Cubicle

417 17 0
                                    


Matagal na po akong silent reader dito sa page na ito at nagkaroon ako ng urge na mag-share dahil na-e-excite ako sa mga responses ng ibang readers and kaba at the same time. So ito na nga po.

Papunta kami sa cr ng bestfriend ko na si Elsa, na malapit sa registrar, hindi nya totoong pangalan, kasi hindi nya daw maintindihan yung tiyan niya kung natatae ba (haha sorry sa kumakain diyan kung meron man) or nauutot lang, kabag or kung ano pa mang nararamdaman sa tiyan so inaya niya ako sa cr. Lumapit siya sa cubicle, trono niya kung saan palagi siyang naroroon kapag pinupuntahan namin ung cr na ito. Katok ng katok si Elsa sa pinto ng cubicle na yon, pero walang sumasagot. Kung anu-ano na ang sinasabi namin don na baka ni-locked ng janitor kasi off limits, chubachuba, tapos ang lalakas pa ng boses namin, Kami lang kasi ang nandon sa cr. Naisip ko, dapat sumingit na sa usapan ung taong nasa loob ng cubicle na "Ate, may tao po dito." pero wala e. So, kumatok uli si Elsa sa cubicle na yon at nagtanong kung may tao ba, sumagot naman agad in a low kid's voice saying, "Meron po." sa isip ko, parang umiire pa ang bata kasi nahihirapan siyang magsalita. Then, nahiya naman kami ni Elsa ng kaunti kasi sobrang lakas na ng pag-uusap namin sa cr. as in umaalingawngaw na boses namin sa buong sulok ng banyo. So, lumayo kami ng kaunti sa cubicle na yon. Habang naghihintay kami na makatapos yung bata, nagkukwentuhan na kami sa gawi ng salamin, medyo may kalayuan sa cubicle na pinaghihintay ni Elsa. (yes, may ilan pang cubicle sa cr na yon. mga 2 pa naman ang bukas don pero ewan ko ba kay Elsa kung ba't nagtitiis sa iisang cubicle na hindi naman matapos-tapos yung nandon. maselan din eh) E di ayun nga po, nalibang kami sa pagkukwentuhan tungkol sa kanya-kanyang kaganapan sa room namin pati ng room ng iba naming katropa hanggang sa natahimik nalang si Elsa bigla, "Ang tagal naman non." bulong nya sakin. Tumahimik na din ako, pinagmasdan at pinakinggan yung kabuuan ng cr. Silence lang naman. Walang ingay na nanggagaling don sa cubicle na yon. Hanggang sa naglakas loob akong silipin yung cubicle. Nung una nagtaka ako kasi walang paa. Dapat unang kita palang sa cubicle, may paa na agad tapos pantalon tas underwear, pero dito walang paa. Napatayo ako bigla, napatingin kay Elsa. Kung anu-ano na ang naiisip ko that time.

"Walang paa." bulong ko kay Elsa maya-maya, habang kinikilabutan ako. "Baka naman nakaapak lang yung bata sa upuan ng bowl." bulong ni Elsa, alam kong biglang kinabahan si Elsa kasi nag-iba yung expression niya nung sinabi kong walang paa. "Hayaan mo na muna. Hintayin muna natin. Kaya ko pa namang pigilin ito." pagkumbinsi sakin ni Elsa.

So ayun, kwentuhan na ulit ang naganap (pasensya na kung masyadong detailed ang pagkukwento hahaha para ma-feel nyo din yung kaba na naramdaman ko that time. charot!) pero habang nagkukwento siya about sa jowa niya, hindi pa rin ako mapalagay sa nakita ko don sa cubicle na yon. May nagsalita kasi kanina tapos nung sinilip ko, wala namang paa. Habang nagsasalita pa din si Elsa, sumilip uli ako, this time, sisilipin ko yung upuan ng bowl para makita ko kung talagang may tao o wala, kahit nakakakilabot itong gagawin ko, ginawa ko. Habang sinisilip ko yung ilalim, mula sa malayo, nakasilip din sa itaas si Elsa para makita niya kung may ulo. Sabay kami sumilip. To the point na nakadikit na ung isang side ng pisngi ko sa tiles para lang masilip ko hanggang upuan ng bowl, pero mas lalo akong kinilabutan nung nakita kong wala namang paa na nakatungtong sa bowl na sinasabi ni Elsa or taong nakaupo don sa cubicle. Sabay na pagpasok sa utak ko na may sumagot naman kanina. Bigla akong napatayo, sabay kaming nagkatinginan ni Elsa. Nauna akong nagsalita na "walang tao". Wala namang boses na lumabas sa bibig ko pero alam kong naintindihan niya naman.

Bigla niya akong hinila palayo, papunta sa pintuan ng entrance/exit ng cr at sabi, "Uy, Pia. May tao diyan diba?" medyo may pagka-childish itong si Elsa kaya ganon nalang makipag-usap sakin pag takot hahaha. Sabi ko naman, "Wala ngang tao! May nagsalita nga pero walang paa. Unang silip palang!" "Sabi pa nga non, 'meron po' eh. Bakit wala?" sabi niya, ginaya niya pa yung tono at accent nung nagsalita kanina. "May nakita ka bang ulo?" binalik kong tanong sa kanya. Sandali kaming natahimik. Bumalik siya ng tingin sa cubicle. Hinawakan nya ko sa pulso, sabay hila, "Tara na nga. Baka biglang buksan yung pinto eh." natawa naman ako ng kaunti sa sinabi nya. "Kakapanood mo ng horror, ayan tuloy" at pabilisan kaming lumabas sa cr, paakyat sa 3rd floor, papuntang classroom namin.

Yun lang naman po. Ito yung first day of school namin bilang grade 12 students na hindi ko makakalimutan. Marami pa pong kababalaghan sa school namin pero hindi naman ako naniniwala sa kwento-kwento ng mga teachers dito. Interested lang ako makinig sa kankla kasi love ko ang horror movies and stories pero nung ako na mismo naka-encounter, naniniwala na ako na may kababalaghan sa bawat parte ng school namin. Lahat naman po yata ng schools diba? Sana na-enjoy nyo po.

Babyblink18

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon