Gandang Umaga sa inyong lahat. Ghost month na naman kaya A'chi po ulit yung sender ng "Panaginip ng Kamatayan I & II". Anyways, ito namang ikukwento ko ay kala ko sa palabas lang napapanood, yun lang pala ang akala ko. Though matagal na akong nakakaranas ng kung anu-anong kababalaghan pero ito yung isa sa mga hindi ko malilimutan. This time, hindi panagip bagkus mas real pa kesa sa mga plastik mong kaibigan. charot!Nakatiyamba ulit makapagtrabaho sa napakalinis at napakabangong bansang Canada. Nakapag-visit ang partner ko dun then ayun na nga dahil sa sobrang lamig na bansa nagbunga ng bunso. hehe.
Ilang buwan bago ang due date ng panganganak ko nakabalik na ng Pinas ang partner ko. Since CS ako, pinapili ako ni Doc kung anong date ng March ang gusto ko para i-cs ako.
Sa pagkakatanda ko 7 days ung pagpipilian, kailangang pumili ng isa. Ayun na nga nakapili na ako, so all set na kami.Almost 2 weeks prior sa date na napili ko, pumutok na panubigan ko, kaya sinugod agad ako sa ospital na 4 blocks away lang sa tinutuluyan ko. Habang wala pa si Doc tinurukan muna ako ng painless para hindi ko daw maramdaman yung paghilab ng tiyan ko.
Nakapanganak na ako. Binisita ako ng mga kasamahan ko sa work and friends na din. Nung gumabi na, ako na lang at ang baby ko ang nasa room. Every hour or two chine-check ako ng nurse dahil nga wala akong bantay and tinanggihan ko din kasi yung friend ko na ang gustong magbantay. Sana pala hindi!
Unang gabi sa ospital.
Papatulog na sana ako, nang may nurse na pumasok, nakakapagtaka lang dahil may dala-dala siyang tray at sabi niya "Hi, Congrats you have a cutie patootie baby boy", sabay punta sa baby ko na himbing na natutulog at inayos pa nya yung kumot. "So How's you? Starving? I'll bring you dinner" Sabi ko, "Thank You, But I'm done with my dinner already." Sabi niya, "Are you sure? Too early" sabay tingin sa relo nya at sabi "It's only 6 in the evening." Bago pa man ako makasagot nagpaalam na siya na lalabas muna. Naisip ko na malamang wala ng battery relo niya dahil past 10 na yun. Habang kinakain ko yung gelatin na dala niya (take note : ganun lang din kinain ko nung dinner dahil bawal pa kumain ng ibang solid food pag cs) may dumating ulit na chubby nurse na babae, pero hindi yung nagdala ng pagkain at nagulat pa saan ko daw nakuha yun. Sabi ko, "one of your colleagues brought this to me." Sabi pa niya, "Who?" Sabi ko, "I don't know, I didn't ask her name." Gulat ang namutawi sa mukha ng nurse. At parang may gustong sabihin, pero sabi nalang niya "Ohh nevermind" After ma-check yung bp ko, may in-inject sakin para daw hindi sumakit ang tahi ko. Then lumabas na siya.
Naka-idlip ako, pagtingin ko sa cellphone ko past 12mn na
Chineck ko din ang baby ko, ang sarap ng tulog nya. Nang dumating ulit yung nurse, yung nagdala ng jello.
Dim ung light sa room, kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha nya, Sabi niya "Hi, How are you? Feeling better now?" Sabi ko, "I'm good though I can still feel the pain here sabay turo ko sa tiyan ko." Sabi niya "Is the medicine works for you?" Sabi ko, "Not sure cause there's still a pain" Sabi niya pa "Don't worry I'll tell them so they can replace your medicine or give you an oral pain reliever instead" Sabi ko pa, "Thank You're so very kind."Second night.
Hinayaan ko lang bukas yung ilaw sa kisame. Nakita kong himbing na natutulog ang baby ko sa higaan niya. Naiihi ako, kahit paano nakakatayo na ako kaya balak ko sana sa cr kasi hindi ako kumportable umihi sa diaper. Nang dumating na naman yung nurse (yung walang battery ang relo), this time may dala-dala siyang tray na may tinapay at palaman na peanut butter with blueberry spread at fresh juice. "Hi, Good to know you're awake now, I bring you snacks, Come on eat this"
Sa isip ko sakto gutom na ako
Sagot ko sa kanya, "Yeah I'll eat that, Thank You so much." "You're very welcome" sabi pa niya at lumabas na siya. Siyempre umihi muna ako bago kainin yung dala niya. Nang akmang maghuhugas na ako ng kamay sa cr
dumating yung lalaking nurse, "Smells peanut butter eh? Where did you get that?" Tanong ng nurse,
"You're colleague delivered it to me a while ago," sagot ko "May I know who's colleague? Cause It's not allowed yet for you to eat that kinda stuff" Dagdag pa niya. Sabi ko, "I forgot to ask her name but I have seen her twice already, Next time I'll ask her name." "Could you describe her for me?" Since maliwanag yung room, maayos kong nasabi yung itsura ng nurse, Sabi ko "She is tall, sun-kissed skin, pointed nose and curly hair." Yung reaksyon sa mukha ng kaharap ko nag-iba parang natakot na ewan, halos nagmadaling in-inject yung gamot ko at nagpaalam agad.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree