Clark Airbase Hospital

242 6 4
                                    


Hi spookifiers. Im Yuna, sender nung story ng 'A Restaurant in QC' just wanna share this creepy story of my friend happened last year.

Nagkaroon kami ng outing ng mga college friends ko sa Masasa Beach sa Batangas nitong August lang.
Nakilala ko si Kuya Mon, bagong kaibigan at katrabaho nung bestfriend ko na isinama nila sa outing namin. 2 days din kaming nag-stay sa lugar kaya nagkaroon kami ng kwentuhan ng aming mga kakaibang experiences. Naikwento ko sa kanila yung mga katakot-takot na experiences ko sa store, then nung nag-share na si Kuya Mon ng experience nya, halos hindi kami makatulog that night sa takot. Last year nangyari, exactly month of November. Sumama daw noon si Kuya Mon sa friend nya na taga Angeles, Pampanga para mag-celebrate ng all soul's day since taga Mindanao si Kuya Mon at nandoon lahat ng kamag-anak nya at mga yumao nilang pamilya kaya sumama nalang sya sa friend nya. November 3, 4pm daw noon ng magyaya si Kris (friend ni Kuya Mon) na mag-bike malapit sa Airbase dahil malawak, wala masyadong nadaan at madami ding nagba-bike daw sa lugar na yon. Kasama nila yung dalawa pang pinsan ni Kris, nang mapadaan sila sa abandonadong hospital ng Clark, hindi daw alam ni Kuya Mon kung talagang minalas sila that day dahil bigla nalang daw bumuhos ang malakas na ulan, kaya no choice sila kundi huminto muna at magpatila sa tapat mismo nung hospital sa may main entrance. Madamo sa paligid at mapanghi daw kaya hindi komportable si Kuya Mon lalo na't padilim na ng mga oras na yun, 5pm nandoon na sila sa hospital at talagang galit na galit ang panahon sa lakas ng ulan. Kitang-kita na din daw ni Kuya Mon mula sa labas yung lobby ng hospital, nagtayuan daw talaga ang balahibo niya non kasi you can't see them daw pero you can totally feel their presence. Ang eerie ng pakiramdam niya to the point na bigla na lang daw siyang nakaramdam ng pagpuno ng pantog nya. Imbis na pakalmahin pa sya tinakot pa daw sya ng pinsan ni Kris na si Andy.

(Non-verbatim)
Andy: Naku kuya! Risky kapag umihi ka dito, baka mamaya manuno ka o kaya may magalit na nilalang sayo, ikaw din.
Kris: Huwag mo na ngang takutin si Mon, ihing-ihi na yung tao eh.
Mon: samahan nyo nalang ako kahit diyan lang sa gilid sobrang ihing-ihi na talaga ako hndi ko din alam bakit biglang ganun eh usually naman napipigilan ko pa.
Kris: Sige na Andy samahan mo na sya diyan sa gilid tapos patusin na natin itong ulan at baka abutan pa tayo ng sobrang dilim dito hindi na tayo makauwi ng matino pa ang isip.

Hindi na daw pinansin ni Kuya Mon yung sinabi ni Kris kasi para na daw nasaksak na puson nya sa sobrang sakit ng pantog nya. Sinamahan siya ni Andy sa gilid ng ospital na may madamo at mapanghing amoy hindi sila pumasok sa loob pero kita niya yung lobby ng loob. Habang naihi, nakarinig ng mga echo si kuya sa loob pero hindi niya ulit pinansin at patuloy na umihi, hanggang sa palakas daw ng palakas yung echo ng footsteps na parang papalapit ng papalapit sa pwesto nila dun na daw nanginig sa takot si kuya kaya kahit may gapatak pa ang ihi nya hindi na niya tinapos at niyaya si Andy na bumalik sa pwesto nila Kris. Nakauwi na daw sila non ng bigla daw siyang makaramdam ng pananakit ng bandang leeg at balikat sabay ng pagkangawit ng likod nya.
Si Andy naman daw nilagnat at ang sabi pa ng kapatid nito na kasama daw nila mag-bike, may third eye daw si Andy at malamang daw na nakakita ito sa abandonadong ospital kanina kaya sya nilagnat. Hindi na din daw nila nakausap si Andy that time dahil talagang tulog ito sa sama ng pakiramdam.

November 4 ng bumalik ng Manila sila Kuya Mon para bumalik sa trabaho kinabukasan. Hindi daw maipaliwanag ni Kuya Mon yung biglang pagkangawit ng leeg nya at pagsakit ng balikat, inisip nalang daw nya na baka nagkaroon sya ng stiff neck sa biyahe. Ilang days ang nakalipas pero parang wala pa din daw nagbabago sa sakit at ngalay na nararamdaman nya, nagpa-check up na daw sya sa tatlong magkakaibang hospital sa Manila at QC pero wala naman daw nakitang iba ang doctor, pinayuhan lang syang mag-exercise at huwag mag-stay sa iisang pwesto kapag natutulog para maiwasan ang pagkangalay nya at stiff neck. Weeks ang lumipas na halos hindi na daw sya makabangon dahil sa ngalay at sakit ng leeg at balikat. Um-absent sya sa trabaho nya para humilata dahil kapag tumatayo sya ay ramdam na ramdam daw nya yung ngalay. Tumawag sya sa mudra nya sa Mindanao para ipaalam yung sakit na nararamdaman nya, sinunod naman nya yung ni-suggest nito na magdurog ng luya at ilagay sa katcha (yung tela na magaspang na sako ng harina) tapos ilagay daw sa parte ng katawan nya na masakit. Ginawa ito ni Kuya Mon, uminit lang daw yung part na may katcha pero di pa din nawawala ang ngalay, kaya napagdesisyunan nyang gawin yung pangalawang suggestion ng mudra nya, ang magpa-albularyo.

Nagpasama siya kay Kris na pumunta sa isang kilalang albularyo sa QC.
Kinilabutan na kami sa part na ito ng storya ni Kuya Mon. May ginawang orasyon daw nun yung albularyo tapos last part is yung bond paper ininit sa apoy ng kandila pero hindi ung tipong susunugin buong papel, nagkaroon ng image ng usok sa papel, una di daw maintindihan ni Kuya Mon yung lumabas sa papel, nakita daw nung albolaryo si Kuya Mon sa imahe, the creepiest thing is meron syang kasama at nakakapit sa kanya, kaya nananakit ang leeg balikat at nangangalay ang likod nya ay dahil nakasabit ang babae sa likod nya. Sorry guys di ko ma-i-describe paano pero imagine-nin nyo nalang yung girlfriend nyo nakayakap sa leeg nyo sa likod tapos ung dalawang paa nya naka-cross na nakayakap sa hips para makasabit sya ng maayos. Ganon yung description ni Kuya Mon, naghanap pa sya ng picture ng magjowa na ganon ang style.
Mangilid-ngilid ang luha ni Kuya Mon sa takot ng ikwento niya yon. Kako sa sarili ko, akala ko worst scenario na yung na-experienced ko sa store, may mas malala pa pala. So after ipakita sa kanila yung imahe may ginawa ulit na orasyon yung albolaryo kumuha sya ng maliit na bote at naglagay ng hilaw na itlog sa loob tapos sinunog yung papel at nilagay sa loob. Sabi ng albularyo bumalik daw si Kuya Mon sa Airbase ospital para ibaon yung bote na iyon sa lupa malapit sa pinag-ihian niya (hindi daw nagbanggit sila Kuya Mon sa albularyo kung saan sila huling nagpunta kaya kinilabutan daw sila na alam ng albularyo yun pati na din ang pag-ihi nya) ang sabi pa ng albularyo ay sumama sa kanya ang kaluluwang yun na nagkaroon ng chance na makalabas sa abandonadong hospital na yun dahil sa ginawang pag-ihi ni Kuya Mon sa lugar na yun.

Kinabukasan din non, bumalik sila ni Kris sa Pampanga, pinaalam din ni Kris sa pamilya nya doon ang nangyari at dito na din nagkwento si Andy na kasalukuyang magaling na ng mga panahon na yon.

Andy: Kuya pasensya kana kung hindi kita nasabihan agad, hindi ko din naman naisip na sasama pala sayo yung babae. Kaya ako nilagnat ng araw na yon dahil nakita ko itong gumagapang mula kisame pababa ng sahig at palapit sa atin, hindi na ako nakapagsalita at ginusto ko ng mahimatay ng oras na yon. Pero nandilim nalang ang paningin ko at kinaya ko pang makauwi, pag-uwi ko saka ako inatake ng matinding pagddedeliryo. Hindi ko na din namalayan na umuwi na kayo. Actually, kakagaling ko lang ngayon.

Halos himatayin daw si Kuya Mon sa kinuwento ni Andy at sa pag-i-imagine na sa loob ng ilang araw eh kasama nya na nakasabit sa likod nya yung multong sinasabi ni Andy na gumapang pa mula kisame.
Imagine how creepy that thing is. Kahit kami na nakikinig sa kwento nya ay nagtayuan ang mga balahibo at ayun nga, hindi kami halos makatulog ng gabing yon.

Sinunod daw ni Kuya Mon yung pinagagawa ng albularyo pumunta sila ng ospital sa katirikan ng araw mga bandang 12pm para daw hindi sila masyadong mabakla sa takot. Hindi na sumama si Andy at baka may makita na naman sya.

Simula daw noon, guminhawa na ulit ang pakiramdam ni Kuya Mon, wala na daw pananakit at pangangalay sa kanya. Bumalik pa daw sya sa albularyo non para makasiguro dahil nga naman halos ayaw na niyang mag-isa sa apartment nya dahil sa nangyari.

Sinigurado naman daw nung albularyo na wala na syang kasama dahil nagawa nya ng tama yung pinagawa sa kanya pati ang taimtim na pagdarasal. Naikulong na pala nung albularyo sa loob ng bote yung multo nung ginawan nya ng orasyon si Kuya Mon kaya nung bumiyahe sila pabalik ng Pampanga ay wala na din yung sakit at ngalay na nararamdaman nya.

Simula daw noon hindi na dumayo pa si Kuya Mon sa bahay nila Kris dahil na din sa trauma. At hindi na din sya nadaan sa mga abandonadong lugar at mas lalong hindi na din daw sya naihi kung saan-saan, kahit sa mga pader daw sa kalye hindi na. Talagang maghahanap daw sya ng comfort room sa mall o sa mga fastfoods pag ihing-ihi na sya. Never again sabi ni Kuya Mon.

Dagdag ko lang, madami din daw nag-share sa kanya ng mga nakakatakot na experiences sa abandonadong hospital na yun, madami daw unusual things na nangyayari sa mga napapadaan dun. Hindi na namin pinakwento pa kasi hindi pa kami maka-move on dun sa experience nya. Parang yung nangyari sa kanya yung sa Shutter na movie. Kinaibahan lang, yung multo sa Shutter talagang nakapatong sa batok nung bida yung multo. Kay Kuya Mon kasi ala-girlfriend na makayakap e parang tuko. Ganun yung itsura.

Hanggang dito nalang ulit at sana may ma-share pa akong experience ng mga kakilala ko. Ayoko na kasing ako ang maka-exerience ng mga ganitong bagay dahil talagang suko na ako hahahaha.

Yuna
QC

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon