Karanasan sa Cavite

476 17 1
                                    

Hello, Admin Chai. its me again. Don P hahaha nakakaaliw lang talaga ung mga basher dito papansinin nila ung mga mali daw pero makitid lang ang utak nila at kaya di nila naintindihan hahaha. isa sa ikinatututuwa kong comment sa previous story na ni-submit ko eh yung type daw ako ni lola hahaha.

As promised, ikukwento ko po ngayon ang personal kong karanasan sa Cavite noong 14 years old palang ako.

Taong 2005, ang hanap buhay ng pamilya ko ay pagtitinda sa Public Market dito sa Cavite. Maayos ang income namin noon kaya naman kina usap kami ni kuya Bal na kapit bahay namin kung pwede daw namin kunin na makakatulong sa pagtitinda ang asawa nya na si ate Inah. Natatakot daw kasi ito kapag mag isa lang sa bahay. Pumayag naman si mama na kunin si ate Inah dahil mabait naman ito at masipag.

Sa araw araw na nakakasama namin si ate Inah sa tindahan, itinuring na rin namin itong kapatid. Naitanong ko din sa kanya kung bakit ayaw niya maiwan sa bahay nila Kuya Bal mag isa at ang sagot lang nito ay ayaw daw niyang kasama ang matandang babae na kamag anak ni kuya Bal.

After 8 months na pagtatrabaho sa amin, masayang ibinalita ni ate Inah sa amin na 5 months na daw siyang buntis.

Isang araw naki-usap sa akin si ate Inah na kung pwede daw na samahan namin sya matulog dun sa kanila kase nag OT daw si kuya Bal sa pinapasukan nyang construction at baka madaling araw pa umuwi. Pumayag naman ako sa request ni ate Inah. Inimbitahan din namin ang 2 kong pinsan na si kuya Jon at Luisa at pumayag naman sila sa hiling namin.

10PM

Bago kami pumunta sa bahay nila ate Inah, nag usap kami nila kuya Jon at Luisa na bumili ng baraha at crackers para mag palipas oras habang hindi pa inaantok.

Bago pa man kami makarating sa bahay nila ate Inah, nakita na namin ito sa pinto na nakangiti at kanina pa pala nag aabang.

Pagpasok namin sa kanilang bahay, nakita na agad namin ni kuya Jon ang matandang kamag-anak ni kuya Bal na kinakatakutan ni ate Inah. Naka upo ito at nakatingin ng masama sa amin. Medyo nailang ako ng sandaling iyon, dahil para bang hindi kami welcome sa bahay nito.

Hindi ko na lamang ito pinansin, alam ko naman kasi na sa 2nd floor kami mag stay dahil dito natutulog sila ate Inah at sa baba naman ang matandang babae. Habang papaakyat kami sa 2nd floor, nag biro si kuya Jon na kakainin daw kami nito.

10:30PM ng sinimulan naming mag laro ng baraha habang kumakain ng crackers. Halos 2 oras din kaming nag laro nito then all of a sudden, biglang na open ang topic tungkol sa matandang babae na kasama nila ate Inah.

Naikwento ko sa kanila ang na-oberserbahan ko sa matandang babae. Napansin ko kasi nakapag ito ay nasa bahay nila sa Molino, uuwi itong mahina at hirap maglakad pero after ilang araw na nandito sa lugar namin, lumalakas ito at kaya pang mag buhat ng timba. Kumpara sa mga ka-age niya, kakaiba daw ang lakas ng matandang babae.

Sabi rin ni Mama, ang matandang babae daw ay kilalang aswang sa lugar nila kaya hindi ito makapang aswang.

Around 12AM, nagyaya si Luisa na umuwi na sa kanila dahil natatakot na ito sa aming pinag uusapan. Umiiyak na ito kaya naman nagpasya kami na ihatid ito hanggang sa may pinto.

Habang kami ay pababa, napatingin ulit ako sa matandang babae. Nakatingin ito ng masama at biglang nag salita "Huwag na huwag mo na silang papasukin ulit dito" sa pag-aakala siguro na uuwi na kaming tatlo.

Dumiretso kami sa may pinto at hindi pinakinggan ang matandang babae. Pagkahatid namin kay Luisa, agad itong tumakbo pauwi sa kanila at kami naman ay babalik sa taas.

Habang kami ay paakyat na sa hagdan, biglang nag iba ang temperatura sa loob ng bahay. Uminit ang aking pakiramdam na dapat sana ay malamig dahil madaling araw na. Binaliwala ko lamang ito at bumalik kami sa paglalaro ng baraha.

Around 2AM ng mag desisyon si ate Inah na matutulog na. Inayos nito ang kanilang papag at humiga. Kaming dalawa naman ni Kuya Jon ay naglatag ng banig sa sahig. Matapos naming ayusin ang aming higaan, pansin kong nakatulog agad si ate Inah dahil na rin siguro sa sobrang pagod sa maghapon na pagtitinda at puyat.

Hindi agad kami nakatulog ni Kuya Jon ng kami ay makahiga. Nagkwentuhan pa kami nito ng mga kung ano anong bagay. Doon ko din napansin na gawa sa kahoy ang bahay nila ate Inah at kuya Bal.

Tumahimik ang paligid, hindi na pala nagkukwento si kuya Jon ng mga oras na yun, tumingin ako sa kanya at tulog na rin pala ito. Pinikit ko na din ang aking mga mata. Dahil siguro sa puyat, naramdaman ko bigla ang antok at alam kong akoy makakatulog na.

Wala pang 15 minutes ng bigla akong makaramdam na may tumutusok sa aking ulo, para itong 5 pako na dumidiin paikot sa aking ulo. Habang tumatagal lalo itong sumasakit na para bang gustong butasin ang aking ulo.

Nang hindi ko na kayang tiisin, pinilit kong idinilat ang aking mga mata at tumingin paitaas, wala akong nakitang kahit anong pako o matulis nabagay. Ngunit nagulat ako ng makita kong butas na ang ding ding kung saan nakatapat ang aming ulo.

Nawala ang aking antok ng makita ko ang butas. Agad akong tumingin kay Kuya Jon at inisip na nag joke time lang ito pero alam kong hindi dahil nakatalukbong ito ng kumot

Pipikit na sana ulit ako ng may maramdaman ako na para bang may papalapit nanaman sa aking ulo kaya mabilis akong tumingala at doon ko nakita ang isang itim na mabalahibong kamay na may mahahabang kuko. Nakalusot ito sa butas ng ding ding, nang naramdaman siguro nito na ako ay gising, agad nitong hinila ang kamay palabas at nawala.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita akala ko panaginip lang. Inisip ko pa na baka pinag titripan lang kami ng mga tao sa labas ngunit naalala ko nga pala na kami ay nasa 2nd floor.

Hinila ko ang kumot ni kuya Jon upang gisingin, nagulat pa ito sa akin at napansin ko na maluha luha ang mata nito. Mas nagulat ako ng nagtanong ito sa akin kung nakita ko daw ba ang mabalahibong kamay sa butas. Kanina pa pala niya ito napapansin.

Natulala na lang ako ng mga oras na yun, naramdaman ko na bumangon si kuya Jon sa pag kakahiga at hinihila ako nito upang bumaba. Nakaka-isang hakbang palang ako sa hagdan nang biglang sumilip ang ulo ng matandang babae mula ibaba at nakangiti.

Napa-p*tangina na lang ako ng makita ko yun. Sa sobrang takot namin, mabilis kaming tumakbo pabalik, kinuha ko ang kumot at tumabi kay ate Inah na natutulog sa papag. Doon nagising si ate, gulat na gulat ang itsura nito at nagtanong "bakit?".

Mabilis kong ikinwento kay ate Inah ang nangyari, natakot din ito kaya nagsiksikan kaming tatlo sa papag habang naka kumot. Maya maya ay biglang kumalampag ang bubong ng napaka lakas. Sumunod naming narinig ay kaluskos sa bubong na para bang may naglalakad na pusa na kasing laki ng tao. Para bang gusto nitong butasin ang bubong.

Halos ilang minuto din kaming magkakatabi nila ate Inah at kuya Jon ng tumigil ang kaluskos sa bubong. Maya maya ay narinig ko ang boses ni Kuya Bal na kakauwi lang galing sa trabaho. Narinig ko na tinatanong ni Kuya Bal ang matanda kung bakit hindi pa daw ito natutulog.

Doon na kami bumabang tatlo. Pagkakita sa amin ni Kuya Bal, nagulat din ito na gising pa kami. Kinausap agad ni ate Inah si kuya Bal at ang matandang babae. Dumiretso naman kami ni kuya Jon sa pinto at nagmamadaling sinusuot aming tsinelas upang umuwi na.

Hindi ko na iniintindi ang pinag uusapan nila basta ang gusto kong gawin noon ay umalis na sa bahay na iyon.

Bago pa man ako maglakad palayo, nagulat ako sa narinig ko na sinabi ni ate Inah sa matanda "Pati ba naman apo niyo tataluhin niyo pa?".

Habang kami ay tumatakbo ni kuya Jon papunta sa kanya-kanyang bahay namin, doon ko na realized na totoo ang kwento ni lola at mama tungkol sa matandang babaeng ito.

------

Ang kwentong ito ay base sa aking totoong karanasan. Alam ko na hindi lahat sa inyo ay maniniwala pero wala na akong pakialam doon dahil ako mismo sa sarili ko, napatunayan ko na nag i-exist ang mga aswang.

-Don P

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon