Sari-saring kwento

319 9 0
                                    


Hello, Spookify! Avid reader po ako dito and it's my first time to share my story. I write but I don't usually write horror stories so please bare with me. Lahat po ito ay totoo at hindi kathang isip lamang.

So heto na, mula ako sa isang family na kakaiba sa lahat. Religious, beliefs, tradition, basta iba. Ayoko pong banggitin kasi para safe din po identity ko at ng mga taong kasama po sa story. Hindi ko po alam, pero masasabi kong weird talaga at creepy ang family namin. Kasi lahi po kami ng mga mambabarang at mangkukulam. Idagdag mo pa yong probinsya namin na laman ng mga katatakutan. Isa-isahin ko na lang po para hindi kayo malito.

Simulan po natin dito. So yung mama ko, kasama siya dati sa isang rebeldeng grupo somewhere in Mindanao at isa siya sa may pinakamataas na posisyon sa kilusan. Wait, itong kwentong ito, kinuwento lang ito sakin nung kapatid ng mama ko na dati ring myembro nung rebeldeng grupo. Sabi ni Tita Salek (sln), meron daw silang isang head sa kilusan na may kakaibang coat. Ayun sa kanya, ito daw head nila ay matagal ng hinahanap ng mga awtoridad pero dahil sa coat niya, hindi siya mahanap-hanap at mapatay. Yung coat daw kasi niya, isang sindi lang niya ng isang stick ng posporo, nawawala na siya agad. Bigla na lang siyang naglalaho. May nabalita dati na may hinahanap na isang rebelde pero hindi mahanap dahil sa tuwing magkakabarilan na daw, bigla na lang siyang naglalaho. Pero meron daw yung one time, biglang lumusob yung mga kasundaluhan at hindi niya suot yung coat niya kaya nahuli siya.

Ito naman, si mama ko. Hindi ko po alam kung marunong mangkulam si mama ko pero marunong po siyang manggayuma. Ito, si mama ko mismo ang nagkwento sa akin. Marunong daw manggayuma si mama. Kahit yung iba sa mga tita at kamag-anak namin, marunong manggayuma. Kwento ni mama, dati maraming mga dalaga ang lumalapit kay mama para magpatulong kung paano sila magugustuhan ng mga taong gusto nila. Karamihan sa lumalapit sa kanya mga babae. Ang ginagawa ni mama, pinapadala niya yung mga babae ng pampaganda nila like, lipstick, baby powder, yung mga make-up? Ganun. Tapos dadasalan daw yun ni mama ko. After nun, gagamitin daw yun ng mga babae at kapag in-a-apply nila ang mga yun na may dasal ni mama, matitipuhan sila ng mga lalaking gusto nila. Kaya sa amin, marami sa pinsan ko ang madami ang nagkakagusto kasi nung pinanganak sila, ang pinangligo sa kanilang tubig, may halong gayuma kaya hanggang ngayon, habulin sila ng mga lalaki pero kung titingnan mo sila, hindi naman sila gaanong kagandahan. Ako, hindi ko alam, mukhang iba yata nilagay na gayuma sakin ni mama haha. Kasi lapitin ako ng mga matatanda. Hindi sa pag-aano, pero maraming nagkakagusto sakin na medyo may edad ng mayayaman. Hindi ko alam bakit mabenta ako sa kanila. Si mama ko rin, marunong siyang magtawag ng mga taong umalis o nagpakalayo-layo. I mean, marunong siyang magpabalik. Kasi kwento sakin ni ate ko, lumayas daw siya dati kina mama. Nagtrabaho sa malayo. Tapos after months, bigla niyang naisipan na umuwi. Hindi daw niya alam, pero parang may nag-uudyok sa kanyang bumalik doon kina mama. Kaya sa walang pagdadalawang-isip, umuwi siya agad doon. At nalaman na lang niya, dinasalan na pala siya ni mama. Sabi rin ni ate ko, ang tanging pangontra lang daw para malabanan yun kung ayaw mo talagang bumalik, ay magtago sa ilalamim ng nakaangat/nakataas na bagay (di ko alam proper term na gagamitin), basta parang sa ilalim ng mesa, ng kama, ng lababo, basta yung parang natatakpan ka? Ganun.

Ito naman, mga karanasan mismo ni Tita Salek, yung kapatid ni mama ko. Si Tita naman, marunong siya gumawa ng ipo-ipo. Kwento niya, para daw makabuo ng ipo-ipo, kukuha siya ng gabi at ibabaon niya yun sa lupa malapit sa ilog. Babalikan niya ito pagkatapos ng ilang araw at dadasalan sa mismong araw na nakatakda kung kailan niya gustong magkaroon ng ipo-ipo. Minsan, nagagawa nila ito kapag gusto nilang maghiganti sa mga taong may ginawang masama sa kanila. Si Tita Salek din, marunong siyang umiwas sa ipo-ipo. I mean, kapag may ipo-ipo sa lugar nila, alam niyang iliko ang ipo-ipo. Ang ginagawa niya, kumukuha siya ng kadkaran ng niyog at ihaharap niya yun sa direksyon ng ipo-ipo. At siyempre, dadasalan din niya yun. Pagkatapos nun, kusang mag-iiba ng direksyon ng ipo-ipo at hindi matatamaan ang kinatitirikan ng bahay nila.

Si lolo ko naman, tatay nina mama ko at Tita Salek, kilala siyang opisyal na may mataas na posisyon sa lugar namin. Hindi ko alam, pero marami ang ilag at takot sa kanya kahit kami. Pinagsasabihan kami parati na huwag maging pasaway sa kanya. Hanggang sa nalaman ko sa pinsan ko na, nag-aalaga siya ng sigbin. Sila ng pangalawa niyang asawa. Kaya marami ang nag-iingat at takot sa kanya, at ayaw makipag-away sa kanya dahil inuutusan niya ang mga alaga niyang sigbin na sugurin at patayin ang mga taong may ayaw sa kanya o mga kaalitan niya. Sa pamilya rin kasi namin, hindi mawawala ang alitan. Kaya yung mga pinsan ko, nag-iingat sila dun sa pangalawang asawa ng lolo ko kasi mainit ang dugo sa kanila at baka ipapatay sila dun sa mga alaga nilang sigbin.

Marami pa pong mga nakakatakot at mga misteryong bumabalot sa pamilya namin pero hanggang diyan lang po ang maaari kong ikuwento. Gusto ko po itong ibahagi para malaman nyo na totoong may mga ganito po. Kapag na-post po ito, ibabahagi ko din yung iba kong nakakatakot na karanasan. Salamat po sa pagbabasa.

WatchMeWhip

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon