First Timer (1985)Taong 1985 ng magtrabaho ang nanay ko sa Japan bilang isang soloist singer. At dahil first timer siya sa Japan hindi pa niya gamay ang mga dapat gawin at ang mismong lenggwahe ng mga hapon.
Dumating si Mama sa resto bar na pinagtatrabahuhan niya na located sa Tokyo. Ipinaliwanag sa kanya ang mga dapat gawin at inilibot siya ng kanilang Shachou (may-ari/boss) sa buong bar. Wala pang isang linggo ipinatawag si Mama ng kanilang promoter para ilipat ng location. Nagkataong naipagpalit daw silang dalawa ng location ng isang kasamahan niya kaya dapat siya ang nasa Saitama.
Dinala si Mama sa isang probinsya sa Saitama at doon nagtrabaho for 6 months. Ilang buwang nagtrabaho si Mama sa Saitama hanggang sa unti-unti niyang magamay ang trabaho. Hindi kalakihan ang resto bar na pinagtrabahuhan ni Mama pero meron itong tatlong palapag. Sa ikatlong palapag kasama ang rooftop doon natutulog sila Mama at iba pang kasamahan niya, sa 2nd floor ng building naman ang mismong bar at sa 1st floor ang Izakaya kung saan pwede ring uminom at umorder ng makakain kapag gustong mag-extend ng customer ng oras kung maabutan sila ng pagsasara ng mismong bar na hanggang 3am lang ng umaga bukas. Sa baba madalas umoorder ang mga Yakuza na pangkaraniwang customer na ng bar nila Mama.
Pa "L" ang hugis ng building at karaniwang sa rooftop sila nagsasampay kapag tapos nilang maglaba ng mga gown at damit nilang sinuot sa tuwing sarado ang bar. Si Mama ang malimit nasa rooftop dahil masyado siyang nadidiliman sa loob ng apartment nila. Ang interior kasi ng buong apartment ay halos naglalaro lang sa kulay pula, itim at puti, tinted din ang mga salamin kaya hindi masyadong pumapasok ang araw sa kabuuan ng building.
Ilang buwan after magtrabaho ni Mama, dito na siya nagsimulang makaramdam ng kakaiba sa building, Ang pintuan ng bar nila Mama ay tinted din pero malalaman mong may pumapasok dahil may nakasabit na wind chimes sa taas na tutunog lang pag bumukas ang pinto. Hindi din naman yun natunog ng basta-basta dahil walang hangin na nakakapasok sa bar dahil naka-tinted glass lahat ng bintana ng bar kahit ang pinto.
Nagsasara ang bar tuwing 3am pero natatapos silang maglinis ng halos 4am na ng madaling araw. Buwan ng October, tumutulong sila mama maglinis noon sa bar pagkatapos nilang magsara, 5 silang nag-aasikaso that time ng biglang tumunog ang wind chimes na para bang may nagbukas ng pinto.
"Irasshaimase"
Bati ng mga taga linis, napatitig si mama sa pinto pero wala naman siyang nakitang pumasok kasalukuyang nakatayo si mama at nagpupunas ng bar table nun. Hindi niya alam kung may pumasok ba talaga sa bar o wala pero tinignan niya ang buong bar wala naman siyang nakita. Hindi na pinansin yun ni Mama at umakyat na lang sa taas pagkatapos para magpahinga.
Ilang araw ang nakalipas napadalas ang pagtulong nila Mama sa bar at naulit din ng naulit ang pangyayari na yun. Palaging bumabati ang mga taga linis sa tuwing mangyayari yun pero wala siyang nakikitang pumapasok, hindi siya nagsasalita kahit nagsisimula na din siyang matakot sa tuwing makikita niyang bumubukas talaga ang pintuan ng bar kahit wala namang pumapasok. Hindi literal na matatakutin si Mama pero ang makakita ng kakaibang scenario gaya nun ay medyo nakakapagpakaba nga naman para sa kanya.
November 15 pasado alas kwatro ng madaling araw bumaba si mama sa bar at pumunta sa kusina para kunin sana ang ipinatago niyang pagkain sa ref. Wala ng tao sa baba nun at medyo madilim sa buong bar, mabilis lumakad si Mama papuntang kusina ng paglabas niya ay napatingin siya sa badang kanan niya kung nasaan ang pinaka-stage ng kanilang bar. 3 malaking salamin ang nakatayo sa stage na yun at naaninag ni Mama ang reflection niya sa mismong salamin pero hindi ganun kalinaw dahil madilim.
Sinubukan niyang maglakad patungo sa hagdan pero nagulat siya ng makitang sa repleksyon niya sa salamin sa likod niya ay may babaeng medyo may kahabaan ang buhok na nakasunod sa kanya habang tumataas-baba ang balikat na para bang naghahabol ng hininga.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree