Ang Tatay ng Classmate ng GF ko

305 9 0
                                    


Hello, Share ko lang itong na-experience ko dati. I'm Jayvee from Manila. 7pm nun nang nag-text sakin ang GF ko na di daw sya makakapunta sa amin dahil may practice sila ng mga classmate nya, pumunta na lang daw ako dun para magkita kami kahit papaano. Pumara ako ng jeep at pagtingin ko sa loob eh puno na ito kaya't sumabit na lang ako sa labas. Habang nasa byahe may napansin akong isang lalaki na nakadilaw na polo shirt, nakasalamin at medyo napapanot na din. Kapansin-pansin sya kasi kamukha nya si President Noynoy. Napangiti na lang ako sa nakita ko (kasi panot hihi) pagbaba ko ng jeep eh sinalubong na agad ako ng GF ko at pumunta sa bahay ng classmate nya. Pagpasok, pinaupo nila ako sa sala habang sumasayaw silang nagpa-practice, kaya't naglaro na lang ako ng games sa cp. Mga ilang sandali pa eh may napansin akong family picture sa taas ng TV sa tapat ko. At nakita ko yung lalaki na nakita ko sa byahe knina lang. Un din ang suot nyang damit. Then tinawag ko yung classmate ng GF ko at tinanong kung sino ung nasa picture. ''Tatay ko po yan" sabi nya. "Ahh pauwi na yan eh nakita ko kanina naglalakad" nakangiti kong sabi. Nagulat na lang ako ng biglang natahimik sya at natulala sabay sabing "imposible po yun kuya, patay na po ang tatay ko. Ika-isang taon nya nga po ngayon eh" bigla na lang nanindig ang balahibo ko. Hindi ako sanay sa ganito. Matatakutin akong tao para dito. Nagulat ako ng biglang sumigaw ung classmate ng GF ko ng mama at bigla namang bumaba ang mama niya. "Ma, nakita nya daw si papa sa daan pauwi na dito sa atin " sabay turo sakin. Bigla-biglang umiyak ang mama nya at pumunta sakin. "Ba't nagpakita sya sayo? May gusto ba syang sabihin sakin? Kaya mo bang makipag-usap sa patay?" Sabi niya. Lalo naman akong nataranta at natakot dahil sa mga tanong niya na yun. Kaya't nagpaalam na ako at sinabing ''Pasensya na po, hindi po kasi tlaga ako sanay sa ganito, matatakutin po akong tao. Sorry po, Alis na po ako" at hinatid na nila ako palabas. Mga 10 hakbang pa lang ang nalalayo ko eh napatingin ako sa bahay nila at laking gulat at nagtaasan ng grabe ang mga balahibo ko ng makita ko ang tatay nila na nakatayo sa pintuan na tila ba galit kung makatingin kaya't humaripas na ako ng takbo pasakay ng jeep.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon