Tulay sa Cavite

397 11 0
                                    


Hi Spookify readers! Ako po yung nag-send ng Tagaytay Hotel at Tagaytay Road. May ise-share ulit ako, so eto na nga, hindi ko rin po alam kung may third eye talaga ako kasi bihira lang naman akong makakita, may workmate ako na may third eye pero kapag nakikita niya, wala naman akong makita. Tapos may mga nakikita din ako na hindi din naman niya nakikita. Tulad nung nag-overnight swimming kami sa isang resort sa Indang, October 2015, apat lang kami magkakasama nun puro kami girls kasama ko nga yung isang katrabaho ko na may third eye, usapan pa nga namin eh 5am na kami magpapasundo sa tatay ko kasi mahirap namang sumakay ng jeep kapag madaling araw kaso napaaga kasi 2am pa lang nagyaya na siyang umuwi at wala kaming kaalam-alam kung bakit, nasa pool pa kami ni Ate Anne nung time na yun. Nagmadali kaming nag-ayos ng gamit kasi feeling ko na may nakita siya kasi hindi siya nagsasalita, hingal na hingal pa kami pag-akyat mula sa entrance ng resort paakyat sa may highway. Ang tagal pa bago kami nasundo ni tatay kasi masyadong napaaga ang uwi na dapat eh 5am pa. Pagdating namin sa bahay saka lang siya nagkwento, may babae daw na nakalutang sa kabilang pool tapos ginagaya yung ginagawa ko. Nagpo-floating kasi ako tapos yung buhok ko mahaba, ganun daw yung ginagawa. Nung time na yun kasi nandun kami sa pangbata na pool, yung bilog nasa baba siya. Tapos pag umakyat ka ng hagdan paakyat nandun yung mahabang pool na malalim eh nung time na yun eh walang ilaw yung tapat ng malaking pool kasi wala naman masyadong tao, malapit siya dun sa pool na walang ilaw dun niya nakita yung babae na nakalutang at ginagaya yung ginagawa ko. (Yung mga taga Indang dyan sigurado ako alam na nila kung saan yung resort). Nakita niya yun, ako wala naman akong nakita.

Year 2007, di ko matandaan kung anong month. College ako nun, sa Dasma ako nag-aral. Pauwi na ako, sa Indang ako dumaan papuntang Alfonso, sa last trip na ako nakasakay mga 10pm na yun. Hanggang tulay lang ng Guyam ang mga jeep kasi ginagawa ang tulay noon, Malapit dun yung sementeryo. Punuan ang jeep, natuwa pa nga ako kasi maraming sumakay papuntang Guyam para kako pagbaba ko eh may mga kasabay pa akong maglakad, ang nakakainis nun, pagdating sa kanto eh bumaba na rin yung pasaherong kasabay ko. So wala akong choice, pagdating sa may tulay may nakita akong dalawang bata na magkahawak ng kamay sa may tulay, tingin ko nasa 12 years old mga ganun kaya sabi ko "ay okay may tao pa". Naglakad na ako pababa ng tulay tapos hawak ko ang phone ko Nokia 3315 pa yun, tapos sa paglalakad ko akala ko naglalakad din yung dalawang bata palapit na ako sa kanila parehas lang silang nakatungo lang eh dadaan ako so iniisip ko maghihiwalay sila ng kamay so lakad lang ako diretso hanggang nakalampas sa kanila, napatigil ako bigla kasi parang di ko naramdaman yung kamay o balikat man lang nung bata eh imposible kasi maliit lang yung daan, tapos paglingon ko wala na yung dalawang bata. Jusko!!! Takbo na ako papunta dun sa may pilahan ng tricycle, t*ngina walang tricycle! Hirap na hirap pa akong mag-send kasi mahirap signal ng SunCel dun. Nasa 3 minutes pa yata bago may dumating na tricycle sabi ko pa "bakit ba walang pila kuya, may bata sa tulay kanina tas biglang nawala" paiyak na talaga ako nun. Tapos kinabukasan yung ibang tricycle driver nagtanong sa akin kung totoo daw ba yun. Naniwala naman din sila kasi may iba rin namang nakakakita dun, kahit nung high school kami napasama pa nga yung sementeryo ng Guyam sa dyaryo ng school namin. May ibang tricycle driver din sa kilala na ako kapag sumakay ako, alam nila pag dadaan ng tulay ng Pajo-Alfonso eh nakapikit ako kasi minsan may nakikita ako dun sa tulay. Hello sa mga driver ng ALPETODA diyan hahaha. Isang beses kasi nun 11pm na ako umuwi, nakasakay ako sa tricycle kumukuha ako ng barya sa bag ko (mula sa kanto ng Brgy. Dos pababa ng tulay ng Pajo hanggang makaahon eh walang street light) tapos pagtunghay ko sakto sa may gilid ng tulay may nakatayong babae na nakaitim, mahaba ang damit, di ko alam kung na-malikmata lang ako o ano, kasi kitang-kita ko talaga siya, hindi siya gumagalaw hanggang sa malampasan namin siya. Hindi na ako lumingon kasi baka sumunod. Tapos year 2013, di ko matandaan kung fiesta ba yun o Alfonso day kasi may pinanood kami sa plaza sa bayan, mga 1am na kami umuwi, naglakad kami ng mga pinsan ko apat kami. Pagdating ng palusong, gamit namin ang phone na may flashlight, tapos naglalakad kami napansin ko yung anino namin eh lima. Imposible naman kasing may kasabay kaming maglakad eh apat lang talaga kami nun, tapos sabi ko na lang bilisan na natin at naiihi na ako, ayoko kasing sabihin sa kanila na may nakikita akong anino na kasabay namin dahil paniguradong pag nagtakbuhan eh maiiwan ako. Tinitingnan ko talaga yung anino, lima talaga hanggang sa makarating na kami sa makaahon dun sa may start ng street light sa barangay eh dun na din nawala yung anino.

Kahit minsan lang ako nakakakita natatakot pa rin ako, hindi rin naman nakakatuwa yung may nakikita ka minsan kasi kahit nga sa sarili naming bahay eh takot ako. Sa susunod na lang yung iba kasi masyado ng mahaba.

- Raijen

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon