Store

279 8 0
                                    


Hello spookify, magandang gabi sa lahat ng readers dito, this is my first time to share my story dito sa page nato at sa inyong lahat, suddenly di talaga ako nagse-share ng mga ganitong istorya pero parang may pumupukaw sa sarili ko na ikuwento ko na ito sa inyo. Ako nga pala si M as in M lang talaga. Nung araw na buntis ang asawa ko dali-dali akong naghanap non ng trabaho, kaso di ako natatanggap nung mga panahong yon dahil kailangan ng experience or dapat siguro may backer ka para matanggap ka, halos mabaliw ako sa kakahanap ng trabaho dahil dalawang buwan nalang manganganak na ang asawa ko. Isang araw kinausap ako ng lola ko. "Apo subukan mong puntahan si Li** hiring daw sila don baka makapasok ka" syempre ako ni-try ko (pasensya na di ko na ilalabas ang tunay nyang pangalan) kinagabihan pinuntahan ko si Ate Li** para masabihan ko na kung anong oras ako pupunta, sabi nya "punta ka M mga 8am ng umaga" sabi ko "sige po Ate, salamat po" kinaumagahan (by the way guys yung date pala nito MAY 14, 2018 hanggang ngayong OCTOBER 3, 2018) nung pumunta ako sa store na itago nalang natin sa pangalang "BAKING" yung binanggit ko na date yun yung araw na nararamdaman at nakikita ko sya hanggang ngayon. Anyway, guys itutuloy ko na yung kwento, nung kinaumagahan pumunta na ako sa office nila para mag-apply, laking tuwa ko naman at ako ay natanggap bilang Store Staff. Sobrang saya ko kasi bago manganak ang asawa ko ay meron na akong trabaho, unang deploy sakin ay inilagay ako sa branch nila sa Pasig, sa SM di ko na sasabihin kung anong SM. Soft opening palang ng branch nila nun kaya dali-dali kaming nag-ayos ng mga items para ma-display na dahil 2 days before mag-o-open na ang store. Nung mga araw na nag-a-ayos kami may naikwento sakin si Ate Madel na nung araw na wala pa ako don ay lagi daw may nalalaglag na item banda sa likod banda sa mga party needs, pero syempre ako di na nagtaka wala naman kasi talaga akong paki sa mga ganung istorya hahaha, tas kinuwento din nya na namutla daw yung isa naming kasama nun at nag-resign daw dahil di kinaya yung mga nangyayari nung araw na ginagawa pa ang branch don, usually yung mga tenant sa SM puro naka-glass, kaya pag ginagawa yung bawat tenant don may mga nakadikit na papel or cartolina sa glass para di makita yung loob or minsan yung iba tarpoline pa. Balik tayo sa kwento, nung kinuwento nya sakin yon bigla akong nagtaka, "bakit sya nag-resign Ate? sinayang nya lang yung trabaho", sabi lang ni ate "Ano ka ba beh, nakakatakot talaga dito lalo na pag 8am ako palang dito nag-iisa, tahimik pa dito kasi 9am pa nag-o-open ang SM", ang sambit ko nalang "Ahh" kasi guys wala naman talaga akong paki. So nung natapos nayung araw na palugit bago kami mag open dun na nag simula ang aking mga karanasan. Nung first day ko sa trabaho nasasaksihan ko mismo sa king mga mata na may nalalaglag nga na item banda sa party needs pero di ko ininda yon kasi parang normal lang naman yon. Pero nung nag-opening schedule ako dito na ko kinabahan, usually pag opening ka dapat maaga ka makarating lalo na kung manggagaling ka sa QC, e di ako 6am palang ng umaga bumibyahe na ako kasi traffic banda sa Kamuning tsaka sa Cubao. Nung nakarating na ako sa SM mga 7:30am yon sobrang aga ko, sobrang dilim sa loob ng SM, ganun pala itsura pag di pa nag-o-open. Yung tanging ilaw lang is yung mga pilot light na di gaanong kaliwanag. Nung umakyat na ako sa 2nd floor para mapuntahan ko na yung store pakiramdam ko na parang may batang nakatingin banda sa gilid ng aking mga mata, yung kahit naglalakad ka parang sumusunod sya sayo, nung una ayaw ko munang pumasok sa store pero kailangan kasi magagalit yung mga guard pag may nakitang naglilibot or nakatambay sa loob. Kaya dali-dali kong kinuha yung susi sa bag ko. Pagpasok na pagpasok ko nakaramdam na ako ng lamig as in parang lamig ng aircon usually kasi nakapatay pa mga aircon ng ganung oras sa SM, binubuksan lang kasi yon pag 30mins bago mag-open yung mall, so ako kinabahan as in sobrang kaba, parang ayokong pumasok sa store pero pinilit ko kasi bawal nga ang tambay sa labas. Pagpasok ko kinuha ko yung walis, medyo madilim dahil pilot light lang ang ilaw, bawal pa kasi magbukas ng ilaw hangga't di nag-o-open ang mall, so ako nagwalis na pagpunta na pagpunta ko sa party needs ang dami nakalaglag na item mga balloons, balloon pump, halos lahat ng klase ng lobo yata nakalaglag, ako syempre inayos ko kahit pinagpapawisan na ako sa kaba. Habang inaayos ko yon biglang may nalaglag banda sa harap so pinuntahan ko yon pagkakita ko may nalaglag na dalawang marshmallows di ko talaga alam ba't malalaglag yon. Kinakabahan na ako nung araw na yon. Pakiramdam ko talaga may bata na nakabantay sakin, batang babae. Nung nag-open na ang mall at dumating na ang isa kong kasama di ko nalang sa kanya kinuwento kasi baka di rin maniwala dahil ganun din ako nung una wala kong paki, kinabukasan ganun din whole day ako nun bale alam ko kung may manti-trip or wala dahil hanggang closing ako nun alam ko na walang nalaglag na item bago kami mag-out bale kinabukasan pagpasok ko, madami na namang nakalaglag na item. So di ko na kinaya nag-awol ako nun mga isang buwan siguro dahil di ako nakapagpaalam ng maayos dahil sa kaba. So nag-decide ako na bumalik after a month pagbalik ko nagpasalamat ako syempre dahil tinanggap pa din ako, sa panahong yon sa Eastwood branch naman ako in-assign. Bale dumaan muna akong office para masundo ko mga kasabay ko dahil di nila alam papunta don. So eto na siguro sa loob ng isang linggo masaya naman don sa branch na yon wala namang kakaiba, pero makalipas ang dalawang linggo closing schedule ako 11pm ang out namin don. So tatlo nalang kami nun ako si Marc si Ate Niña, nung gabing yon nagbibilang na kami ng sales namin para makauwi na dahil anong oras na. Habang nagsusulat ako ng daily sales namin. Kitang-kita ng dalawang mata ko mismo sa harap ko as in! May malaking lalaking nakatayo as in naka-suit and tie sya walang buhok, walang tainga, wala yung isang buong braso nya, duguan pa sya. Halos pinagpawisan at natulala ako nung gabing yon dahil akala ko sya lang, akala ko sya lang ang makikita ko pero yung bata na nakita ko sa SM nandun pa rin sya sa mga party needs sa dulo kitang-kita ko silang dalawa dahil tanaw sa harap yung mga party needs sa dulo, di ko na maigalaw ang mga kamay ko dahil kabang-kaba na ako hanggang sa sinigawan ako ng kasama ko, "Hoy M bilisan mo na, anong oras na"  sabi ko nalang "wait lang Ate Niña, may nakita kasi ako" "anong nakita mo?" "Isang lalaking naka-suit and tie pati yung bata dun sa dulo" gulat na gulat silang dalawa dahil nakakaramdam na din pala sila ng kakaiba, nagtakbuhan kami palabas ng store dahil sa sobrang takot namin, nauna pa kaming dalawang lalaki tumakbo kesa sa babae haha, pero as in kabadong-kabado kami pero hinatak ko si Marc dahil tatapusin pa namin yung sales namin. Halos araw-araw ko ng nakikita yung bata, hanggang isang araw na day-off ko. nagkwento sakin sila Marc nung pumasok na ako after ng day-off ko. "M, si Niña gagi kagabi nakita nya yung bata" "ako din naman araw-araw pa nga eh" ang kwento nya sakin nun may pumasok daw na huling customer na may kasamang bata na nakahawak sa nanay nya yung babae dumiretso daw sa likod kasama yung bata at yung asawa nyang lalaki naiwan daw sa harap, nung bumalik na yung babae nagtanong daw si Ate Niña sabi nya, "Ma'am saan po yung kasama nyong bata?", sagot nung babae "hala miss, huwag ganyan ha!", sabi ni Ate Niña "Ma'am may kasama po kayong bata nakahawak pa po sa kamay nyo nakaputi pa nga po di ko lang napansin yung mukha", sabi ng babae, "hala miss, huwag ganyan ha! wala kaming kasamang batang babae." Lahat daw sila non kinabahan na pati yung customer. Kinabukasan nilagnat si Ate Niña or tinrangkaso ewan ko basta 1 week syang naka-leave. So ako na muna pansamantala nag-manage ng store. Nung kinuwento sakin yon halos kabang-kaba ako. Di ko alam kung magre-resign ba ako o hindi dahil may binubuhay akong anak. Mas pinili kong magtrabaho kesa mapangunahan ng takot. Ganun pa din yung scenario, araw-araw ko syang nakikita, yung batang babae banda sa likod. Hanggang sa nasanay nalang ako. Hanggang dito nalang po pasensya na po medyo mahaba, huwag po kayong mag-alala mamaya pagpasok nyo ng cr at paglabas nyo nasa labas na sya ng pinto or kurtina ng cr nyo!

Mr. Emskie
Quezon city

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon