People's Park Tagaytay

269 6 0
                                    


Share ko lang din ang naging experience namin sa Tagaytay.  Nagbalak kaming magkakaibigan na mag-Tagaytay nun dahil naubusan kami sa UP Fair.

After namin kumain ng mga kaibigan ko, nagbalak muna kaming dumaan sa People's Park sa Tagaytay, pero close na yun kaya dun kami sa usual spot namin bago mag-People's Park. Habang paakyat kami doon sobrang foggy ng paligid. Una natutuwa kami dahil unang punta namin doon hindi ganun ka-foggy. Pero habang paakyat kami parang ang bigat sa feeling na para bang hindi ka welcome sa lugar. Pero dedma kami kasi nakapunta na kami doon sa lugar na yun. Yung friend ko namang isa is bigla na lang nanahimik at itinaas yung bintana sa side niya (right side). Habang papunta na kami sa taas sa spot namin pabigat na ng pabigat yung nararamdaman namin sa lugar na yun. Ako naman na nasa likod tinitignan kung may mga kasunod kaming sasakyan para alam kong di lang kami yung nandun. Una may nakikita pa ako pero tila dalawang kurap ko lang eh nawala na yung mga nasa likod namin na mga sasakyan. Dinedma ko na lang, iniisip ko na baka nag-uturn sila kahit medyo nagtaka ako na para bang ang bilis nila mag-uturn nun eh yung mata ko nasa likod lang nun. So nakarating na kami sa spot namin bago mag-People's Park nag-stop kami doon para magyosi at tumambay. Pero naubusan kami ng yosi at bibili sana sa tindahan malapit don pero di kami makalapit dun sa tindahan na yun dahil natatakot kami at may aso din don. Kaya tumambay na lang kami doon at nag-picture. After namin mag-groupfie non bigla kaming takbo lahat sa sasakyan dahil parang di tama yung feeling namin doon sa lugar na yun. Habang pababa na kami nun nagtatakutan pa kaming magkakaibigan nun na pabiro nang biglang may napansin yung kaibigan namin na nagda-drive na may itim o aninong nakita na dumaan sa taas ng sasakyan. Bigla kaming napatigil sa tabi nagtanong yung kaibigan namin kung nakita daw ba nila yung itim na yun. Tas tinanong kung may naririnig ba kami nun na kakaiba kung sa taas ba ng sasakyan o sa baba. May nagsasabi na may naririnig silang kakaiba sa baba ng sasakyan nun. Kaya dali-dali nilang sinarado yung mga bintana. At umalis na nun, habang pababa na kami may nakasalubong kaming aksidente nun (ewan ko kung ako lang ang nakakita or what pero tinanong ko yung isa kong kaibigan na wala naman daw kaming nadaanan). Nung nakababa na kami bigla na lang ako nanghina at para bang nasusuka. Kaya tumabi muna kami sa gilid nang mahimasmasan, sinubukan kong sumuka non pero walang lumalabas maya-maya yung isa kong kaibigan nang-asar na parang susuka pero maya-maya siya yung napasuka nung imbes na ako, nang di ko malabas yung suka ko nagpadaan na lang ako sa may gas station para doon sumuka. Pagkatapos non habang pabalik na kami ng Makati para ihatid yung kaibigan namin biglang may sumabog na malakas sa highway na akala namin sa sasakyan namin dahil ramdam namin yung pagyanig nung pagsabog. Nang nahatid namin yung kaibigan namin sa Makati, dumaan muna kami sa Eastwood nun dahil may dadaanan lang akong kaibigan ko doon. Habang papunta kami ng Eastwood nag-stopover muna kami sa may Jollibee para maki-cr. Nang paalis na kami wala pa sigurong 2 meters, nang biglang may nagbanggaan sa likod mismo ng sasakyan namin. Sobra kaming kinilabutan nun dahil sa likod na likod mismo namin yung nagbanggaan dinig namin yung malakas na impact kitang-kita namin yung pag-usok ng sasakyan nun. Tumabi na kami sa gilid at doon na kami nagsimulang magdasal dahil feeling namin may sumusunod samin. Umuwi agad kami after namin maidaan yung kaibigan ko sa Eastwood.

Nang nakauwi na kami sa bahay ng kaibigan namin. Nag-chat yung kasama namin, may nabasa din siya galing dito sa spookify na halos parehas yung nangyari except sa pabalik-balik na lugar at sa asong itim. Yung isa kasi na kaibigan namin may third eye. Kaya pala una paakyat pa lang namin mabigat na sa pakiramdam. May nakita siyang matandang babae na may kasamang bata na nadaanan daw namin yun yung part na nanahimik siya at tinaas yung bintana ng sasakyan. At nung pababa kami nun yung time na tumigil kami sa tabi, sa spot na yun mismo sa may puting poste sa side niya mismo doon niya pala nakita yung 6 na menor na naaksidente sa Tagaytay na duguan daw nakatingin sa isa't isa na tila di nila alam yung nangyari sa kanila. Pasalamat na lang kami at di kami niligaw sa lugar na yun, kung hindi baka di na siguro kami nakabalik dahil sa pagkakaalam ko wala sigurong isa samin ang may alam sa piso na ilalagay sa bulsa na yan.

-scarlet

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon