Hi spookify! Share ko lang yung experience ko nung nagbakasyon kami sa probinsya namin. Di ako magaling magkwento kaya bear with me guys!.Ako nga pala si June (not my real name) Taga Maynila ako, Pero nitong bakasyon lang umuwi kami ng probinsya namin sa Roxas, Capiz. Taga Capiz yung tito ko. Kapatid ng papa ko yung tito na yun kaya naging kamag-anak ko.
Umaga palang mula Maynila hanggang Capiz bumiyahe na kami. Gabi na kami nakarating dun sa probinsya namin kasi traffic at nag-i-stopover din kami para kumain. Pagkauwi na pagkauwi nagpahinga na sila agad habang ako nagbibitbit ng mga gamit papasok ng bahay. Inintindi ko nalang kasi ako nalang talaga ang gising samin kaya ako nalang gumawa kesa ipabukas pa. Nung matapos ko ng buhatin lahat nagpahinga na agad ako sa higaan ko. Bago ako matulog naglaro muna ako ng PVZ (Plants vs Zombie) Pampaantok kasi di pa ko antok nun. Around 11pm gising pa ako ng makaramdam ako ng pag-ihi. Nag-cr ako agad-agad. Paglabas ko ng cr may nakita akong palaka (frog) kung titignan ko maigi yung palaka di siya basta palaka lang. Parang iba siya. Tapos ang weird niya. Habang palapit siya ng palapit sakin. Isang talon nalang niya sa paanan ko bago pa siya makarating dapat sisipain ko na, kaso naalala ko ang sinabi ng lola ng tito ko na huwag daw ako gagalaw ng mga hayop dito baka daw kasi hindi lang basta hayop magambala ko kaya di ko nalang pinakialaman at bumalik na sa higaan ko.
Fast forward.
Kinaumagahan naglinis ako ng tapat ng bahay, nagwalis ako at habang nagwawalis ako nilapitan ako ng babaeng magaling manghula sa lugar nila. Nasa isip ko bakit siya lalapit eh di ko naman siya kilala. tinignan ko lang siya kung may sasabihin siya pero nakatitig lang din siya sakin. Mga ilang sandali lang umalis na rin siya. Ang weird lang kasi bakit ganon? After ng paglilinis ko sa labas bumalik na ako sa loob. Yung araw na yun siya rin yung ikinatakot ko ng sobra at kaba. Gabi na nun ganong gawi ulit. Mga 11pm naglalaro ulit ako ng PVZ. Habang nakikipagbakbakan ako sa zombies bigla akong nakaramdam sa paanan ko. Pinause ko muna yung laro ko at tinignan kung ano yun at nakita ko na naman yung palaka na nakita ko nung isang araw. Parehas na parehas siya kasi tandang-tanda ko yung pagkakaayos ng palaka na yun. Ang weird lang kasi ba't siya nagpapakita sakin at ba't ganong oras? bago pa siya tumalon nasipa ko na agad siya at pinabayaan nalang at nagbalik sa laro hanggang sa antukin na ako at nagpahinga na rin.Kinabuksan naglinis na naman ako sa tapat ng bahay. Nagwawalis ako ng makita ko na naman yung manghuhula sa lugar na yun. Pero this time di niya ako tinitigan. Nagsalita siya.
Manghuhula: Delikado ang buhay mo bata.
Ako: (napatingin sa likod) Ako po? Bakit, ano po ang ginawa ko?
Manghuhula: Ginambala mo siya.
Ako: Huh? Sino po?
Manghuhula: (umalis)Pagtapos nung pag-uusap na yun agad-agad akong pumasok ng bahay at nagsara ng pinto. kinabahan ako sa sinabi ng manghuhula kasi wala naman akong kaaway dito at isa pa nagbabakasyon lang kami dito. Maya-maya pa kinuwento ko sa tito ko yung sinabi sakin ng manghuhula at napag-usapan namin na isimba daw ako baka daw namasama ako dito sa lugar. Nung nasa simbahan na kami. ako palapit na sa pintuan, si tito bumibili ng pagkain. Nung palapit na ako sa pintuan nakita ko na naman yung manghuhula (bakit ba? bakit ka ba sumusunod?) sabi ng utak ko. Tinitigan ko lang siya at bigla siyang nagsalita nang...
Manghuhula: Papatayin ka niya! Pinapaalis nila kayo!
Ako: Huh? sino? Wag nyo naman po akong biruin
Manghuhula: Patayin mo yung hayop na yun. Di siya ordinaryo!
Ako: HUH?!!! (bigla akong napaisip, isa lang ang tumakbo sa isipan ko at yung palaka yun, kasi siya lang yung na-e-encounter ko)
Manghuhula: Patayin mo siya bago ka niya mapatay.
Ako: (naiiyak na sa takot)Nang makarating na tito ko sakin biglang umalis yung manghuhula. After namin magsimba di ko na kinuwento sa tito ko yun at ipinagwalang bahala na lang. Pagkauwi namin nagpahinga na agad si tito dahilan na rin sa pagod. Ganong gawi pa rin pero di ako naglalaro. Nakaupo lang ako sa higaan kasi di ko makalimutan yung sinabi ng manghuhula sakin. Di ko alam ba't ganon pero isa lang ang alam ko, di ako matutulog hangga't di ko nakikita yung palakang yun. 11pm na pero wala pa rin yung palaka. nagtataka ako kasi ba't 11 wala pa kasi 11 siya nagpapakita sakin. 12am wala pa rin. Inaantay ko talaga siya. 1am wala pa rin. 2am ng makaramdam ako ng pag-ihi. So nag-cr muna ako. Palabas na sana ako ng cr ng bigla akong makarinig ng kaluskos sa labas. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng cr at sinilip yung pintuan sa labas kung nakabukas. Nagulat ako sa nakita ko kasi may butas na maliit. Tinignan ko maigi yung butas at dun ko napagtanto na palaka yung bumutas dun. Bigla akong nakaramdam ng takot kaya bumalik na ako sa higaan ko. Pagbalik ko pumikit ako ilang minuto pa bumangon ulit ako para tignan kung anong oras na. Pagtingin ko sa relo ko nakita ko sa gilid yung palaka. Bigla akong nakaramdam ng sobrang takot. Di ako makagalaw sa inuupuan ko. Di ako makasigaw. Nasa gilid ko lang yung pamalo. Hinanda ko talaga para pag lumapit siya papaluin ko siya hanggang sa mamatay. Ilang sandali na titigan bigla syang tumalon. Ilang talon nalang malapit na siya sakin. Tumalon siya ulit. Isang talon nalang makakalapit na siya sa paanan ko. Bago pa siya makatalon ulit inunahan ko na siya ng palo. Pinalo ko siya ng pinalo ng matigas na bagay. di ko alam ang tawag sa pamalo na yun basta matigas siya na bagay at ang nasa isip ko lang nun ay mapatay yung palakang yun. Hindi ko tinigilan sa pagpalo yung palaka. Maya-maya pa sinagi ko ng pamalo ko kung buhay pa pero patay na. Ginawa ko kumuha ako ng plastic at dun ko nilagay yung patay na palaka at tinapon nalang sa isang gilid sa basurahan.
Kinabukasan may nabalitaang patay na matanda sa lugar namin dun sa Capiz. Nung tinanong ko kung ano ikinamatay sabi pinalo daw ng matigas na bagay sa ulo at wala namang nakuha yung soco kung sino ang gumawa ng krimen. Biglang pumasok sa isipan ko yung palaka. Bigla kong binalikan yung palaka kung saan ko tinapon. Nakita ko yung pinaglagyan niya pero sya wala na. Hindi na palaka nakita ko sa plastic kundi abo at dugo na.
Potpot
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree