Hi! Ako nga po pala si Darlene, labing-siyam na taong gulang na. Nais ko lang po sanang ibahagi ang kwento ko. Hindi ito gawa-gawa lang, totoong nangyari lahat ng ito. Nais ko lang malaman ang mga komento nyo.Limang-taong gulang na ako nung nagsilang si mama ng pang-apat naming kapatid. Sanggol pa lang makikita mo na sa kanya ang mala-anghel niyang itsura na hindi magbabago kahit magdalaga pa siya. Maganda, 'pinkish', may katangkaran at malusog siya nung isilang nung buwan ng Mayo taong 2002. Hindi ko pa nakakalimutan lahat ng mga pangyayari noon kahit bata pa ako. May kasabihan nga "pag bata madalas makakita".
Mag-limang buwan na ang nakakalipas ng ipanganak si "Ganda" yun ang tawag ko sa kanya, pinabantayan muna siya sa akin ni mama kasi nagluluto siya ng pananghalian. Hindi muna ako sumunod sa utos ni mama, imbes na bantayan ko ang kapatid ko pumunta ako sa hapagkainan at naglaro ng manika ko. Ganun na lang ang gulat ko ng may makita akong matandang babae sa duyan ni Ganda kung saan mahimbing na natutulog ito. Hindi ko muna ito pinansin, pero mga ilang saglit lang umiyak si Ganda. Tinawag ako ni mama, "bakit mo kinurot ang kapatid mo?" sigaw niya. "Ako?, hindi po, nasa kusina lang ako." sagot ko naman. Pagsapit ng gabi, magkakatabi kaming matulog ako ang nasa likuran ni mama, si Kuya naman sa likuran ko at nagigitnaan nila mama at papa si Ganda. Hindi ko alam kung anong oras na ba yun, pero tanda ko pa rin ang pangyayari. May matandang babae ang lumapit at binuhat si Ganda sabay biglang bagsak at napunta ito sa ilalalim ng papag na hinihigaan namin. Laking gulat ko ng tumingin ito sa gawi ko. buti nalang nakatalukbong ako ng kumot, di ko alam kung napansin niya ako. Umiyak ng umiyak si Ganda nun, nagising sila mama at gulat na gulat ng makita ang si Ganda sa ilalim ng papag.
November 2, 2002 dinala si Ganda sa hospital dahil sa mataas na lagnat nito na hindi pa gumagaling. Na-diagnose siya sa sakit na "Meningitis". Nobyembre 4, dalawang araw na silang di umuuwi sa bahay, dalawang araw na din kami ni kuya at isa ko pang kapatid na lalaki sa bahay ng Tita ko na kaharap lang ng bahay namin. Gabi na nung nagyaya kaming magpipinsan na pumunta sa bahay. Ako, Kuya, Ate K , Ate Vek, Ate Kulot, kami-kami ang magkakasama. Pagtungtong palang sa pintuan ng bahay ng bigla itong bumukas, "Di ba ni-locked ito ng papa nyo?" sabi ni Ate K, nakatingin lang ako sa kanila nun. Pumasok na kami at pumunta sa may hapagkainan ng biglang bumukas naman ang bintana dun, nakatungtong ako sa lamesa nun , bigla na lang nagsitakbuhan silang lahat palabas at naiwan akong mag-isa. Lumitaw sa bintana ang isang batang babae, suot niya ang paborito kong bestidang puti at nakangiti siyang humarap sa akin. "Bye bye Ate Darlene" sabi niya habang kumakaway, nagliliwanag siya at biglang nawala. Doon na ako umiyak sa takot. Maya-maya dumating si Papa at nadatnan akong umiiyak sa may lamesa, gulat akong napatingin sa labas dahil sa mga pinsan kong nagsisiiyakan din. Karga-karga ako ni papa palabas ng nakita ko si "Ganda" na nasa kabaong at natutulog. Umiyak lang ako ng umiyak . Narinig ko pa ang ilang usapan nila mama at Tita . "Maayos na siya kaninang tanghali, pwede na ngang i-discharge siya eh" sabi ni mama . "Pero bigla nalang sinabi ng doctor na 50/50 na siya" pagpapatuloy niya sa kuwento niya habang umiiyak. "At ngayong gabi lang, binawian na siya ng buhay".
Sampung taon na ako ng maalala ko ulit ang pangyayaring iyon ng makita ko ang larawan ni Ganda na wala na sa ayos ang mukha . Bigla kong sinabi kay mama "Ma, nung nasa Manila pa tayo, yung maliit na matandang babae, siya yung kumurot kay Ganda, ihinulog niya pa si Ganda sa papag eh" gulat si Mamang nakatingin sa akin. "Bakit di mo sinabi na nakita mo pala yon? nagpa-albularyo kami at lahat ng sinabi mo ngayon tugmang-tugma sa sinabi ng albularyo, ikaw ba nakakakita ka?" pasigaw na sabi ni mama. "Hindi ko alam, pero Ma, natatandaan ko pa paano siya napaalam sa akin" dagdag ko.
Ikinuwento naman sa akin ni mama na yung matandang iyon ay ang nanay ng Lola ko at Lola na din ni Mama. Patay na yun, nung mga panahong nakita ko ito, gusto daw nito magkaroon ng apong makakasama niya kung nasaan man siya ngayon, at si Ganda ang gusto niya.
Pasenya na kung medyo mahaba Pag na-i-post po ito may ikukwento pa po ako tungkol naman sa bunso naming kapatid. Madami pong kababalaghan na nangyayari sa buhay namin.
-Darlene, Samar
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree