Tatlong istorya lamang po

296 11 0
                                    


Hi Admin Chai. Hello mga ka-Spookifiers! Ako po pala si Shy. At ako po pala yung nagpadala ng story about kay Auntie V. Salamat daw sa mga comments nyo about her at salamat Admin Chai sa pag-post ng istorya ng auntie ko. Kaunting update lang doon sa kwento ni Auntie V. Kahit sa ginawa noon ni Angie sa kanya, binibisita pa rin ni Auntie V ang puntod ng kanyang close friend. Saksi ako doon kasi nagtatrabaho ako ngayon as Office Staff sa Health and Wellness ni Auntie V since 2015.

Itong storya na ito ay kwento naman ng lolo ko. Bisaya po kami at dito sa lugar ng lolo ko ay marami talagang mga kakatwang mga bagay ang mahirap na maipaliwanag. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang iilan sa mga kwento na nagpahindik sa akin hanggang sa ngayon. Tatlong istorya lamang po.

PS: Guys, kung ayaw ninyong maniwala, nirerespeto ko kayo pero sana respetuhin nyo din ang kwento na ibabahagi ko sa inyo. Hindi ko na lang babanggatin ang eksaktong lugar at magpahanggang sa ngayon ay dinadayo ito ng mga turista. Somewhere in Southern Mindanao.

1. Sa Ugoy ng Duyan

Binata pa ang lolo ko nito ng mangyari ito. Sa lugar ng lolo ko ay hindi pa nauso ang kuryente. Bale ang gamit lang nila noon ay gasera. Isang gabi, hindi makatulog ang lolo ko dahil sa maalinsangan na panahon. Dahil may duyan sila sa labas ng bahay nila, naisipan nyang doon nalang matulog. Habang mahimbing ang pagkakatulog ni lolo, naalimpungatan siya dahil may parang dumuduyan daw sa kanya. Para daw siyang sanggol na inuugoy. Kaya nagising si lolo. Pagkagising nya, grabe ang sindak nya sa nakita nya. Isang pari na walang ulo. Kaya ang ginawa ni lolo ay pumikit at nagdasal ng latin. (tinuruan siya ng kanyang ama noon na isang albularyo). Kaya noong pagdilat nya ay nawala na ito at dali-dali na siyang pumunta sa kwarto nya at nagdasal muli.

2. Tatlong Bato at Dasal

Sa lugar ni Lolo ang pangunahing hanapbuhay nila doon ay pangigisda, Sabi kasi ni Lolo sa amin na tuwing gabi daw siya nangingisda kasi sa gabi daw talaga sila lumalabas at presko daw ang hangin. Ayon na, habang nangingisda si Lolo doon na siya sa medyo malayong parte ng dagat ay may napansin siyang malaking apoy na bola. Napakalikot daw noon. At sa hindi inaasahan ay bigla na lang daw itong nag-dive sa ilalim ng tubig at bigla na lang daw itong naging malaking ahas. Napakaling ahas daw talaga. (Kahit ako natatawa dito kasi hindi ako naniniwala pero kung si Lolo talaga ang magkukwento ay totoo talaga dahil siya ay may third eye at isa din syang mangagamot). Araw-araw ay may bitbit talaga na tatlong bato si Lolo at inilalagay nya ito sa kanyang bulsa. Kulay dilaw at berde daw ang ahas na yun at sobrang haba daw talaga. Sobrang kabado daw si Lolo noon at sa isipan nya ay pinaglalaruan siya ng kung ano mang elementong yun. Ang ginawa ni Lolo ay kinuha ang tatlong bato na nasa bulsa nya at tapos noon ay nagdasal na naman siya ng latin prayer at hinagis sa dagat. Maya-maya pa daw ay may isang babae ang sumigaw. Sabi ni lolo yung apoy na bola at ahas na malaki ay iisa. At yung babaeng sumigaw daw ay isang elemento ng dagat. Naniniwala si lolo na yun ay isang Sirena. Kaya, dali-daling umuwi si Lolo at nagdasal ulit at naghagis ng bato na sana di siya sundan ng elemento ng dagat. Nung nangyari yun, di na daw makakuha ng maraming isda si lolo kumpara sa mga kasamahan nya minsan daw wala daw talaga siyang makuha na isda.

3. Tulay

Isang gabi, sabi ni lolo na bilog daw ang buwan noon. habang naglalakad si lolo pauwi sa kanilang bahay. (wala pang kuryente noon at tanging gasera lang ang ilaw sa kanilang bayan noon.) Naramdaman nya na may sumusunod daw sa kanya. Habang naglalakad si lolo, kumuha siya ng tatlong bato dahil hindi daw maganda ang pakiramdam nya noon kasi di nya maaninag ang anino nito pero kung maglalakad daw siya ay parang may sumasabay daw talaga sa kanya. Malamig ang hangin noon at tanging gasera lang ang kasama ni lolo maglakad. Minalas lang si lolo kasi malapit ng maubusan ng gas ang gasera nya kaya dali-dali na siyang naglakad. Maya-maya pa ay namatay na ang gasera. Sobrang dilim daw talaga sa tulay na yun. Mataas ang tulay at nasa kalagitnaan pa daw siya. Kaya, nagpatuloy pa rin si lolo maglakad pauwi. Sa  paglalakad ni lolo ay may kumalabit daw sa kanya at napalamig daw ng kamay nito. Hindi nagpatinag si lolo at nagdasal na naman ng latin prayer at akmang patalikod pero wala daw siyang makita kaya nung pagharap ni lolo, tumambad sa kanya ang isang babae. Parang bruha daw ang dating nito. At nanlilisik ang mga mata. Naglalaway, mahaba ang mga kuko at nakalutang. Nakita nya ang itsura nito kasi napakalapit na daw sa mukha ng lolo ko. Kaya si lolo, lumuhod at nagdasal ng latin. Yung bato inihagis nya sa tulay at biglang nawala na daw ang babae. Kaya't takbo ng takbo si lolo hanggang sa makarating siya sa bahay.

Yung tulay na yun ay marami na ang nagimbal at pinagpakitaan doon. Isa na doon ang anak ni lolo. Na-feature na po yun dati ang title ay "Babaeng Nakayuko".

Salamat sa pagbabasa guys! At salamat Admin Chai. Sana nagustuhan ninyo ang kwento ng lolo ko.

God Bless Us All!

- Shy

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon