Trip to Capiz
Kumusta? Ako ulit 'to, si Ligaya. Nagbabalik at may nais na naman akong ibahaging kwento sa inyo. Sa mga nagsasabi kung kumusta na ako? Ayos lang ako, buhay pa rin. Nag-aaral pa rin at nagtatrabaho pa din sa isang karendirya. At marunong na din akong makisama sa mga tao ;)
Sa mga nakabasa na binahagi kong kwento nung nakaraan, siguro alam nyo na yun hehehe.
Ngayong taon lang 'to nangyari, summer. Kakatapos lang ng school year namin ay nagyaya ang kaklase ko na pumunta ng Capiz kasi fiesta doon sa kanilang probinsya, tawagin nyo na lang sya sa pangalan na "Christine", blockmate ko sya.
Bago kami umalis papuntang Capiz ay nagpaalam ako sa may-ari ng pinagtatrabahuhan ko na hindi ako papasok bukas (Sabado) dahil nga pupunta kami ng Capiz at okay naman sa kanya.
Alas 8 ng umaga ay bumiyahe na kami. Bale 5 kami noon. Ako, Christine, Sanny, Pauline at Paulo. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako kasi hindi naman ako pinanganak kahapon para malaman ang tungkol sa Capiz na pinamumugaran daw ng mga aswang. Hindi naman ako takot eh, kasi may lahi din naman akong aswang. (Kung nabasa nyo ang unang kwento ko na pinasa ko dito). Tahimik lang ako habang nakikinig sa chitchat ng mga kaibigan ko tungkol sa Aswang. Tawa sila ng tawa kasi daw hindi totoo pero gusto daw nila makakakita ng aswang kung totoo nga ba. Gusto ko sana sagutin sila na "Katabi nyo lang ako" hahahaha.
Magtatanghali na ng makarating kami sa bayan nila, mula sa bayan, sumakay kami sa Habal-habal. Mga 1 oras din yun bago kami makatarating sa baryo nila.
Nang makarating na kami sa bahay nila, una kong napansin eh yung itsura ng bahay nila. Kubo pero pagpasok mo sa loob ay kumpleto mga gamit nila parang moderno ba.
Umupo muna kami dahil nga pagod din sa byahe pero yung mga bunganga ng mga kaklase hindi napapagod. Kwento dito, kwento doon. Nagpaalam si Christine na maliligo daw muna sya kasi naglalagkitan na mga balat nya.
Lumabas mula sa kusina ang Nanay nya, oo alam kong nanay nya yun kasi kwento nya, Dalawa lang sila ng nanay nya na nakatira dito. Agad kong tinignan sa mata ang nanay nya ngunit umiwas agad sya sa akin. Bigla ako kinutuban, hindi nga ba Aswang sya?.
Inalok kami ng Nanay nya na uminom ng tubig, sila Paulo, Sanny, at Pauline lang ang uminom. Ako hindi, nagdahilan lang ako na hindi ako nauuhaw kahit namamalat na lalamunan ko sa dahilan ay gusto ko lang makasigurado na hindi ako mahahawaan ng "Yanggaw". Ito yung, aalukin ka ng tubig, tapos lalagyan ng laway nila o di kaya lalawayan ka sa tenga o kahit sa pagkain o ano pa dyan. At magiging aswang ka na rin. Ibang klaseng aswang yun kesa sa akin.
Niyaya na kami na kumain ngunit hindi sya makatingin sa akin para bang umiiwas sya. Yung 3 kong kaibigan agad kumuha ng plato, gutom na gutom eh.
"Wow Tita May! May dinuguan. Ikaw nagluto?" Tanong ni Paulo.
"Huod. Ako tana nagluto. Kaon lang kamo da ha?" (Oo. Ako ang nagluto. Kain lang kayo dyan ha?)
Sagot ng nanay ni Christine.Takam na takam sila Paulo, Sanny at Pauline sa mga handa. Mayrong Adobo, Dinuguan, Sinigang, BBQ at iba pang mga tipikal na pagkain na hinahanda pag fiesta. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kumuha din ako ng plato ko at pumunta ng lamesa para kumuha ng pagkain.
Syempre, alam nyo naman, una kong napansin ang sinigang. Habang nagsasandok ako ng sinigang, may naamoy ako. isang pamilyar na amoy. Sabi ng isip ko, "Kalma ka lang Ligaya. Wag kang kumain kung ayaw mo matulad sa tatay mo" pero parang tinutulak ako ng gutom ko na kumain. Nung oras na iyon, parang nababaliw ako. Hindi ako mapakali, yung katawan ko nanginginig. Para akong isang tigreng galit na galit.
Napansin ako ni Sanny kaya agad niya akong nilapitan.
"Uy Ligaya! Naano kaw? Gapalamalhas ka gd haw?" (Uy Ligaya! Anong nangyari sayo? Bakit pawis na pawis ka?).
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree