Alahas at Ginto

512 15 0
                                    


Hello Spookify! Silent reader ako dito at first time kong magkukwento dito.

So eto na nga. Hindi ako naniniwala sa mga sinasapian lalo na yung may sasapi sayong kaluluwa para malaman mo kung ano yung nangyari sa kaluluwa na yun? Hanggang sa nasaksihan ko kung pano at nangyayari yung ganun. May tito kasi akong namamanata sa isang kilalang bundok somewhere sa south. Bata palang ako tuwing mahal na araw umaakyat na sya dun kasama ng mga kaibigan nyang manggagamot, albularyo o kung ano pang ibang tawag sa kanila para kumuha ng gamot o kung ano pa man. Ewan pero yun yung sabi sakin haha pero nakalimutan ko na kung ano ba talaga ang ginagawa nila dun kapag mahal na araw. May kwento sakin yung lola ko, sa bundok daw na yun napakaraming engkanto meron pa nga daw dun isang malaking baka na ginto na nagpapakita daw yun twing hatinggabi at kung sinuman daw ang magtangka na kumuha dun ay nawawala. Pero eto talaga yung pinakakwento ko. Nito lang bakasyon nagpunta yung tito ko sa bahay, gabi nun kasama yung mga kaibigan nya yung manggagamot, yung albularyo yata yun tapos yung dalawang kasamahan nila. Nanonood kami ng TV nun ng lola ko, kapatid ko, mama ko, at asawa nung kasama ng tito ko. Nasa likod sila ng bahay akala ko nag-iinuman maya-maya narinig namin may umiiyak na babae sa likod eh apat lang naman sila dun tapos puro mga lalaki pa. Hindi namin pinansin hanggang sa lumalakas yung iyak nya tapos may sinasabi na hindi namin maintindihan kaya nagtaka na kami. Tinignan namin sila yun pala sinasapian na yung isa nilang kasama. May pinasapi silang kaluluwa dun para malaman nila kung anong nangyari sa kanya. Pero di pa rin ako naniniwala na sinasapian sya malay ko ba kung lasing lang tapos umiiyak kasi may problema. Ganun naman yung mga nalalasing diba? Lol hanggang sa tumaas na yung mga balahibo namin sa mga sumunod na nangyari. Umiiyak ulit ng malakas yung kasama ng tito ko pero boses babae pa rin at maliwanag na naming naririnig yung mga sinasabi nya. "Ginahasa ako!" "Sinaksak pati na rin ang mga kapatid ko!" "Sinunog ang bahay namin! Kasama ang pamilya ko!" "Pinatay kami ng mga kamag-anak namin!" Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kinilabutan ako. Kasi akala ko sa pelikula ko lang ito nakikita pero ngayon, nangyayari sa likod mismo ng bahay namin. Natahamik kaming lahat na nasa loob ng bahay. Tapos may narinig ulit kami "Ginto" "Nasa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog" "Kung saan nila kami inilibing" "May kwintas doon itago ninyo" sobrang nakakatakot kasi bukod sa nalaman naming pinatay sila ng mga kamag-anak nila ay may mga ginto pang nakabaon sa ilalim ng lupa. Pagkatapos nilang gawin yun nagalit yung lola ko dahil bakit daw sa bahay pa namin ginawa yun. Tapos nagkwento yung isang kasamahan ng tito ko. Matagal na daw kasi syang may napapanaginipan na babae. Humihingi daw ng tulong sa kanya para makita yung ginto at ang mga katawan nito. Nung una daw hindi nya pinapansin yung panaginip na yun hanggang sa kinulit daw sya ng kinulit kaya nagpatulong na sya sa tito ko at mga kasamahan nya. Matagal na din kasi nilang ginagawa yun. Nangyari daw yung sa babae at sa pamilya niya taong 1935. Pinatay daw sila dahil gustong kunin ng mga kamag-anak nya yung mga ginto lalo na yung kwintas. Di ko alam kung anong klaseng kwintas yun. Tapos tinuro kung nasan yung mga ginto. Nandun din pala kung saan sila inilibing pero hindi din nakita nung mga kamag-anak nya siguro dahil sa sobrang lalim ng pinaghukayan. Alam ko pagkatapos nung pangyayaring yun hinuhukay na nung kasamahan ng tito ko eh. Pero patago nyang hinuhukay baka daw kasi tanungin siya kung bakit naghuhukay sa tabi ng ilog. Pero isang buwan daw na siyang naghuhukay dun di pa daw nya makita. Ang kwento kasi sakin nagdadamot daw yung kasamahan ng tito ko kaya hindi nya makita. Ganun daw kasi yun pag pinagdamot mo yung ginto mas lalo daw lumalalim yung hukay kung nasaan ang mga iyon.

Minmin
Others

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon