✿ CHAPTER 11 ✿

32 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Last round na ng laro nila ngayon at tie pa ang mga scores ng dalawang grupo kaya naman kabadong kabado kaming lahat. Eh pano, kapag ang kalaban nila ng makakascore sa round nato at hindi sila talo na agad sila.

Tahimik lang akong nanonood habang chinicheer parin sila ng iba. Eh pano kinakabahan talaga ako. Gusto ko na sila ang manalo at hindi yung kabilang team.

Maya maya ay inagaw na ni Adrian ang bola mula sa kabilang team kaya napatayo kaming lahat. Nagpalakpakan kami habang tinatakbo ni Adrian palayo ang bola at hinahabol naman siya ng mga kabilang grupo.

Maya maya ay nagtaka ako ng sumali si Vernon sa paghahabol sa kanya at nang naabutan na niya si Adrian ay bigla niyang inagaw ang bola. Anong——

Tung lalaking to! Nasa iisang grupo lang naman sila kaya bakit pa niya ginagawa yan? Yang bespren ko talaga, napakapabida!

Napailing iling ako habang nakatingin kina Adrian at Vernon na nag aagawan ng bola. Maya maya ay nakuha na nga ito ni Vernon at itatakbo na sana niya ito palayo pero hinabol naman siya ni Adrian.

Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa na kanila. Paano siya mananalo niyan eh kahit na nasa isang grupo kang sila nagpapataasan pa sila ng mga pride nila? Haynako naman.

Maya maya ay napansin kong malapit nang matapos ang round nato kaya kinabahan na naman ako. Ano pa bang ginagawa nung dalawa? Bakit nagrarambulan parin sila diyan?

"GO RED HAWK FOOTBALL LEAGUE!!! GO RED HAWK FOOTBALL LEAGUE!!!"

Ay huwaw. Chinicheer pa nila yung Red Hawk Football League eh ang kinakaaway ng isang kagrupong yan ay yung kateam mate niya mismo.

Hindi nagtagal ay nakawala na si Adrian mula kay Vernon at itinulak niya ang bestfriend ko kaya natumba ito. Napatayo ako dahil sa ginawa niya. Bakit niya itinulak si Vernon?

Well, kasalanan naman kasi talaga ng bestfriend ko. Kung hindi lang sana siya nagbida- bidahan may karagdagang points na sana sila ngayon! Punyeta!

Bumalik ako sa kinauupuan ko at maya maya ay napansin kong nakascore na pala si Adrian kaya napatayo kaming lahat at napasigaw.

Maya maya ay naka- score na naman siya kaya mapahiyaw na naman kaming lahat. No wonder siya ang team captain nila, dahil siya naman pala talaga ang pinakamagaling sa kanila sa NFL sports.

Hindi nagtagal ay natapos na ang laro at naghiyawan ang lahat ng players pati narin kaming mga audience. Agad nilang nilapitan si Adrian at kinarga pa nila ito kaya natawa ako.

Yung iba ay nakipag- handshake naman sa kabilang grupo, except kay Vernon. Nakatayo lang siya habang nakatingin kay Adrian na kinakarga na ng mga kateam mates nila habang dala dala ang trophy na napanalunan nila. Maya maya ay napailing iling siya at lumapit siya kay Summer para uminom ng tubig.

Inabutan siya ni Summer ng tubig pero hinablot lang niya ito mula sa kamay niya kaya nagulat ako. Bakit niya ginaganyan ang pinsan ko ha?! Mauupakan ko talaga siya!!

Nginitian lang naman siya ng pinsan ko at may sinabi siya kay Vernon pero hindi niya ito pinakinggan dahil busy siya sa pag inom ng tubig. Napasimangot ang pinsan ko at yumuko ito.

Maya maya ay nilapitan naman ako ni Adrian kaya napangiti ako. Bibigyan ko na sana siya ng tubig pero nagtaka ako nang inabot niya sa akin ang hawak hawak na trophy niya.

"Bakit mo yan inaabot sa akin? Aanhin ko yan?" Tanong ko.

Nginitian lang naman niya ako at tumabi siya sa akin. Maya maya ay bigla nalang niya akong niyakap kaya nagulat at kinilig ako at the same time.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nanalo kami. Minotivate mo ako at nag cheer ka rin para sa amin. Kaya dapat lang na ibigay ko to sayo..."

Tiningnan ko siya at umiling iling ako. Bumitaw ako sa yakap namin at nginitian ko siya ulit.

"Hindi. Kayo ang nagpakahirap sa paglalaro kanina kaya sa inyo yan. Atsaka, hindi naman ako humihingi ng kapalit dun sa ginawa ko eh...."

Napangiti siya at niyakap niya ulit ako kaya napangiti na naman ako.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon