April 2016 11:05pm, nakatambay kaming magbabarkada sa kanto ng brgy namin si Ngipin, Payat, Itim Slam, Vapemaster at Ako (di tunay na pangalan yan huwag kayo!) So yun nga dahil mahilig kaming mag-stroll tuwing gabi hanggang madaling araw (lagi kasi kaming may dalang motor) Napagplanuhan naming pumunta sana ng DRT, di ito g na g mga kuya mo. Angkas ko si Ngipin, magkakasama naman si Payat, Itim, Slam at mag-isa lang si Vapemaster. Papasok na kami sa Tambubong, San Rafael Bulacan, sabihin na nating may pagka-angas kami sa pagmamaneho kaya nag-uunahan kaming magbabarkada, ako yung nauuna 70-80 mph lang naman yung andar nung motor at kasunod ko lang si Vapemaster habang medyo malayo sila Slam, Itim at Payat dahil nga tatlo sila sa motor. Eto na nga tuwang-tuwa kami dahil free way naghaharutan kami sa daan. Pagdating namin sa brgy kailangan naming magdahan-dahan or pumreno dahil kurba yung daan 30meters bago kami makapunta sa kurba napansin kong wala kaming preno so kinakabahan na ako di ko alam gagawin ko pati preno sa harap wala, pero di ko sinabi sa angkas ko dahil baka kung ano gawin niya, hindi nalang ulit ako nag silinyador para hindi na bumilis yung motor at dahil nga wala namang ibang sasakyan na dumadaan binangking ko nalang yung motor habang pabagal yung takbo, nung mabagal na kami tinesting ko yung preno nung motor okay naman na gumana na. So nagtaka ko, pero hindi ko na sinabi sa mga kasama ko baka hindi kami matuloy, so ayun may preno na ang kuya mo de yabang na naman. nanguna na naman ako pagdating namin sa subd. hindi ko matandaan kung anong subd. yun medyo madilim at mapuno dun napapreno ako bigla dahil may tumawid na pusang itim ang bilis, At ako lang yung nakapansin dun kaya pala nagtaka yung angkas ko kung bakit ako pumreno. (sabi ng iba pag daw may tumawid na ganun wag na tumuloy sa pupuntahan dahil may masamang mangyayari, pero hindi kasi ako naniniwala don) So ayun na nga gora ulit. Nagmamabilis na naman kami at nagtatawanan 70-90 meters may maliit na tulay at may nakaukit sa gilid nito na welcome to Brgy Caingin. Bago kami makarating dun may natatanaw akong apat na nakaupo sa tricycle na pang brgy yung walang bubong? Oo! Apat talaga dahil dalawang magkasunod na tricycle yon na naka-park lang sa gilid. Dalawang batang (babae at lalaki) at dalawang matandang (babae at lalaki din) napansin kong naghahabulan yung dalawang bata patawid-tawid (sa tapat kasi nung tricycle ay eskinita) yung batang lalaki naupo dun sa pangalawang tricycle at yung babae ay tumawid papuntang eskinita tas nung malapit na kami dun sa tricycle bumalik yung batang babae dun sa tricycle at dun naupo sa dalawang matanda, nung madadaanan na namin yun bigla nalang tumawid yung batang babae, dahil nga ang bilis namin nasagasaan ko yung batang babae! Oo bes yung batang babae! Hindi na ako agad nakapreno nag-wiggle kami nun tapos biglang nagtaka yung kasama ko si Ngipin, bakit daw nagbagal ako at ginagago ko daw yung pagda-drive baka daw maaksidente kami, dun na ako naluha at tinanong ko siya, tol nasagasaan ko ba kako yung bata tanong ako ng tanong sa kanya ng ganun tapos huminto kami sa gilid bago makatawid ng tulay sa "Welcome to Brgy Caingin", nagpunas ako ng luha habang tinatanong ko siya sabi ni Ngipin, ano daw bang bata basta kako yung bata, nauna yung mga kasama namin ng 10 meters dun sila huminto nakalagpas sila sa tulay at pinabalik sila ni Ngipin, tapos tinanong ko din sila nasagasaan ko ba kako yung bata? Ano daw bang bata sabi ni Slam, balikan daw namin para makita namin at masigurado. so nagkasundo kami pagbalik namin dun sa mismong tricycle kitang-kita ko yung dalawang matanda sa unahang tricycle at napakasama ng tingin sakin (naka-white dress yung dalawang babae at yung dalawang lalaki naman naka-pants at polo na white) huminto kami sa tapat mismo nung batang babae na nasagasaan ko, tinuturo ko sa kanila habang umiiyak ako ayan kako nakahiga kako yung bata "P're ano ang gagawin ko", yan ang sabi ko. tas nagtaka sila at biglang nagseryoso lahat nanggagago daw ba ako huwag daw akong manakot dahil wala naman daw tao dun sa tinuturo ko. Pinagpipilitan ko pa yung sakin, tas lumabas yung batang lalaki galing sa eskinita at pinuntahan yung batang babae, hinawakan niya yung batang babae at tumingin sakin, sabi ni Payat magsiuwi na daw kami dahil nga nananakot daw ako, so nagyayaan na nga kaming umuwi, bago kami umalis sabi nung batang lalaki sakin "Yan kasi ang bilis nyo" (sobrang laki ng boses) Tapos dun na ako natakot ng sobra nung sisibat na kami sumigaw yung batang lalaki ng "Isusumbong kita!" habang nakaturo ang hintuturo nito pataas, (yun bang gesture kapag gusto mong ma-guilty kausap mo). yung dalawang matanda na nakaupo lang sa tricycle naka-ganun din! Tangina bes! So yun na nga pauwi na kami tanong sila ng tanong sakin pero hindi daw ako sumasagot tulala daw ako habang nagmamaneho ako kinakalabit na daw ako ni Ngipin pero tulala ako. Nung nagtanong na din si Itim at Vapemaster kung ba't daw ako umiiyak sabi ko "Tol, nasagasaan ko talaga yung bata promise." Kinabahan na din sila ng sobra at namumutla na din sila, nagmabilis na si Vapemaster at sila Slam (sila driver) pero samin wala! Ayaw ng umalis sa 40 nung andar namin. Bakit daw ayaw ko sila habulin sabi ni Ngipin, sabi ko naman "Hindi P're, parang flat tayo" dahil sobrang bigat hindi na makahatak yung motor, partida segunda lang yun! Ayaw na talagang humatak kahit nagtarsera na ako. Sobrang bigat talaga parang angkas ko lahat ng tropa ko jusko. Kinabahan na din ako kung bakit ganun hanggang sa inabutan namin mga kasama namin dahil hinintay kami. Sinabi ko sa kanila na ganun nangyari kung bakit di kami makapagmabilis at nagsabay-sabay nalang kami, saktong 12:15mn nakarating kami sa tambayan namin, kinuwento ko lahat ng nakita ko sinabi ko lahat sa kanila. talagang takot na takot din sila at nagkasundo kami na huwag munang mag-uwian tumambay nalang kami hanggang 6am ng umaga. Para medyo maliwanag na. Pagkauwi ko napakatamlay ko at ang bigat ng balikat ko, natulog na ako 11am. nagising ako at hindi ako makabangon sa kama as in napakabigat ng balikat ko dumapa ako inuna ko itayo yung puwitan ko at parang binuhat ko yung sarili kong ulo para makabangon, pumunta akong lababo para magmumog tas kumuha akong pagkain sa lamesa, pagbalik ko sa kwarto nakita ko yung vape ko at ni-try ko mag-tricks dahil patay yung hangin, humarap ako sa salamin dahil tinitingnan ko kung nakakapag-spam na ako ng bilog, nung kukuhanin ko na yung juice ko. Tangina bes may nakapasan sa balikat ko! Oo kitang-kita ko sa salamin dahil nakahubad ako. Black na sapatos at naka-white dress puting-puti siya lintik! Halos himatayin ako sa takot at lumabas agad ako sa kwarto. Sabi ng mama ko bumalik daw ako at mag-alay ng pagkain sabi din ng mga tropa ko na kasama ko mag-stroll nun, bumalik ako kinabukasan at nag-iwan ng pagkain. Matapos yung araw na yun laging madalas ko ng makita yung batang babae at madalas na magparamdam sakin pero hindi na nananakot at nasanay na rin ako. Bespren na kami ngayon. Actually may kumakatok sa labas habang sinusulat ko 'to kahit naka-locked na ang gate namin. Nandito lang kasi ako sa sofa hahaha!Memention ko yung mga kasama ko kapag na-post 'to.
Thankyouuu admin!
Salamat din sa pagtitiyagang basahin ito.Allenpogi <3
Baliuag, Bulacan
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree