Albularyo

287 8 0
                                    


Good evening Admin. Share ko lang ang aking first experience about sa mga albularyo.

Nagpatayo ng bahay si Mama sa lupa nila sa Samar at dun na plano sanang manirahan for good. Dahil galing kami sa Cebu sa side ng Papa ko kaso medyo hindi na sila good terms ng erpat ko. Nung patapos na ang bahay pwede na sanang tirahan, kaso nag-advice ang tita ko na ipa-bless muna sa albularyo, manggamot or mananambal sa bisaya. Dahil nga ang lupa na yun ay malapit sa fishpond/river at may mga kawayanan sa paligid parang "tawhan" sa tagalog may mga nakatirang di katulad sa atin. Naniniwala kasi sila na kailangan munang magpaalam sa mga hindi nakikita o sa mga elemento na nakatira dun na kung pwedeng gamitin na yung lupa na yun. Ang sabi ng albularyo maghanda daw kami ng pagkain kahit kaunti lang pero walang asin o kahit anong pampalasa. Naghanda sila mama ng pinakuluang manok, biko, pinakuluang karne, nilagang saba, lahat matabang dahil bawal lagyan ng pampalasa o asin. Gabi nang sinimulan ang ritual nung albularyo. Tanda ko pa nasa 40's lang yung albularyo na nanggaling pa sa malayong bayan. Ang mga tao lang na titira sa bahay ang pwede lang sumali sa ritual. Lahat gamit ay kandila lang at lampara dahil bawal mag-light ng kuryente. Sinimulan na nya ang dasal. Yung dasal nya hindi latin kundi parang mga sinaunang tribo na mga lingguwahe, basta hindi siya latin parang may pagka-islamic na parang sa mga indonesian language. Iba ang linggguwahe ang ginagamit niya. Pagkatapos niyang mag-ritual, ang sabi niya pumikit ang mga takot o ayaw makakita sa mga "diri sugad sa aton" sa tagalog mga di kagaya sa atin o elemento. Pwede rin daw manatiling bukas ang mata pero baka daw yung mga hindi alam na may third eye makakita dahil pag once makakita ka sa kanila habambuhay ka na daw makakakita ng katulad nila. Lahat kami magkakahawak ang mga kamay papalibot sa lamesa na may mga handang pagkain. So pumikit na lang ako dahil bata pa ako nun (grade 4 pa ako nun) at takot ako dahil baka makakita ako. Biglang lumamig ang paligid. Hindi hangin kundi parang nasa malamig kang lugar and then may nagsaboy ng buhangin sa mga paa namin as in totoo! Di ako makapaniwalang may buhangin talaga na malamig na sumaboy sa paa ko dahil nakapaa kaming lahat. Nung naramdaman namin yun lalong humigpit ang pagkakahawak namin sa mga kamay namin. Sabi ng albularyo "nandito na sila". Patuloy na nagsasalita ang albularyo na parang nakikipag-usap sa kanila. Hanggang sa nagsabi na ang albularyo na "Tinatanggap nila ang alay nyo. Pwede na kayong lumipat. At aalis na daw sila." Biglang nawala yung malamig at bumalik sa normal ang temperatura ng paligid. Then pinapadilat na kami ng albularyo at pwede nang buksan ang ilaw at patayin na ang mga sinding kandila at pagsaluhan na daw namin yung mga handa sa lamesa. Tinignan namin paanan namin wala namang buhangin. Nagtataka at nagtatanong kami na san galing yung buhangin e wala namang buhangin dahil sementado naman ang flooring ng bahay. Tinanong namin ang albularyo ang sabi niya, yun daw ang sign na pumapayag na sila sa hiling na pwede nang tumira sa bahay o gamitin ang lupa na yun. As in sobrang na-amazed ako dahil di ako makapaniwalang may mga ganun pala tlgang kakayanan na makakita o makipag-usap sa mga nilalang na di kagaya sa atin. Maraming Salamat sa pagbabasa next time ulit. 

- Amber

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon