Kumusta Spookify? Alam kong marami sa inyo dito ang naghahanap sa akin sa muli kong pagbabalik. maraming naganap, nahati din ang mga naniniwala sa akin. yung iba nabulag sa mga paninira. pero hindi yan ang bibigyan natin ng attention sa istoryang ito. marahil may mga magtatanong kung ano nga ba talaga ang nangyari sa akin? bakit daw ako nagbago? bakit bigla akong nawala sa gitna ng pamamayagpag ng aking pangalan sa larangan ng spiritual, at maging sa spookify. bibigyan ko yan ng kasagutan at kaliwanagan. "Nasa sa inyo na yan kung maniniwala kayo o hindi. Hindi ko kayo pipilitin."
I would never waste my time writing this story if it just myth or just a fiction. and I don't care kung meron na namang maglalabasan na paninira sa akin. ang importante ay maibahagi ko ito sa inyo at para malaman nyo ang aking side. oras na para basagin ko ang aking pananahimik. tara at simulan na natin ang istorya sa likod ng nagaganap sa aking buhay. Sa nakalipas na taon at iilang buwan. Isang pangyayari ang masyado kong napabayaan. sabihin nalang natin na naging kampante ako, hindi ko akalain na may mangyayaring magbabago dahil sa aking kapabayaan.Simulan natin ang istorya noong nakaraang taon. Nung nandoon ako sa lungsod ng Gen. Santos. August 13, 2018 mula Cagayan de Oro bumiyahe ako papuntang Gen. Santos. Mahabang byahe at sabi ni Aji 12 hours mahigit ang byahe, kaya umiidlip-idlip nalang ako para naman di ako mainip sa byahe. Mga Around 9pm yun nasa byahe pero hindi ko na alam kung saang lugar na ako non. Nagtanong nalang ako sa katabi kong babae na may dalang baby, tinanong ko kung malayo pa ba ang Davao. Sa Davao kasi ako bababa at lilipat uli ng bus para pa Gen. Santos. Sabi nung babae malayo pa daw kami, kaya bumalik ako sa pagtulog. Sa kalagitnaan ng aming byahe syempre natulog ako at nanaginip. Masama ang napanaginipan ko, nasa bus ako at natutulog ng biglang gumewang-gewang yung bus na sinasakyan ko. nagising daw ako kasi nagsisigawan ang mga pasahero at sigaw ng kundoktor nawalan daw ng preno ang bus. at dumiretso ang aming bus sa bangin, gumugulong-gulong, at kaming mga pasahero sa loob nagpasirko-sirko, nauuntog sa kung saan-saan. hanggang sa mawasak at matanggal ang bubungan ng bus, basag lahat ng salamin. nagkalat ang mga pasahero na duguan sa paligid, maging ako ay hindi makatayo at duguan na rin. naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib at unti-unti na nawawala ang aking paghinga. at narinig ko ang isang bumubulong sa akin, "Gumising ka. Gumising ka. Gising ka! nasa panganib kayo. Gising!" at nagising nga ako, panaginip lang pala yun. "Sino ba yung bumulong sa akin? Familiar yong boses." tanong ko sa isip ko, tiningnan ko ang cellphone ko kung may message ba si Aji sa akin. at nag-text ako sa kanya, ngunit kinabahan ako ng makita ko mula sa gitna ng bus may isang naka-itim na nakatayo, napalingon kasi ako sa may unahan. nanlamig ako pinagpawisan kahit may aircon yung sinasakyan kong bus. "Hindi maaari, alam ko ang naka-itim na nakatayong ito." sabi ko sa sarili ko, lumingon ako sa paligid baka hindi lang ito nag-iisa. agad-agad kong kinuha ang rosaryo na binigay ni Aji sa akin. nagdasal ako at nag-discomonion para itaboy ang naka-itim na magdadala sa amin lahat na pasahero sa isang malagim na disgrasya. Pagkatapos kong magdasal ay nawala agad ito at maya-maya pa lumakas ang takbo ng aming sinasakyang bus. kahit sobrang dilim ng daan na binabaybay namin nakikita ko na may mga bangin talaga sa gilid na bawat nadadaanan namin. ito ay area ng Bukidnon na may mga pakurba-kurba pang daan. napansin ko ang pagbilis ng aming pagtakbo, kaya lumingon ako sa likod na bahagi ng bus. napangiti ako dahil may mga umaalay at bantay na kami sa byahe. ano nga ba yun? mga alagad ng liwanag na tinawag para gabayan kami sa aming byahe.
Dumating ako sa Davao ng 12:00mn, August 14, 2018 na yun. bumaba ako sa terminal ng Davao at lumipat ako ng sinasakyan kong bus papuntang Gen. Santos. Nag-message ako kay Aji na nakasakay na ako that time, safe naman ang byahe at walang negative energy habang nasa byahe ako. Pagbaba ko ng Lagao Market sa Gen. Santos inantay ko si Aji kasi siya lang naman nakakaalam sa pag-i-stay-an ko doon sa lugar nila. Pinag-antay pa ako ng halos kalahating oras, nung pagdating niya syempre may welcome kiss na sumalubong kaagad. medyo naiinis pa ako sa kanya kasi pag-antayin ba naman ako ng kalahating oras. sumakay kami sa tinatawag nilang motor sikad papunta doon sa apartment na tutuluyan ko. madilim-dilim yung paligid kasi 3am pa lang yun. tahimik at madamo pa yung mga nadadaanan namin. may masukal bahagya yung area na yun, pero subdivision siya na hindi pa gaanong fully developed. pero ayos lang kasi I need a quiet place para hindi ako ma-distract kapag nagdadasal. pero sa aming bawat nadadaanan napapansin kong may mga matang nanlilisik, nakatingin, mga nagmamasid. naramdaman ko ang mainit nilang presensya. unang beses nilang makakita ng isang puting tupa sa kanilang territoryo. pero hinayaan ko muna sila, pagod ako sa byahe at gusto kong magpahinga. pagdating namin sa apartment napakalakas ng negative na enerhiya ng mga elemento at mga kaluluwang hindi pa natatahimik. nasa paligid lang sila malayang pagala-gala. Abangan ang kasunod dahil marami pa ang mangyayari at nangyari talaga. Subaybayan nyo ang istoryang ito dahil marami pang revelation akong ilalabas. Hanggang dito nalang muna. may mensahe lang pala ako, "Sa mga naghuhusga kahit wala naman silang alam at wala sila sa pangyayari matuto kayong magtimbang sa bawat panig huwag yung isang panig lang ang inyong paniniwalaan. dahil kapag kayo ang dumanas niyan baka hindi nyo rin maalala na minsan din kayong humusga sa iba. Maraming Salamat at more power Spookify.-SilentRasta
PS. Maraming salamat sa mga SR believers na nandyan at solid pa rin kahit sa gitna ng maraming controversial issue na lumabas o Ipinalabas. Mabuhay kayong lahat.
God Bless you all.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree