Bata

334 9 0
                                    


Hi sa lahat ng avid readers dito, itago nyo na lang po ako sa pangalang John taga Cavite at 19 years old na. Actually dahil nga lumaki at nagkaisip ako na nandiyan na di technology, eh Hindi ako masyadong naniniwala sa mga multo, kapre, nuno, manananggal, tikbalang o anumang uri ng elemento, ang akin kasi "To see, is to believe" hanggang isang araw nabago lahat ng paniniwala ko.

2 years ago that was 2015 kakauwi ko lang, narinig ko na may nakakita daw ng bata sa may bahay ni Lola ko, yung bahay kasi eh medyo luma na at creepy na yung itsura tsaka noon pa man eh madalas na pag-usapan ng matatanda na may lumalabas doon. Pero ako walang pake kasi di ko naman nakita o naramdaman man lang.

Isang gabi nasa terrace ako at gumagawa ng assignment ko. Ako lang non at walang ibang tao sa labas that was about 2am kasi math nahirapan ako, tsaka trip ko naman magpuyat eh so ayun todo gawa ako. nang biglang may narinig akong tawa ng bata. Kasabay non nahulog yung papers ko sa sahig. Wala namang hangin. E di nagtaka ako pero tinuloy ko pa rin yung ginagawa ko at dahil medyo malapit kami sa dagat maaga gumigising tao samin para mamangka, hanapbuhay eh. Biglang lumapit sakin ang pinsan ko bagong gising 3am na nun sabi nya sakin "Kuya sino yung batang nakaupo sa harap mo kanina?" And I was shocked dun sa tanong niya. nasabi ko nalang "Gag* wag mo nga kong tinatakot di eepek yan lokong 'to", sabi nya "Hindi Kuya, seryoso nakatingin sya sayo at hinihila yung papel mo!". Ako naman dedma pero nag-uumpisa na kong matakot.

One time, maaga akong nakatulog pero naalimpungatan ako ng bandang 3:23am nauuhaw ako eh lights out kami at walang buwan non kaya madilim talaga una kong hinanap sa kama is yung phone ko at pagbukas ko ng ilaw ay may naaninagan akong bata na nakahiga sa paanan ko. Napabalikwas ako at tinanggal ko yung mga muta sa mata ko at pagdilat ko walang bata pero bukas yung pinto eh ni-locked ko yun bago ako matulog dahil ayokong may ibang napasok sa kwarto ko. Kahit takot, binuksan ko yung ilaw sa kwarto at pumunta ako sa kusina dahil sa uhaw. Nung pabalik na ako sa kwarto may nakita akong nakasilip sa likod ng pinto ko. Nabitawan ko yung hawak kong baso at nagising Lola ko, sabi nya "Ano ba binasag mo na yan! Tabi at ako na maglilikom! Pumasok ka na sa kwarto mo at may pasok ka pa mamaya." Ilang sandali pa patulog na ko nun nalimutan ko isara yung pinto pikit ako pero gising ang isip ko ng narinig kong lumalangitngit yung pinto. Sh*t sobrang creepy nung tunog, wala namang hanging na magtutulak sa pinto para gumalaw kasi mahina din ang fan ko at dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at wtf! Di ako makapaniwala sa nakita ko. may batang nakatayo sa may gilid ng pinto nakatungo pero kita kong nakangiti at dinig ko din yung hayop na bungisngis. Kaba, takot, mangiyak-ngiyak na halos gusto mong sumigaw pero walang lumabas na boses! Nakita ko din na may tali. di ko alam kung tali ba talaga pero di ako pwedeng magkamali na bata yon. Nakasando syang puti at sira yon. may dugo din at tumutulo sa bibig nya habang nakangiti.
Di ko alam ang gagawin ko hanggang sa tumilaok na yung manok sa kapitbahay at sa isang iglap nawala sya.

Takbo naman ako kay Lola at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. "Akala ko ba di ka naniniwala eh ba't ngayon katal at putla ka?" Hindi ko makakalimutan yon at di ako nakasagot sa Lola ko, akala ko tapos na kasi after nung pangyayaring yun 1 week naman na ang lumipas pero di na naulit.

Isang tanghali walang tao sa bahay dahil namalengke si Lola, kakatapos ko lang kumain at naramdaman kong najejebs ako. E di pumunta akong cr, yung cr namin eh medyo maluwag. Pagpasok mo, may dalawang salamin na pinto.  Nakabukod yung shower sa bowl. Yung salamin na pinto naman namin eh blurred, pero kita mo kung may tao sa loob.  So eto jumejebs ako at nakikiramdam at nag-e-FB at the same time. Nag-scroll ako ng scroll nang biglang may umihip na hangin. Kulob sa cr, may kisame at walang lusutan ng hangin. Pagtunghay ko naaninagan kong may nakatayo sa labas ng pintong salamin kaya sabi ko "MAAAAAY TAOOOOO PA, NAJEBS AKO!" Naalala ko wala nga pala kong kasama eh sino 'to?! Narinig ko ulit ying bungisngis after ng sigaw kaya sigurado ako na yung bata yon! Sabi ko "t@n6!n*(;" ayooooko na!" Pumikit ako at nagdasal at pagdilat ko wala na.

Halos ilang araw akong di nakatulog dahil don minsan natabi pa ko kay Lola o kaya sa pinsan ko. Mula noon, naniniwala na ako na hindi lang tayo ang namamalagi sa mundong ito. Nandito din sila, ang mga kaluluwa at elemento na sinasabi ng iba, nandiyan lang sila at naghihintay, nag-aabang at pinagmamasdan ka.

-J

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon