Death Threat

437 12 0
                                    

"Pagkatapos sa'yo, si Elle naman, dahil alam kong mataas ang pangarap niya!" Ito ang mga katagang tumatak sa isip ko habang pinapanood ko ang video ng aking tita na nakapikit, iba na ang boses -- kinukulam.

Ako si Elle, 17 y/o. Bata pa lang ako, mulat na ako sa mga bagay-bagay na hindi kayang paniwalaan ng iba. Nasa probinsya kami kaya talamak ang iba't ibang kwento gaya ng lamang-lupa, mga engkanto at higit sa lahat, kulam. Ngunit hindi lang ito basta kwento lang dahil kaya kong patunayan na totoo ang mga ito.

Inggit. Inggit ang puno't dulo ng lahat. Simple lang ang buhay namin ng aking pamilya. Ngunit hindi namin malaman kung bakit sila nainggit sa amin. Ang lola ko ay may kaunting negosyo sa aming bayan, ang tita ko naman ay isang guro. Ang lolo ko naman ay may mga hayop. Sapat lang kinikita nila para sa pang araw-araw na pamumuhay namin.

Isang araw nagkasakit ang aking lola sa bato. Pinaoperahan siya at ganun na lamang ang pagkagulat ng lahat maski ang mga doctor dahil sa laki ng nakuha nilang bato sa loob ng lola ko. Andito pa sa bahay yung bato. Para siyang isang coral sa dagat. Basta malaki, hindi normal ika nga ng mga doktor. Nung nasa hospital siya, BGH (Baguio) specifically, malakas na siyang kumain. Pero noong inuwi siya dito sa probinsya biglang hindi na siya ulit makakain, parang may bumabara sa lalamunan niya. Alam naming alam na nong mga kumukulam sa kanya na nakuha na ang bato sa kanya at alam na rin nilang nakauwi na ang lola ko dito sa probinsya.

Around 12mn, April 2, 2014, nagising kami dahil sa isang katok. Kumakatok ang tito ko, kapatid ni papa, sinasabing patay na ang lola. Masakit. Ang kwento, ubo daw sya ng ubo, samantalang balot na siya at April yun, summer, mainit so walang dahilan para lamigin. Kumakati ng sobra ang lalamunan dahilan para umubo habang fresh pa ang kanyang sugat gawa ng pagkaka-opera sa kanya. Around 12mn, good time for bewitching and they succeed, my lola died. 1 down.

Isang babae na medyo may edad na ang nagtitinda ng mga iba't ibang rebulto galing sa isang kilalang simbahan dito sa Probinsya ang napadpad sa bahay namin. Pinapasok ni mama sa bahay, ako naman ay nanonood sa sala. "Masungit ang anak mo ano? Pero napakataas ng pangarap." mga unang sinabi ng matanda. Nagulat si mama dahil totoong masungit ako. Nagulat din ako dahil alam ko sa sarili ko na may mataas akong pangarap. Sunod na sinabi ng matanda ay "Ang biyenan mo, patay na siya?" agad na tumango si mama. "Dahil yun sa sakit niya pero may halong kulam." patuloy nito. Halos tumaas ang mga balahibo ko. "Pagkapasok palang ng jeep namin dito sa barangay nyo, alam ko ng marami ang mangkukulam dito." sabi pa niya. And that's true. Nakakakilabot.

My aunt passed the LET for Teachers. Umugong ito sa buong barangay and yes another target na naman, kinulam siya. Nakalimutan ko na kung ano ang ginawa sa kanya. Basta ang natatandaan ko ay dinala siya sa isang magaling na albularyo dito sa aming bayan. Nandun ang tito ko, ang lolo, ang bf ni tita at ni lola (noonh buhay pa siya). Binidyuhan nung bf ni tita ang mga pangyayari. Nakakatakot. Mas nakakatakot pa ito kaysa sa magmahal ka tapos iniwan ka. Nakapikit lang si tita, hindi nagsasalita habang dinadasalan sya ng albularyo at may mga dahon-dahon na inaano sa kanya. Ng bigla siyang sumigaw, ibang boses. Nahuli na ang kumukulam sa kanya. At tama nga kami ng hinala, boses pa lang kilalang-kilala na namin siya dahil halos araw-araw namin siyang nakakasalamuha. Siya ay pinsan ni tita, pinsan ni papa, pamangkin ni lola. Bakit? Pamilya tayo ah. Sumisigaw siya, nasasaktan sya, nagwawala. Maraming tinatanong sa kanya ang albularyo at sinasagot naman niya ito. Pasensya na dahil nakalimutan ko na ang mga ito. That was 4 years ago, December 2013. Ang tanging natatandaan ko lang ay ang mga katagang hindi ko kayang kalimutan.

"Pagkatapos sa'yo, si Elle naman, dahil alam kong mataas ang pangarap niya!"

Umiyak ako nung napanood ko ang video gayundin ang ibang pamilya ko lalo na si mama. Pano na ang mga pangarap ko? Hindi pwede! Lagi akong may dalang matalim o matulis na bagay katulad ng perdibli (don't know the spelling). Dahil iyon ang pinakabasic na pangontra sa kulam o di naman ay 9 na dahon ng atis o dahon ng guyabano.

Ngayon, kahit nakakasalamuha namin sila nag-a-act kami as normal lang lalo na ako. Salamat kay God hindi niya kami pinapabayaan ng aking pamilya. Prayers are the best weapon!

PS : Magaling na si tita. Napagaling sya ng albularyo. Hanggang ngayon hindi na sya binalikan ng mangkukulam, sana nga nakonsensya na siya.
PPS : Sa mga kaibigan kong nakwentuhan ko nito, guys I trust you, huwag nyo akong i-tag. Nailabas ko sa inyo ang takot ko dati na baka hindi ko na makamit mga pangarap ko sa buhay, salamat.

Elle
ProvinceOf

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon