hindi ko na masara. Chineck ko 'yung doorknob, sira na pala 'yung loob ng knob. Nawala yung takot ko dahil alam kong sira lang pala kaya nabuksan. Hinarangan ko ang pinto ng vase sa baba para hindi bumukas. Then natulog ulit ako. Pagkagising ko, 3:46am or something. Nabigla ako kasi hindi na nakaharang yung vase, tapos nakasara yung pinto na as if walang sira ang knob. Nilapitan ko yung pinto kahit natatakot na ako, tapos ni-twist ko yung doorknob. Napamura ako dahil automatic na naayos ulit ito. Halong gulat at takot. Hindi na ako nagsalita at dali-daling nag-ayos ng gamit at lumakad papunta sa bahay.
I called my friend na kaklase ko nung high school who studied Occult Science. I consulted her at pinapunta sa vet clinic ko kinabukasan. Sabi niya meron talaga. Hindi ko na-gets ang ginawa niya basta may pinaikot siyang mga stick na may usok sa lahat ng kasulok-sulukan ng clinic lalo na sa CR. Napalagay na ako pero sa sumunod na week, may isa na naman akong animal patient na tumitig sa CR, at hindi lang siya tumitig, nagpumiglas siya. Binitawan ko pa yung syringe para lang kunin ulit yung aspin na may breed na nakawala. Kinagabihan, kinontact ko si Vanessa na friend kong paranormal expert, yung kaninang sinabi ko, pero hindi siya sumasagot.
Nag-message ako sa FB account niya pero ni-blocked niya ako. Nagtaka talaga ako. Pina-open ko sa mama ko yung FB niya at makikita ang account ni Vanessa, kaya alam kong na-blocked ako. Laking gulat ko nung nakita kong nakatag siya sa mga post na may pictures ng burol. Hindi pa masyadong nag-sink in sa utak ko ang lahat. Nagulat ako at nalungkot nang nabasa ang caption. "Thank you sa magagandang memories Vanessa", not exactly ganyan, pero ganyan ang thought ng caption. I was so shocked na malamang pumanaw na siya. At nalaman ko pang she committed suicide. Nakidalamhati ako at pumunta sa libing niya. Gulat pa rin ako sa lahat ng pangyayari. Ang pangit mang isipin sa mga sitwasyong yun, nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako ni-blocked.
Nung patapos na yung libing, lumapit sa'kin yung bf niya na parang galit. Sinabi niya sa'kin na bago nung mismong araw na nagpakamatay si Vanessa, kinuwento raw ni Vanessa na napapanaginipan niya gabi-gabi yung babaeng nasa CR ng clinic ko. Hindi raw kinaya ni Vanessa dahil palagi raw siyang pinapakitaan nito hindi lang sa panaginip. Sabi ni Gian, yung bf niya, nagulat na lang daw sila nang nakitaan si Vanessa ng kalmot sa likod. Wala naman silang alagang hayop.
Kinagabihan, hindi raw pinapasok ni Vanessa yung bf niya sa kuwarto. Iyak ng iyak daw si Gian nung naririnig si Vanessa na sumisigaw at nagmamakaawa. Tumigil si Vanessa sa pag-iyak at pinapasok yung bf niya sa kuwarto, they made love sabi ni Gian after niyang patahanin si Vanessa. Hindi niya alam na yun na raw ang huling beses na mayayakap niya si Vanessa. Kinabukasan nagpakamatay na raw ito. Lumuluha si Gian when he told me that at namugto rin ang mata ko, sorry ako ng sorry na sana hindi na ako humingi ng tulong kay Vanessa. Nag-seek na ako ng tulong sa pari para mabendisyunan sa pangalawang pagkakataon ang vet clinic ko. Hindi ako madasalin pero simula noon, nagdasal na ako araw-gabi. Hindi na ako nakaka-experience ng kahit ano simula noon. Bukas bibisitahin ko ang puntod ni Vanessa. Sana mapatawad niya ako at sana nasa payapa siyang lugar ngayon. Sana payapa na rin yung babaeng nagpaparamdam sa CR ng vet clinic ko. Yun lamang po. Thank you sa pagbabasa and God bless. Always pray.
Wen
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree