Hi guys. Matagal na po akong silent reader dito. And I think it is about time para mag-share ng sarili kong experience.This story happened when I am just 8 years old. Sa Manila pa kami nakatira nun. Lagi akong sinasama ni Mama sa trabaho nya every Sat and Sun kasi wala akong kasama sa bahay namin. It was my third time to be on that building but since the first time na nakatungtong ako dun, may something talaga sa akin na ayaw kong pumasok. Pagdating namin sa loob, sinabihan ng workmate ni mama si mama na bawal daw ako sa baba (massage parlor) at dun lang daw ako sa quarters nila.
Pumayag naman ako. Nandun kasi yung may-ari na kano at ayaw nya na may bata dun sa workplace nila mama.
So yun na nga, I was staying in the quarters reading ghost stories but hindi pa ako nangangalahati sa binabasa ko, I noticed the big closet sa gilid ng mga beds. As I stare unto it, may naririnig akong batang umiiyak.
She was crying and asking for help. Iyak sya ng iyak habang sinasabing natatakot daw sya, gutom na at masakit ang likod. "Ate pagbuksan mo ako. Ate." Yan ang lagi nyang sinasabi. Out of curiosity at awa lumapit ako sa aparador. At nakita ko yung malaking padlock at kadena.
I was about to touch it kaso biglang gumalaw ang aparador kaya nagulat ako. In panic sumigaw ako "Baby relax okay? i-o-open ni ate 'to. Maghahanap lang ako ng something."
Pero nagtataka ako sa sinagot nya.
"Hawakan mo lang po."
So I touched the padlock at biglang bumukas ang aparador. Revealing an awful smell. At dun nakita ko ang bata. Naaagnas na ang katawan, nakasuot ng white dress at iisa lang ang sapatos nya. And I realized she was a ghost.
"Salamat ate. Ngayon malaya na ako." That was the last words na sinabi nya at nawala. Di ko namalayan na nahimatay na pala ako. I woke up in the clinic dun sa workplace nila mama. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at sabi nung babaeng may-ari it was her great grandmother's sister. Lagi daw yung kinukulong ng papa nila kasi nalaman nitong di nya yun tunay na anak.
Yung huling beses na kinulong sya dun, ni-lock sya at iniwan ng tatlong araw. She died because of starvation and dehydration. Ang ate nya lang ang tagapagtanggol nya noon pero nung time na yun, yung ate nya daw isinama sa probinsya ng lola nila. Kaya walang nakatulong sa kanya.
Yung aparador daw na yun ay nandun na since 1856 at di daw yun nasira, kahit buhatin ay di nila magawa.
But after that scenario yung aparador ay nasira, inanay bigla after three days.
Sabi ng may-ari baka naghihintay lang daw si Lola Alicia nya na pagbuksan ng ate nya.
Masyado na pong mahaba. Sana po nagustuhan nyo. Marami pa po akong stories after mangyari yan hanggang ngayon na 19 years old na ako. Sa mga gustong makaalam ng iba pa, comment lang po. At di ko po kayo tatanggihan.
Gifted girl
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree