Caloocan Hospital (Parts 1 - 3)

334 11 0
                                    


PART 1

Hi admins and readers! magkukwento po ulit ako ng isa ko pang karanasan na totoong nangyari magmula ng malipat ako sa isang hospital dito sa may Caloocan na. dito na kasi kami nalipat dahil lahat ng mga kamag-anak ko halos nandito lahat kaya kami napag-isipan na rin na sa Caloocan na rin tumira.

FF. Kaya nang makapasok na ako dito sa hospital sa may ******** Memorial Hospital ay nung una ok naman wala namang kakaiba. hanggang sa unti-unti na akong nakaramdam ng kakaiba nung pangatlong araw ko palang.

FF. May pasyente ako na babaeng may edad na and kinakausap ko naman sya para malibang naman, kinakausap nya din naman ako. kami lang dalawa sa isang kwarto. gabi na nun kausap ko pa rin sya at hanggang sa nagpaalam na ako na bababa muna sa 1st floor kasi nasa 8th floor kami non. ayun na nga lumabas na ako ng kwarto nya. nang biglang may parang naaninagan ako sa gilid ng mata ko na parang may nakatayo sa isang kwarto. eh ang kwarto kasi dun kahit nakasarado makikita ang anino dahil malaki ang uwang sa ilalim ng pinto kaya makikita yung anino kung may tao sa pinto then ako biglang nakaramdam ng kaba pero nilakasan ko ang loob ko. dinaanan ko yung kwarto na yun at sinilip kung may tao talaga. nung sinilip ko na nagulat ako at medyo nagtaasan ang balahibo ko ng wala akong makita. umalis na kagad ako dun at pumunta na sa may elevator at nang makapasok na ako sa loob may isang babae na nakaputi pero di ko naman pinansin kasi gusto ko ng makababa kaya di ko na binaling yung tingin ko sa kanya.

FF. Dito parang nagunaw ang mundo ko na parang na-hypnotized ako ng biglang bumukas ang elevator sa may bandang 5th floor na ngunit walang tao at paglingon ko sa likod ko wala na yung babae na nakasabay ko sa elevator. parang nagdilim yung mundo ko at sinara ko kagad yung elevator sa sobrang kabado ko. at pagdating ko sa 1st floor nakita ko si Nikki. tinanong nya ako kung bakit namumutla ako. di ako makasagot tas bigla ulit syang humabol ng salita na "di na bago sakin na makakita ng taong namumutla kada lumalabas diyan sa elevator na yan pag gabi ma'am!" at nagsalita ulit sya binago na nya ang usapan kasi alam nyang takot na takot na talaga ako as in sobra. pawis na pawis at putlang-putla ako eh. sabi nya "halika ma'am magkape muna tayo" at tumungo naman ako.

Hanggang dito nalang po muna. ise-send ko yung kasunod na nangyari bukas pag-uwi ko galing sa ospital na yon.

PS : sa ngayon medyo nasasanay na ako sa mga nararanasan ko sa ospital na yon.

------------------

PART 2

Hi readers and admins! Ako ulit ito. bago ako magsimula sasagutin ko muna mga tanong nyo. may nabasa ako na nag-comment ng wala daw 8th floor na hospital sa Caloocan. actually po meron. pero hindi ko po pwedeng sabihin ang hospital kung saan naganap lahat at kung saan ako nagtatrabaho. pero ang hospital na ito ay hindi kilala talaga.

Anyway, nagkape na kami ni Nikki at nagkwentuhan tungkol sa ospital. so malapit sa pinagkapehan namin ang cr sa 1st floor maaaninagan talaga ang bawat lalabas at papasok doon. so nagkwentuhan na kami ng kung anu-ano na talaga naman daw na nakakatakot dito sa ospital na pinagtatrabahuhan namin konti lang kasi mga pasyente dito bihira na ang dito dumidiretso dahil sa mga trauma sa mga nakakakilabot na experiance sa ospital na ito. kesyo may iba  na nakakakita na may batang naglalaro, lalaking labas-masok sa cr pero wala naman at marami pa kaming pinagkwentuhan. at sakto malapit kami sa comfort room biglang may naaninagan ako ng pumasok dun ng mabilisan. ako naman napatingin dun at napatingin din si Nikki. so medyo kinabahan kami ng konti pero di na namin pinansin yun.

FF. 30 minutes na ang lumipas nun na di namin pinapansin biglang may tumulak sa pinto ng ang lakas. so kami nagulat kasi may tao pala dun. nilapitan namin yun at kinatok at tinanong kung may tao ba pero walang sumasagot. dun palang di na ulit kami kumatok o binuksan umalis nalang kami. sobrang kabadong-kabado kami. si Nikki na akala ko sanay na sa mga ganun ay sobrang namutla talaga at takot na takot na. tas nagpaalam na ako na pupunta na ako sa pasyente ko. naghiwalay na kami. pumunta na ako sa 8th floor para bisitahing muli ang pasyente ko. so, nakaakyat naman ako sa 8th floor ng walang kakaibang nangyari sa loob ng elevator. kasi pag nasa elevator naman ng ospital usually may magpaparamdam talaga pero sakin ok naman. nakalabas na ako ng elevator at nakapunta na nga ako sa kwarto ng pasyente ko. kinabahan at sh*t sobrang di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko ang nasa tabi ng pasyente ko na nakatayo yung babaeng nakaputi at nakatalikod. mahaba ang buhok. sobrang nginig na nginig at pawis na pawis na ako nun ng biglang pumasok si Dr. Willie (di nya tunay na pangalan) bigla akong napatakbo sa kanya at tuluyang lumabas sa kwarto umiiyak na ako nun tinatanong nya kung anong nangyari pero di ako makapagsalita. pinakalma ako ni Dr. Willie at umalis na rin siya kaagad. binibisita nya lang daw kasi yung mga pasyente kung maayos na nakakapagpahinga. at nilakasan ko loob ko na pumasok na ulit ako sa kwarto ng pasyente ko. nanag makapasok na ako ay wala na akong ibang nakita na kasama ng pasyente ko lumapit na ko sa kanya at kinumusta ko. hanggang sa nakatulog na nga sya. at ako ay nakatulog na rin sa tabi nya sa sobrang antok ko na rin.

Hanggang dito nalang muna. may kasunod pa po yan. yung nangyari kinabukasan non. sana po ay subaybayan nyo ang mga experiences ko doon sa hospital na yon. hehe.

------------------

PART 3

Hi admins and readers!. Salamat sa mga readers na nag-suggest at nag-question. thank you rin po sa mga patuloy na nag-aabang ng story ko tungkol sa experiences ko ng hospital na yon.

So eto na nga.

Nung nakatulog na ako sa tabi ng pasyente ko nagising ako ng mga bandang 1:30am dahil may pumasok sa kwarto at ang pumasok na yon ay si Dr. Willie. kasama nya ang dalawang apo ng pasyente para dumalaw. so ako naman ay tumayo at nagpaalam sa mga dumalaw. sinabi ko din na nasa maayos na yung lola nila sabay tumango nalang ang dalawang dumalaw ng nakangiti. sabay nagpaalam na rin ako kay Dr. Willie na mag-o-off na ako para umuwi na.

FF. March 16 yon at maaga akong pumasok, mga around 3am yon. so malamig at madilim pa. wala pang mga ilaw. nang makarating ako sa ospital nakita ko ang guard bago ako pumasok. kaya binati ko at binati din naman nya ko. "good morning ma'am. ang aga nyo naman po ata?" sabi nya tas um-oo nalang ako pagpasok ko ng gate palang ay may naaninagan na ako na hugis ng tao sa sulok pero di ko na pinansin dumire-diretso na ko para makapasok na, na may halong kaba. pumasok na ko sa elevator at pinindot na ang button sa 8th floor. nang umandar na ang elevator ay huminto ito sa 3rd floor. nung bumukas ang elevator ay wala namang tao. so it means wala talagang pumindot sa 3rd floor. agad na nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng silipin ko ang labas na walang tao. nagtaka ako bakit bumukas pa sa 3rd floor ng wala namang pumipindot don. sinarado ko na ang elevator. hanggang sa nakarating na nga ako ng 8th floor agad na kong nagtungo sa kwarto ng pasyente ko para silipin. pagpasok ko nakatingin sya sakin gising pa siya kaya tinanong ko kung bakit gising pa sya. sabi nya di daw sya makatulog kasi pag nakakatulog na daw sya ay bigla din syang nagigising pag naramdaman na may papasok sa kwarto nya pero wala namang tao. kaya di nalang daw sya natulog. so ako naman pinakalma nalang sya "huwag mo ng isipin yun, hangin lang po yun. pahinga na po kayo. puyat na po kayo eh" sabay ngumiti nalang sya at sabi ng "salamat" hanggang ng nakatulog na nga sya. magsi-cr na sana ako. pumunta ako sa cr pero palapit palang ako nang bigla kong narining na bumukas yung tubig. so akala ko may tao na rin don dahil mga 4:30am na non. pumasok na ako sa girls restroom at tinignan ko kung may tao pero sh*t nataranta ako napalabas kaagad ako ng wala akong makita sa loob at walang bakas na may nagbukas talaga ng tubig. so ang ginawa ko lumabas nalang muna ako para magpalamig. nagpatimpla muna ako ng kape sa labas at nagkape ako na malapit lang ako sa guard.

FF. Tapos na kong magkape kaya naman bumalik na ako sa loob. hanggang sa wala na akong naramdaman nun. mga 5am na rin kasi non. wala na kong naramdaman hanggang sa mag-off na ko. 8am lang ako nag-off. nang lumabas na ako sa hospital nagpaalam na rin ako sa guard.

FF. Kinabukasan naman pagpasok ko ng maaga ay naglinis ako ng kama sa isang kwarto sa 2nd floor. nang may maaninag ako sa katabi ng nililinis kong kama sa ilalim na akala ko talaga may gumagapang. aninag na aninag ko pero paglingon ko wala naman. di ko na lang pinansin yun. so nung natapos ko ng maglinis, aalis na sana ako sa 2nd floor ng akala ko may naglalakad sa labas ng pinto. so ako kinabahan na pero nilakasan ko na loob ko na lumabas kaagad. pero wala na talaga akong nakitang tao.

Hanggang dito nalang ulit mga readers. bukas ko na ulit itutuloy ang kasunod. salamat sa mga patuloy na sumusubaybay. magtanong lang po kayo ng mga hindi nyo maintindihan at sasagutin ko hehe.

PS. Masyado na rin pong mahaba mga experiences ko dun tsaka kaya di ko na rin po masyadong mahabaan kasi gabi na rin po.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon